Kalam Kalam
A
Aprilyn
1 month ago

GRADUATION

*TAGALOG SAD STORY* Isang umaga, ng magising ako sa aking pagkakatulog. Dali-dali akong bumangon ng maalala ko na ito pala ang araw nang aming pagtatapos sa kolehiyo. 😃😃 Agad kong inayos ang aking sarili. May halong kaba at tuwa 😃😃 ang aking nararamdaman dahil sa halos apat na taong paghihirap at pagsusumikap, makakamit ko na din ang matagal ko ng pinapangarap, ang MAKAPAGTAPOS. Napakabilis ng pangyayari nakarating kaagad ako kung saan gaganapin ang venue. Nakita ko ang matatamis na ngiti ng bawat studyante, kasama nila ang kanilang mga magulang. Sa kabilang daku naman natanaw ko ang aking mga kaibigan, masaya silang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Sa isang sulok nakita ko ang aking nobyo. Masaya din ito kasama ang kanyang ina. Sa aking kinakatayuan ramdam ko din ang saya at tagumpay. Agad akong lumapit sa aking mga kaibigan, nandun na din ang aking nobyo dahil magsisimula na ito. Umupo ako sa tabi nila, masaya ko silang binati sabay ngiti. Pana'y lang sila sa kakukwentuhan at tawa kung minsan. Kaya laking gulat ko na kahit isa man lang sa kanila, walang sumagot sa akin. Naisip ko nalang na baka binibiro ako dahil eto talaga yung dating gawain naming magbabarkada. Pero sinubukan ko ulit dahil baka hindi nila ako naririnig dahil sa lakas ng tugtog ng musika. Paulit ulit akong nagsalita, halos mawalan na nga ako ng boses sa lakas ng pagbati ko. Di parin talaga ako nakuntento, kaya lumapit nalang ako sa aking nobyo baka sakaling pansinin nya ako. Nang akmang yayakapin ko siya, bigla akong napasubsob. Nagtaka ako sa aking sarili kaya inulit kong muli , pati sa mga kaibigan ko. Para akong bata na naghahanap ng kalinga ng isang ina. Di man lang ako nila napapansin, ano ba ang nangyayari sa akin? Ito ang aking malaking katanungan. Tumigil ako sa aking ginagawa ,ng may bigla akong maalala. Napakasakit sa pakiramdamadam ng maalala ko iyon, kaya agad akong humagulgol, napakalakas na hagulgol............😭😭😭😭 ­FLASHBACK (Gabi ng sabado, ng maisipan kong umuwe sa bahay namin. Wala na kasi akong pasok nun kaya umuwe nalang ako. Kasama ko ang aking pinsan, galing kami sa paaralan. Mabilis ang pagpapatakbo niya ng sinasakyan naming motorsiklo, dalawa lang kaming magkasama. Pakanta-kanta pa kami nun, dahil iyon talaga ang aming nakagawian, hanggang sa maramdaman ko ang sakit sa aking buong katawan at ulo. Sobrang sakit ang aking naramdaman, para akong naipit,binugbog at dinadagan. Nakita ko pa ng gabing iyon kung paano gumulong-gulong ng paulit ulit ang aking pinsan, at haggang sa mawalan na ako ng malay.)............😭😭😭😭 Humagulgol lang ako ng humagulgol. Tiningnan ko ang buong paligid. Nakikita ko ang mga kaklase ko na puno ng kasayahan. Nakasuot lahat sila ng togang itim. Samantalang, pagtingin ko sa aking sarili, nakatelang puti at isa na akong kaluluwang nagdadalamhati. END....😭

Please log in to comment.

More Stories You May Like