Ako si Grey aka Maestro Silent Rasta, taga Cagayan de Oro city. at nangyari ang kwento ko na ito noong July 2009. Isang araw nakatanggap kami ng text mula sa probinsya na namatay daw ang Ama ng aking dating kinakasama na si Rena, tubong taga Lanao del Norte. Noong nalaman namin ang hindi mabuting nangyari sa kanyang Ama, Bumyahe kami kaagad ng tanghali, kasama ang aming apat na anak. Madilim na kami dumating doon sa Lanao del norte, medyo mahaba kasi ang byahe at hindi masyado mabilis ang nasakyan naming bus. Pagkarating namin sa bahay nila syempre yong mga eksena na nag- iiyakan silang mag-anak. Hindi ako pumasok sa loob ng bahay nila kasi ayokong pati ako ay maiyak. kaya umupo ako sa labas ng bahay nila. Sa mga panahong yun kasi talagang Badboy pa ang aking datingan. Ayaw na ayaw ko na umiiyak ako para kasing nakakabawas ito ng pagka maangas. (May principyo kasi ako noon na ang isang Badboy ay hindi dapat umiiyak maski anong mangyari.) Nang gabing yun ay dumating din ang isa pang kapatid ni Rena, at ang iba pa nilang mga pinsan. nagka-iyakan din sila. Makalipas ang ilang oras, nagkaroon kami ng pagkakataon na magkausap ng Mama ni Rena, "Ma... Ano ba ang nangyari..? Bakit namatay si Papa ano ba ang ikinamatay niya talaga? Nakakabigla naman kasi itong nangyari sa kanya... huling kita ko sa kanya maliksi pa yun eh tsaka umiinom pa ng alak..." (Kahit di kami kasal ni Rena ay Mama at Papa ang tawag ko sa mga magulang niya bilang pagre-respeto.) "Matagal na pinahirapan 'yang asawa ko ng nagpakulam sa kanya... Akala namin nung mga nakaraang buwan ay bumuti na ang kanyang pakiramdam, Nakakapag lakad-lakad siya sa paligid, nag-aalaga pa siya ng mga baka at kalabaw niya at nakakapangisda pa. Ngunit nong makita siyang masigla ng mga nagpakulam sa kanya... Lalo siyang binanatan hanggang sa siya'y maging buto't balat nalang... Lumalaban pa yan siya at ayaw niyang mamatay, pero talagang hindi siya tinigilan hanggat sa hindi siya malalagotan ng buhay..." Sabi ng mama ni Rena na namumugtong ang mga mata. "Bakit naman nila ginawa yan kay Papa, ano bang dahilan? kasi hindi naman nila gagawin yan kung wala silang rason..." Pagtatanong ko. "Nagsimula yan nung binawi ng asawa ko ang chainsaw na pina-arkilahan niya. Kasi hindi na nagbabayad ng maayos ng renta, laging may dahilan na kesyo ganito, ganyan. at laging nasisira yong chainsaw. Kapag nasisira hindi nila pinapaayos, ang asawa ko pa ang nagpapaayos at nagbabayad. kaya nagalit itong asawa ko at nagpasya siyang bawiin at hindi na niya ipapagamit sa nag aarkila na taga dyan lang sa kapitbahay." Pagkukwento ng mama ni Rena. at pagturo sa kapitbahay na tinutukoy niya. "Nagalit sila dahil yun lang ang pang hanap-buhay nila ang pangangahoy sa mga puno doon sa bukid... wala naman akong magawa kasi alam mo naman na sobrang stricto niyang asawa ko, pag ayaw niya, ayaw talaga at madaling mag init ang ulo niyan...matigas pa sa bakal ang puso niyan..." Dugtong pa ng mama ni Rena. Ang ama kasi ni Rena ay talagang stricto sa kanilang pamilya, madaling magalit lalo na kapag naka inom. Pero may kabaitan din naman ito paminsan-minsan sa aking naobserbahan noong nabubuhay pa ito. "Kung sabagay nga naman sino ba hindi magagalit niyan na kapag nasira ang gamit hindi pa pinapaayos ng nag aarkila, at hindi pa nagbibigay ng tamang bayad...kahit ako siguro ganyan din gagawin ko...nakakaperwesyo nga naman yung iba ang nakakasira ng gamit mo pero ikaw pa obligado na magpapaayos.. hindi tama yun..." Saad ko sa mama ni Rena. "Simula nong binawi niya ang chainsaw, bigla nalang siyang nagkakasakit...Naka ilang balik na kami sa hospital, at kung saan-saan na nga kami nagpapagamot sa albularyo. Pero ganon pa din lalo lang siyang nanghihina..." Pagkukwento ulit ng mama ni Rena. "Sukdolan talaga ang galit nila kay Papa dahil desperado silang patayin ito... pero hindi kaya nagkataon lang nangyari ito? baka may malubhang sakit lang talaga si Papa at hindi naman ito kulam...Syempre yong pag iinom niya baka isa din sa cause yun." Sabi ko. "Kinulam talaga siya Grey, kasi yun ang sabi nong mga albularyong pinatingnan namin sa kanya...sa mga findings sa hospital ok naman lahat ng resulta sa katawan niya, walang problema sa atay at baga niya... hindi na niya talaga kinaya pa at sumuko na siya sa pakikipag laban niya..." Mangiyak-ngiyak na sinabi ng mama ni Rena. "May alagang sigbin yang asawa ko pero iwan ko bakit hindi man lang siya tinulongan nun..." Dugtong niyang sinabi. Na we-wierdohan talaga ako nong mga panahon na yun. anong connection ng sigbin at ano ba itong mga nangyayari. syempre first time ko maka experience ng may kinulam, actually may mga naririnig na ako about barang at kulam, pero syempre ito sobrang malapit sa akin ang