Ako nga pala si Leisly Tañamor Mondragon kilala bilang Leisly Tañamor. Ito ang kwento ng aking buhay. Isang araw naisipan ng mama ko na magwalis sa bakuran ng kapitbahay namin, upang may maibigay sya sa akin na pagkain pang almusal kasi hindi pa kami kumakain. Nong natapos na syang magwalis binigyan kami ng pagkain at umuwi kami sa bahay para makakain kami. Hanggang sumapit ang gabi hindi pa umuuwi ang papa ko hanggang sa nakatulog nalang kami ng mama ko na hindi nakapag haponan at buntis pa naman si mama ko. Umuwi si papa na galit na galit sya kasi bakit raw hindi nagluluto ang mama ko ng pagkain nagugutom na sya, hinagis niya lahat mga bagay namin at hanggang sa may nakita siyang bobog ng butil at nilapitan niya ako at pinag tangka-ang patayan. iyak ako ng iyak sa sobrang takot at buti nalang hindi niya tinuloy ang balak niyang pagpatay sa akin at umalis nalang sya. Hindi na matiis ne mama ang mga pananakit sa kanya ng papa ko lalo nat buntis pa naman sya sa pangalawa kong kapatid, naka pagpasya si mama na iwanan niya na ang papa ko at umuwi sa kanyang mga magulang. ako ay dalawang taong gulang pa lamang nuon pumunta kami sa bahay ng lolo at lola ko sa Dinagat Island at duon na manirahan kasama mama ko. Makalipas ang isang taon biglang bumalik si papa at may hawak na regalong chocolates, sobrang saya ko kasi nakita ko ulit ang papa ko at sobrang miss ko na po sya kaya yumakap ako sa kanya, at ang sabi niya uwi na raw kami sa kanya. Nakita iyon ng lola ko at sobrang galit ng lola ko hindi sya papayag na sumama ako sa papa ko. Nagpakiusap ang papa ko na kung pwede sana hihiramin muna ako at esasauli din naman po ako sa kanila. Pumayag naman ang lola ko kaya sumama ako sa papa ko pauwi doon sa San Jose Dinagat Island. nakatira ako sa papa ko
Please log in to comment.
Habang doon ako nakatira sa papa ko lumipas ang ilang buwan sa tuwing kakain kami ang ulam ko ay patis....
Please Install App To Read This Part