kinulam dahil Lolo ito ng mga anak ko. But to be honest, hindi ko talaga pinaniwalaan ang sinabi ng mama ni Rena na namatay ang Padre de pamilya nila dahil sa kulam. "Noong huling gabi na katabi ko ang aking asawa sa pagtulog, nagising ako at nagulat kasi niyakap niya ako, sobrang lamig ng katawan niya para siyang bangkay na. at para bang nagpapa-hiwatig na siya na magpapaalam na. kaya hinayaan ko lang siyang yakapin ako kahit kinikilabutan na ako... At pagka bukas noon, bago siya malagotan ng hininga, may iluluwa sana siya na hindi ko alam kung ano yun at gusto niyang ibuka ko ang aking mga palad. tela ba may gusto siyang ipasa, pero hindi ko ginawa, natakot ako at inisip ko baka plema lang yun... natawa pa nga ako... pero hindi nalang niya yun tinuloy at nilunok niya ito ulit..." Pagkukwento ng mama ni Rena. Pagkatapos naming magkausap ng mama ni Rena, nagka-inoman kami kasama ang mga kapatid ni Rena, pinsan at ibang kaibigan na taga doon din sa kanila. Sa aming pag-iinoman panay lingon ko sa kapit-bahay na tinutukoy nilang 'yun ang nagpa kulam sa ama ni Rena. Napapansin kong may mag asawang nakatingin lang sa amin mula sa kanilang maliit na balkonahe. May kakaiba talaga sa kanilang mga tingin, para bang pinagmamasdan nila ang mga nangyayari sa burol o di kaya'y kami ang kanilang pinagmamasdan. Dumaan ang isang linggo na burol ng Ama ni Rena at sa last vigil nito doon ako humiga sa kwarto kung saan de-umano nalagutan ng hininga ang Ama ni Rena, ewan ko ba para bang may nag-udyok sa isip ko na humiga doon kahit may iba pa namang kwarto pero doon ko talaga napiling humiga. Ang mga anak ko nasa kabilang kwarto sila natutulog. Andaming tao sa sala at sa labas. May mga nag-iinoman at naglalaro ng baraha. Ilang araw na din akong walang tulog kaya naman gusto ko munang makapag pahinga kahit isang oras lang makabawi man lang ng lakas. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod ng aking katawan. "Tulongan mo ako Greyson... Tulongan mo ako Greyson...!!! Kailangan ko ang tulong mo..." Sabi ng Ama ni Rena. "Teka... patay na siya ah... nananaginip ba ako? Hindi maari...panaginip lang to..." Sabi ko sa aking sarili habang nakaharap sa naka tayo na ama ni Rena. Hindi naman ako natakot kahit alam kong patay na siya. Nagtataka lang ako. "Anong gagawin ko para matulongan ka Pa?" tanong ko sa kanya. "Tulongan mo ako....Iganti mo ako sa gumawa nito sa akin...Ikaw lang ang tanging makakatulong sa akin, dahil hindi ka isang ordinaryong tao...Nakikita ko sa kalooban mo ang nakakubli mong tunay na anyo...Hindi natural ang kamatayan ko...Pinerwesyo ako ng mga pesteng tao na kapitbahay...." Sabi ng Ama ni Rena. Na wierdohan man ako sa kanyang sinabi pero hindi ko na inisip yun. ang nais kong malaman kung paano ko siya matutulongan sa kanyang hinihiling. "Makinig ka sa akin Greyson, susundin mo lang lahat na aking sasabihin. huwag kang mag aalinlangan at pangunahan ng kaba... Sa araw na ako'y mailibing, Pagmasdan mo sa paligid ang mga tao na may kagagawan ng aking kamatayan. Hindi sila makakalapit dahil alam nila na alam niyo na din na sila ang may kasalanan... Sa gabi niyan ay magpaparamdam ako sayo'ng muli sundin mo ang aking mga ipapagawa sayo upang mabigyan ng hustisya ang aking kamatayan...Inaasahan ko ang tulong mo..." Sabi ng kaluluwa ng ama ni Rena. Nagising ako at nakaramdam ako ng takot. hindi dahil sa napanaginipan ko ang isang kaluluwa, Kundi natakot ako doon sa gusto niyang ipagawa sa akin. bumangon ako at lumipat sa kabilang kwarto kung saan natutulog ang mga anak ko. Pagka umaga nun, Hindi ako mapakali. Parang naririnig ko paulit-ulit yong sinabi ng kaluluwa sa aking panaginip. "May iniisip ka ba? bakit parang wala ka sa sarili?" Tanong ni Rena sa akin. "Hang over lang to...masakit ang ulo ko..." Sagot ko sa kanya. at ibinigay ni Rena sa akin ang aming bunsong anak na karga-karga niya. Tanghali na ng inilibing ang Ama ni Rena, Nalalakad lang ang cementeryo mula sa bahay nila. Ang bunso kong anak na baby pa ay iniwan namin at pinabantayan sa isang batang babae na katiwala at kapitbahay nila ni Rena. Natutulog kasi siya noong araw na yun, tsaka ayaw namin na madisturbo ang tulog niya dahil napaka bugnotin ng anak naming yun. Ang tatlong anak ko lang ang naisama namin ni Rena. Sa cementeryo, habang inililibing na ang ama ni Rena, napansin ko ang isang lalaki na naka distancia lang, Nakaupo ito na nakatukod ang isang tuhod sa lupa. Hindi niya napansin na nakatitig ako sa kanya dahil naka soot ako ng shades. Nag sign of the cross siya at tinapik niya yong lupa sa harapan niya, Nakita ko talaga yun at nakita din pala yun ng mga kapatid ni Rena. Binantayan din pala siya ng mga ito, syempre sa dahilang siya talaga de-umano ang nagpakulam. at dahil siya din yong naka alitan at nag aarkila ng chainsaw sa ama nila Rena. Hindi ko pa alam noon kung ano ang ibig sabihin ng ginawa niyang yun, ang pag sign of the cross at pagtapik niya sa lupa. (Ayon sa mga sabi-sabi, yun ay sign of guilt sa nagawa niya sa tao na ginawan niya ng masama.) Pagkatapos matabunan ng lupa ang kabaong ng ama nila Rena. Ako ang nagsulat sa cross nito ng kanyang boung pangalan, petsa ng kanyang kapanganakan at petsa ng kanyang kamatayan. at nilagyan ng RIP. Unti-unting nagsi-alisan na ang mga dumalo sa paglibing, at pag alis namin sa cementeryo nakita ko yung lalaki na salarin sa pagpapa-kulam. Ibig sabihin binabantayan din niya kami na naiwan ng mga oras na yun. "Tingnan mo yang tampalasan na yan, halata masyado sa mga ginagawa niya... binabantayan niya tayo, akala siguro niya hindi natin siya napapansin..." Sabi ng kapatid ni Rena sa akin. "Hayaan na natin yan, may balik din sa kanila ang ginagawa nilang kasalanang maka demonyo, pinapangako at sigurado ako dyan..." Sagot ko habang tinatahak namin ang daan pa-uwi. Hindi ako aware sa mga sinabi kong yun, para bang biglaan ko nalang nasabi yun na hindi ko naman iniisip. para bang may magaganap talaga na gantihan. Nasa bahay na kami lahat, may kainan, at nag iinuman kami kasama ang mga kamag-anak ni Rena. Tradition na ito ng iilan sa ating mga pilipino lalo na dito sa mindanao, na pagkatapos ng libing ay may kainan sa bahay ng namatayan. Ang mga dumalo sa libing ay nakikain din, ngunit napansin kong hindi na pumunta at nakikain ang sinasabing nagpa kulam sa ama ni Rena. Nakakapagtaka man pero naisip ko talagang umiiwas ito. Habang nag iinoman kami sa labas ng bahay nililingon ko na naman ang kapitbahay ng nagpa kulam. Nandoon lang sila nakatingin sa aming lahat. Ang wiwierdo ng mga tingin nila. Pinansin pa sila ng ina ni Rena at tinawag upang kumain pero tinanggihan nila ito. "Mareng... Pareng... Halikayo dito marami pang pagkain... salohan niyo kami..." Pagyaya ng mama ni Rena sa mga tampalasan. Sinadyang gawin yun ng kanilang ina na yayain ang mga tampalasan na yun upang malaman kung ano reaction nila. At tungkol naman doon sa panaginip ko sa ama ni Rena. kahit isa sa kanila ay wala akong sinabihan ng araw na yun. Ngunit nasa isip ko palagi yong pakiusap niya paulit-ulit. "Tagay na bayaw... parang ang bigat ng problema mo ah... may iniisip ka ba?" tanong ni Buddy sa akin habang hawak ang baso na may laman na beer at inaabot sa akin. "Wala to... medyo hilo lang.. kulang pa ako sa tulog at pahinga..." Sagot ko kay Buddy at tinanggap ko ang baso sabay ininom. Pagka gabi na non, 11pm habang natutulog kaming lahat. Nalasing na din kasi ang ilan sa amin. Ginising ako ng isang boses. Boses ito ng ama ni Rena. "Greyson... bangon... lumabas ka...!" sabi nito sa akin. inaantok pa at masakit pa ang ulo ko. Bumangon ako at nilingon ko ang paligid baka kasi may nagising din. pero ang hihimbing ng tulog nila. Kaya lumabas ako ng bahay at dumukot ako sa bulsa ng aking soot na itim na jacket ng isang stick na yosi at sinindihan ko ito at umupo ako sa labas ng bahay. "Ano po ba gagawin ko dito, Pa? Sabihin niyo lang at gagawin ko kahit inaantok pa ako..." sabi ko sa isip ko at sabay buga ng usok ng yosi pangpa-gising. "Nakikita mo ba yang puno ng guyabano sa gilid ng bahay? tingnan mo may nakatingin sayo. (nilingon ko ito) Sundan mo yang nilalang na yan." Sabi ng kaluluwa ng ama ni Rena. Pag tingala ko sa puno ng guyabano, meron nga akong nakikita na hindi ko maintindihan kung ano yun. "Ano ba yan aso ba yan o kambing? ang laki naman ng tenga niya at kulay dilaw pa yong mga mata.. First time ko makakita ng ganitong nilalang." sabi ko sa isip ko pagka kita ko sa nilalang na nakatungtong sa puno ng guyabano. Hindi ako natakot, alam kong hindi niya ako sasaktan kahit mukha siyang mabangis at mukhang mananakmal kung hindi ka mag babantay at kung sakali man sugurin niya ako magkakamatayan na kami pero makikipag sabayan talaga ako sa nilalang na yun. Nagulat nalang ako nong lumipad ito sa ibang puno. at sinundan ko na kung saan direction ito pumupunta. Napansin ko nalang na papuntang cementeryo na kami. "Ah...come on...bakit dito pa sa cementeryo? ano ba pinaplano na ipapagawa sa akin ni Papa..." paubos na yong yosi ko kaya tinapon ko ang upos at kumuha ulit ako sa bulsa ko at nagsindi. Sinusundan ko pa rin yong nilalang na palipat-lipat lang sa mga puno. Hindi siya bumababa sa lupa, Hanggang sa makarating na ako sa nilibingan ng ama ni Rena. Narinig ko na naman boses ng kanyang Ama. "Sabayan mo ako sa aking oracion... Huwag kang magkakamali sa iyong sasambitin, alalahanin mong nasa libingan ka ng mga patay, kapag nagkamali ka dudumugin ka ng mga kaluluwa na nandidito.. Pero alam ko naman na magagawa mo ito ng maayos dahil may kaalaman ka sa spiritual...Nasa sarili mong kakayahan naka-salalay ang lahat..." Sabi ng ama ni Rena. "Kunin mo at sindihan ang kandila na nasa may ulohan ng aking libingan..." Dugtong niya. Sinunod ko lahat ang mga sinabi niya at kahit hindi siya nagpapakita sa akin ayos lang mas mabuti ng ganun. Dahil baka magulat ako at madi-distract lang yong pinapagawa niya sa akin. Exactong alas dose ng hating gabi. Tinignan ko ang celpone ko habang sumasabay ako sa latin na oracion. Hindi ko man na-iitindihan yong ibang latin pero madali ko itong nami-memorize. Paulit-ulit ba naman niyang pinapabigkas sa akin ang oracion. Pagkatapos nun. "Kumuha ka ng isang bulaklak na naka patong sa aking libingan... at kumuha ka din ng dalawang bulaklak doon sa mga kabilang puntod..." Utos ng kaluluwa sa akin. Kaya naghanap ako ng iba pang puntod na inalalayan din ng bulaklak. Syempre nag paalam ako sa mga nakalibing dun na hihingi lang ako ng bulaklak at napag utusan lang ako. bale tatlong bulaklak ang nasa kamay kong hawak. "Ngayon naman Ipahid mo ng pa cross ang mga bulaklak na yan sa aking lapida...At banggitin mo ang oracion na ito..." Utos ng kaluluwa uli sa akin. Binanggit ko din ang oracion na kanyang sinabi. (Hindi ko ilalagay ang oracion upang hindi ito gayahin ng mga may masasamang balak sa kapwa.) Sinunod ko kaagad ang mga sinabi niya ng walang pag-aalinlangan. "Ngayon, pumunta ka sa bahay ng nagpa kulam sa akin...Magdahan-dahan ka doon at baka magising mo sila..." Sabi nito sa akin. Kaya umalis na ako sa cementeryo at sumusunod din sa akin ang nilalang. parang naging bantay ko ito sa gabing 'yun. Habang naglalakad ako pabalik, nag sindi na naman ako ng yosi para pangpa kalma at malibang na rin sa pag-lalakad sa matahimik at madilim na daraanan. Nililingon ko ang nilalang na sumusunod sa akin na palipat-lipat sa mga puno. May nakasalubong ako na isang malaking korteng tao, sobrang laki niya hindi siya ordinaryong tao. mabalahibo siya parang maihahalintulad ko sa mga maskot yong laki niya. tumayo mga balahibo ko kasi narinig ko ang growl niya. kaya binilisan ko ang lakad ko. Sa palagay ko ay kapre nga yung nakasalubong ko. Mapuno kasi yong dinaanan ko na yun at papuntang sapa. Pagkarating ko sa may sapa ay uminom muna ako ng tubig, malinis ang tubig na yun dahil doon din umiinom at nag-iigib ang mga malapit na nakatira doon. Naririnig ko ang mga kakaibang mga ingay. pakiramdam koy nakasunod sa akin ang mga kaluluwang hindi matahimik. mga kaluluwang nais manghatak sa hukay. at mga kaluluwang nanatiling nakakubli sa dilim. Binilisan ko ang aking paglalakad dahil nakakapangilabot na sa pakiramdam ang mga naranasan ko ng gabing yun. Nong marating ko na ang harap ng bahay ng mga nagpakulam, pumasok ako sa bakod nila, buti nalang at wala itong lock. (Para tuloy akong magnanakaw) "Ngayon ipahid mo ang bulaklak sa pinto nila...ipahid mo ito na pa cross... at pati sa ding-ding nila...Tapos sabihin mo ang oracion..." Utos ng kaluluwa sa akin. (Ang marka na ginawa at ang oracion ay tinatawag na Kastigo dei Calvario... Iilan lang ang nakakaalam sa oracion na ito. Tinawag itong Kastigo dei Calvario na binase sa pagpapahirap kay Jesu-cristo sa Calvary. Napaka delikado gamitin ng oracion na ito kung mali ang processo at mga susi na gagamitin. Kamatayan sa mga susubok na walang sapat na kaalaman. Huwag na huwag tatangkain subokan.) Ginawa ko lahat ang kanyang inutos. Pagkatapos non lumabas na ako sa bahay ng mga tampalasan. "Huwag mong itatapon ang bulaklak, lunokin mo ito upang hindi ito makuha ng mga tampalasan, dahil kapag nakuha nila yan sayo tatama ang parusa ng mga patay...Masasayang lang ang iyong mga ginawa..." Ito ang huling utos ng kaluluwa. Sinunod ko ang mga sinabi niya. Bumalik na ako sa bahay at nahiga muli sa aking higaan. Hindi man lang napansin ng mga kasama ko sa bahay na lumabas ako ng dis-oras ng gabi, gayung dayo pa naman ako sa lugar nila. Walang naka-alam sa ginawa kong 'yon. Isang linggo lang ang nakalipas... Nahulog sa puno 'yong panganay na anak nong nagpakulam, basag ang bungo sa ulo at talagang naliligo ito ng sarili niyang dugo. pero nabuhay pa din ito dahil agad naman dinala ng mga tao sa hospital. Pero isang buwan lang ang itinagal ng buhay niya, nakaligtas man siya sa disgrasya ng pagkahulog, ngunit nagkasakit ito ng malubha. Nagsuka at nagta-tae at yun ang dahilan ng kanyang ikinamatay. Nagkataon lang ba? O nagkabisa talaga ang pinagawa sa akin ng kaluluwa. Sa nangyaring yun sa anak ng mga nagpa kulam, naisip ko na 'yon na ang kabayaran ng kanilang ginawa sa ama ni Rena. Ika nga ang gawaing masama ay babalikan din ng karma. Pero hindi pa pala doon natatapos ang lahat, Dahil gumanti pa sila. Sa palagay ko'y nalaman nila ang aking ginawa. Kaya't pamilya ko naman ang pinunterya nila. Sumiklab ang galit ng pamilya ng mga kumulam sa ama ni Rena. Dahil sa ginantihan sila at nalagasan sila ng isa sa pamilya nila at panganay na lalaki pa nilang anak ang nasawi. At dahil dun muli silang gumalaw at gumanti, si Rena na ang pinadiskitahan ng mga tampalasan. March 2010. Gabi nun ng biglang magising si Rena na namimilipit sa sobrang sakit ng kanyang tyan. Ginising niya ako dahil hindi na niya kaya ang sakit na nararamdaman niya. "Greyson...gising... sobrang sakit ng tyan ko..." Sabi ni Rena na hindi mapakali hawak ang kanyang tyan. Akala lang namin nun ay may nakain lang siya o kinakabag na naging dahilan nito. Bumaba siya at napa-upo sa hagdan, nasa taas kasi ang kwarto na tinutulogan namin. kaya sinundan ko siya at bumaba din ako. pinahidan ko ang tyan niya ng ointment ngunit hindi pa rin na ibsan ang sakit na nararamdaman niya. Umabot na ng isang linggo ang naramdaman niyang sakit ng tiyan niya at lagi siyang umiiyak. Tiningnan ko ang tyan niya at hinipo ito, nagulat ako dahil ang tigas at para bang cenemento ang kanyang tyan. Sobrang naawa ako sa kalagayan ni Rena ng mga panahon na yun. Naisip ko na baka si Rena na naman ang target ng mga tampalasang kapitbahay nila. Nababahala na ako ng mga panahon na yun dahil hindi ko maitatanggi na natakot ako baka ikasawi ni Rena ang nararamdaman niya. Ayokong ma-ulila sa ina ang mga anak namin. Hindi na normal ang kalagayan niya, kaya agad na nag decision ang kanyang ina na dalhin siya sa manggagamot at na confirmed na kinulam nga ng mga pamilyang may personal na galit kina Rena. Gabi yon ng pumunta ako sa cementeryo para tawagin ang kaluluwa ng kanyang Ama. Mahigit isang oras din ang paghihintay ko bago siya tumugon sa tawag ko. Kasama ko sa pagpunta ng cementeryo ang kapatid ni Rena na si Buddy. Nasaksihan niya yong pangyayari nong gabing yun. "Bayaw... Ano ba 'tong ginagawa mo? bakit gabi pa tayo pumunta dito pwede naman bukas ng umaga... natatakot na ako, baka may lumabas dito na jombie o di kaya'y vampires kakagatin tayo... uwi na tayo at mag inoman nalang... kung ayaw mo iiwan na kita dito, sabi pa naman ng iba na may mga kutong lupa sa lugar na to...ayaw ko pa naman madagdagan ang kuto ko sa ulo..." Sabi ni Buddy na may halong pagbibiro dahil natakot kasi siya. "Huwag ka matakot buddy hindi naman totoo yang zombie eh tsaka walang vampire dito, lamok lang meron...tsaka si Papa mo ang tinatawag ko..." Sabi ko kay Buddy. "Wooh.. wooh... wooh..!! teka wait a minute, time pers muna... my Dad is dead already bayaw... and he is there under that soil (itinuro ang libingan ng ama niya)... langya bayaw wag ka naman magbiro ng ganyan...wag mo sabihin na buhay si Papa? where is he? where is he.... nagtatago ba siya sa mga puno? Dad...come out ka na pinaiyak mo pa kami lahat buhay ka lang pala..." Pag-iingay ni Buddy. "Buddy... hindi ko sinabing buhay si Papa mo... kaluluwa niya tinatawag ko kaya please manahimik ka lang dyan." Saway ko kay Buddy. "What? sinabi mo bang kaluluwa? As in ghost rider, ghost fighter, ghost na kaluluwa is here? I don't believe you bayaw...Hindi naman totoo ang mga spirits eh... sa mga palabas lang yan.." hirit muli ni Buddy. "Hay naku... bahala ka nga dyan.. ang ingay mo... manood ka nalang..hindi ako makapag concentrate eh..." Saway ko uli kay Buddy. Ngunit ilang minuto lang at biglang lumamig ang boung paligid. nakakabingi ang katahimikan. Umihip ang napakalamig na hangin at nagliparan ang mga tuyong dahon sa lupa. biglang nagsalita ang pamilyar na boses. "Greyson... Alam ko ang sadya mo bakit ka naparito, ayaw ko sana kausapin ka dahil sinama mo ang anak ko..." Sabi ng kaluluwa. "Ah... eh pasensya na ho... pero kailangan ko ng tulong niyo kasi si Rena nakakaawa ang sitwasion niya ngayon... isinama ko nalang si Buddy kasi sinamahan ko din siya kanina sa pag akyat sa niyogan." Paliwanag ko sa kaluluwa. Napa iyak si Buddy sa nasaksihan niya na pakikipag-usap ko sa kaluluwa ng kanyang Ama. Hindi man nagpakita ang kaluluwa pero maririnig namin ang boses niya. Panay pahid ni Buddy sa luha niya gamit ang kanyang damit. "Makinig ka sa akin Greyson... Ang mga kalaban ko ay may ibinaon doon sa kabilang cementeryo sa may malaking cross... hanapin niyo yun dahil maaring mapahamak si Rena... Iligtas mo ang anak ko..." Paalala ng kaluluwa. Napansin ko nalang si Buddy na balisa at tila may hinahanap sa paligid, palingon-lingon siya at hinahawi niya ang mga damo at tinitingnan din niya ang mga katabing puntod ng kanyang Ama. "Buddy... Ano ba yang ginagawa mo? may hinahanap ka ba?" Pagtatanong ko. "Hinahanap ko ang speaker, sigurado akong may speaker dito naririnig ko boses ni Papa. Saan niyo ba nilalagay yan bayaw...?Bakit naririnig ko ang boses ng father ko... saan ba yang speaker nakalagay..." Sabi ni buddy na napakamot pa sa ulo. "Sira ulo..." Napailing nalang ako sa mga sinabi at pinag gagawa ni Buddy. Bago pa kami matapos mag usap ng kaluluwa, Dumating yong nilalang na parang kambing na may halong pagka aso, nasa itaas ito ng puno nakatingin lang sa amin at napansin din iyon ni Buddy, kinalabit niya ako at itinuro yong ibabaw ng puno na tinutung-tongan ng nilalang. "Merong audience sa ibabaw naka tingin sa atin..." Pagbibiro ni Buddy. tumango lang ako na ibig sabihin alam ko. Tahimik namin nilisan yong cementeryo at nakasunod yong nilalang sa amin. may dalang flashlight si Buddy at dahil halatang takot siya iniilawan niya ito kapag dumadapo sa mga puno. "Bayaw sinusundan tayo... Baka kainin tayo nito... psstt... wag mo ako kainin hindi ako masarap... si Bayaw lang kainin mo kasi lasang bulalo siya, mabuto-buto yan siya..." Kabaliwan ni Buddy habang tinatahak namin ang daan pa uwi. "Ikaw kakainin niyan dahil lasang ginataan ka... amoy niyog ka eh..." Pag ganti ko ng biro kay Buddy. at natawa kami pareho. Pagka uwi namin sa bahay "Kailangan natin mahukay ang inilibing ng mga salot na yan doon sa kabilang cementeryo para mawala yang nararamdaman ni Rena." Sabi ko sa kanilang ina at sa mga kapatid nila. "Paano mo naman nalaman yan na may ibinaon doon sa cementeryo...?" Tanong ni Erwin. "Alam niyo nakakatakot ang gabing ito, may nagsalitang kaluluwa kanina at may sumusunod sa amin na chihuahuang lumilipad...kaya naman kailangan namin uminom ni bayaw ngayon kasi nauuhaw ako..." Pambasag na kalokohan ni Buddy. "Basta sundin niyo nalang ang sinabi ko... alam na ni Buddy kung paano ko nalaman..." Paliwanag ko. "Kung totoo man yan, bukas pupuntahan natin yong malaking cross at hanapin natin 'yong ibinaon nila..." Plano ni Erwin. "Alam mo Bayaw, yong sumusunod sa atin kanina na mukhang chihuahua? sigbin yun...ngayon ko lang nakita ulit yun kasi maliit pa ako noon una kong nakita yun. Nakakatakot ang sigbin kasi minsan wild ang nilalang na yan lalo na kapag full moon...tsaka mahilig sa uling ang sigbin siguro lagi siyang nag ba-barbecue..." Paglalahad at pagbibiro ni Buddy. "Hindi tayo tatalohin non kasi alaga yun ng iyong Ama. kaya safe tayo... tsaka ang Ama mo pa rin ang kinikilalang amo non kasi wala naman siyang pinasahan isa sa inyo...Loyal ang mga sigbin sa amo nila." Natatawa kong sinabi kay Buddy. "Nakakita kayo ng sigbin? nakakatakot ba hitsura niyan.? di pa kasi ako nakakakita ng sigbin...Gusto magkaroon ng alaga na ganyan dahil nauutosan daw yan..." Sabat ni Erwin. Nang gabing yun nakarinig kami ng mga kalabog sa labas ng bahay para bang may nagagalit at pinaghahampas ang bubongan ng bahay at maging ang malapit na puno ng niyog naririnig namin na may nagwawa-siwas ng mga dahon nito. wala namang malakas na hangin. at pagkabukas nun ay may mysteriong nangyari dahil ang isang alagang baboy ng ina ni Rena ay namatay at para bang binugbog ito dahil maraming pasa sa katawan. Ang sabi ng ina ni Rena baka ang sigbin daw may gawa non. ayaw daw kasing pinag-uusapan sila. at yong baboy na namatay kinatay nalang namin at niluto kasi mainit-init pa naman ang katawan siguro madaling araw na yun nalagotan ng buhay. Mas lalo pa naging mahina at laging umiiyak si Rena na nakahiga sa kanilang sala, kaya naman umalis na kami ni Buddy papuntang cementeryo. Ang Mama nila ang nag alaga kay Rena. at ang nag alaga naman sa mga anak namin ay ang isa pang kapatid na babae nila. Nong makarating na kami sa cementeryo tinawagan ko muna si Erwin, para tulongan kami sa aming paghahanap sa ibinaon na bagay sa malaking cross. baka kasi matagalan lang kami kong kami lang dalawa ang maghahanap ni Buddy. Malapit lang din kasi ang tirahan nila Erwin sa cementeryo na yun. Pagdating ni Erwin agad naming sinimulan maghanap. 20minutes lang at nahanap namin sa may gilid ng malaking cross ang isang bagay, kulay itim na tela maliit lang ito at nirolyo sa itim na sinulid, may laman ito sa ilalim at tiningnan namin. Nagulat kami sa aming natuklasan. isang papel na tinusok ng karayom at may naka sulat. Ang boung pangalan ni Rena with family pa ang nakalagay. Galit na galit ako sa nabasa ko at parang gusto kong lusobin ang mga tampalasang kapitbahay na mahilig mag pakulam. "Bakit hindi nalang idaan sa harap-harapang away at ng magkaalaman... bakit kailangan pa nilang idaan sa mga ganitong paraan ang kanilang galit... Mga demonyo sila... lalabanan ko sila kahit buhay ko itataya ko...Magkakasala man ako ayos lang matapos lang ang kasamaan ng mga tampalasan na yan..." Sabi ko sa sobrang galit at napakuyom ako ng aking kamay. "Relax ka lang bayaw... wag mo idaan sa brutal... sunugin natin bahay nila mamayang gabi..." Pagbibiro ni Buddy. "Huwag naman ganon... madadamay bahay ni Mama.. Paulanan nalang natin ng bala ang bahay nila..." Pagbibiro din ni Erwin. at nagkatawanan nalang kaming tatlo. Dahil sa nakuha namin ang ibinaon doon sa cementeryo, bumuti din ang pakiramdam ni Rena. Hindi na sumasakit ang tyan niya at nawala din ang paninigas nito. Pagka uwi namin, nagyaya si Erwin ng inoman. Nasa labas kami ng bahay non nag-inoman, nakita namin yong kapitbahay na kalaban ng pamilya nila Buddy. "Grey..huwag! Baka ano pa magawa mo sa kanila... alalahanin mo may mga anak ka..." Pag pigil ni Erwin sa akin na susugorin ko na sana ang tampalasang kapitbahay. Hindi ko na kasi mapigilan ang nararamdaman kong galit. "Oo nga naman bayaw... saka magkakagulo pa tayo dito dahil maraming kamag-anak nila ang nakapalibot dito...Malaking riot ang mangyayari dito...Ayaw ko pa naman ng violets..." Saway din ni Buddy sa akin. "Violets? ano yun?" tanong ni Erwin kay Buddy. "Violets... yung dahas ba... ano ba Erwin ang hina mo naman..." Sagot ni Buddy. "Violence yun eh... hindi violets..." Pagtatama ni Erwin at nagkatawanan silang dalawa. "Pasensya na kayo... Nadala lang ako ng galit, Hindi naman kasi tama yong ginagawa nila... Sila nag umpisa ng lintik na kulam na yan..." Sabi ko sa dalawa na napasuntok nalang sa haligi ng bahay. Isang linggo ang nakalipas, umuwi na kami sa Cagayan de Oro at akala ko maayos na ang lahat kasi okey na si Rena. Pero mali ako sa aking inakala dahil mas may matindi pa palang mangyayari. July 2010. Nagkasakit ang bunsong anak namin ni Rena na Baby pa lang. at ipinagtataka ko malusog at maliksi naman ang anak ko. dinala namin siya sa health center at maayos naman siya, pero kapag tuwing sasapit ang gabi lagi siyang umiiyak, hindi na natutulog. Nagka LBM din ito at hindi na nagdedede, tatlong araw na dinanas ng anak namin yon. Hanggang sa isang umaga nanood kami ng TV na ang palabas ay Dragon Ballz, nasa kandungan ko ang aking anak na Baby at okey naman ang kanyang pakiramdam. Nanonood din siya at tumatawa kapag nilalaro siya ng kanyang mga kapatid. at pagkatapos namin manood, pumasok kami sa kwarto namin dahil inaantok ang anak ko. nilagay ko lang siya sa kama at pinatulog. Pagka tanghali non nagtaka na kami kasi hindi man lang humingi ng dede at para bang hindi na gumagalaw ang anak ko na natutulog. "Greyson, gisingin mo nga si Baby at padedehin ko..." Utos ni Rena sa akin. Kaya ginising ko at kinarga ko ito gumalaw siya at pagka labas ko ng kwarto napansin namin ni Rena na parang iba ang kilos ng anak namin, tumirik na ang mga mata at naka nga-nga lang naghahabol din siya ng kanyang hininga. kaya nataranta na ako at madaling lumabas ng bahay, hindi na ako nakapag bihis at tuwalya nga lang ang nabitbit ko na siyang pinambalot ko sa anak ko. Habang nasa sasakyan pa lang kami, panay sipa ng paa niya at nakahawak siya ng mahigpit sa aking damit. Hindi ko mapigilang kabahan at nanghihina ako. Napansin ko nalang na parang lumambot siya at hindi na siya humihinga. Pagkarating namin sa hospital, Agad na ni revive ng mga nurse at doktor ang anak ko, kinabitan siya ng oxygen at pina-pump ang kanyang dibdib. Ngunit sa kasamaang palad, hindi naka survive ang anak ko. "Sir, ginawa na namin lahat para maligtas ang anak mo...Dead on Arrival siya... Sorry..." Sabi ng Doktor na umiiling iling at tinapik niya ang aking balikat. Tumulo nalang bigla ang mga luha ko sa mata at nanlambot ang pakiramdam ko, hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman parang lutang ako sa kawalan. Nagdilim nalang ang paningin ko at nagwala ako sa hospital, pinag sisipa ko ang mga upoan. Nanginginig ang mga braso at binti ko, para akong matutumba. Pinigilan at pinapatahan ako ng isang Wardman. At nong mahimasmasan ako kinuha ko ang anak ko na nakahiga, binalot siya nong tuwalya. Habang karga-karga ko ang wala ng buhay ni Baby papuntang morgue. Saka naman ang pagdating ni Rena at nakasunod siya sa akin. hindi pa niya alam na patay na ang anak namin. Bitbit niya ang babyron at mga gamit ni Baby. "Greyson... Saan ba ang room i aadmit si Baby...? Ito nga pala ang dede niya baka nagugutom na yan..." Tanong ni Rena habang sumusunod sa akin. Napahinto ako sa paglalakad. "Sa Morgue...Patay na si Baby..." sagot ko kay Rena na sumisikip ang dibdib at napaiyak ako sa sinabi ko. Sa paglalakad ko patungong morgue napakabigat ng aking paghakbang sa mga paa. At pagdating namin sa morgue. Binuhos ko doon ang lungkot na aking nararamdaman. Sinigaw ko ang aking pag-iyak. Niyayakap ko ang katawan ng anak ko na lumalamig na ang katawan at nagsimula na itong mag kulay ube ang balat niya. "Baby...gising...!! parang awa mo na be... wag mo naman iwan si papa... be gising...!!! Diyos ko... bigyan niyo po ako ng lakas na tanggapin itong nangyari..." Paghihinagpis ko sa loob ng morgue. Si Rena humagulgol sa pag-iyak wala siyang masabi at hindi makapaniwala sa nangyari. Hindi naman kasi namin inaasahan na mangyayari yun na yugto sa buhay namin. "Anak...Baby... mahal na mahal kita nak... be balik ka please... wag mo naman iwan si papa... hindi ko matatanggap na mawala ka be... sige na be bumalik ka na... Diyos ko... pakinggan mo naman ako... ayaw ko mawalan ng anak..." Niyakap ko at pina-pahiran ko ng aking palad ang nag moist na mukha ng anak ko. hinahalik-halikan ko ang labi at pisngi ng anak ko kasabay ng paghihinagpis ko sa sobrang bigat at sakit ng aking dibdib. Halos tatlong oras kami sa morgue kasi hinihintay din namin na dumating ang aking tiyahin na tinawagan namin upang tulongan kami na makalabas doon sa hospital. Pagdating ng Tiyahin ko nagka problema kami kasi hindi naman pwede isakay yong patay sa mga pampasaherong sasakyan. Walang papayag na Driver pag ganon. Kaya ang idea namin hindi na kami nagpahalata na patay ang karga-karga kong bata. pinadede ko pa din kunyare at pumara kami ng taxi upang i uwi sa bahay ang bangkay ng anak ko. Pagkadating sa bahay, dahil nalaman ito ng boung kapitbahay namin nagtulong-tulong sila na gumawa ng kabaong. at pinintorahan nila ito ng kulay pink. dahil babae yong anak kong namatay. Binurol namin c Baby 3days lang kasi hindi pwedeng ma imbalsamo ang mga sanggol. kaya inenject lang ang formalin sa kanya. sa huling gabi ng lamay ni Baby habang nag-iinit ako ng tubig sa takori. Napansin ko sa may bintana ang isang nilalang na alaga ng Ama ni Rena. Sa isip ko baka nandito ang kaluluwa ng ama ni Rena. Agad akong lumabas at hindi ako nagkamali narinig ko ang boses ng ama ni Rena. "Makinig ka Greyson... Hindi namatay sa sakit ang Apo ko... Pinatay siya ng kulam... at ang may gawa ay ang mga tampalasang kalaban ko..." Sabi ng kaluluwa. Biglang may sumigaw sa loob ng bahay kaya agad akong pumasok. Ang Mama ni Rena napasigaw sa nakita niya at itinuro ang kabaong ni Baby. Tiningnan ko at laking gulat ko dahil hindi ko na makita ang mukha ni Baby sa loob. May mga puti na bumubula na lumabas sa bibig at ilong at mata niya. Tapos yong mga bula, naging insecto na may mga pakpak, kaya tinakpan ko ang salamin sa kabaong para walang makakita bukod sa ina ni Rena. Napakuyom ako sa galit ng mga oras na yun. "Isinusumpa ko sa harap nitong kabaong mo anak....Gaganti ako..igaganti ko ang kamatayan mo... Buhay mo anak ang kinuha nila...Buhay din ang kabayaran...Ito ay ganti ng kamatayan..." Sabi ko na pabulong sa harap ng kabaong ng anak ko. Sinisisi ko ang aking sarili sa mga panahong yun. Hindi ko na inisip ang mga mali at tama. Nadamay ang anak ko sa gulo na wala naman siyang kinalaman. Ngunit napaka walang puso ng mga tampalasang yun para sa isang musmos na walang kalaban-laban. Dahil sa nangyaring yun ay itinuturing ko na pinaka madilim kong yugto sa buhay, Binalot ako ng poot at galit. Nabulag ako sa paghihigante. Matapos ilibing c Baby, lagi akong tulala at tumutulo nalang yong luha ko bigla-bigla. at humahagulgol ako sa pag-iyak. kapag naiisip ko ang masasayang araw nong kasama ko pa ang anak ko, naaalala ko yong araw na ipinanganak siya, nong araw na una kong makita at makarga habang hinahalikan ko ang kanyang pisngi. Nagpupuyat gabi-gabi sa pagbabantay kapag umiiyak, chinecheck ang diaper, tinitimplahan ng kanyang gatas. Sobrang nakakalungkot na hanggang sa alaala ko nalang siya makakasamang muli. Hindi na ako nakakatulog ng maayos, at kapag makaidlip naman ako nagigising ako bigla at nalulungkot nalang na sa pagising ko wala ang bunso kong anak. mas nagpapatindi pa ang kalungkutan ko kapag nakikita ko yong duyan niya sa loob ng kwarto. Nasasaktan ako kapag minamasdan ko ito, na wala ng nagduduyan. Lalo na yong picture niya na nakasabit sa dingding ng kwarto na naka ngiti siya. Para akong tinotorture sa sobrang sikip sa dibdib. Tinitingnan ko ang iba kong mga anak at nalulungkot ako dahil kulang na sila ng isa. Tinatanong ako ng mga anak ko kung babalik pa ba ang bunso nila pero tanging pagtulo nalang ng luha ko ang sumasagot sa kanilang tanong. Dumating ang ika 40 days ni Baby at gabi non habang natutulog ako napanaginipan ko si Baby iyak siya ng iyak nakatalikod ito na nakasalpak sa pagkakaupo sa maputing sahig, lalapitan ko na sana siya kasi yayakapin ko dahil miss na miss ko na siya at nong humarap ito nagulat ako sa nakita ko. Umiiyak siya ng dugo, aatras na sana ako pero biglang may humawak sa likod ko. Humarap ako para makita ko kung sino ang nasa sa likuran ko. Ang ama ni Rena ay nasa likoran ko, hindi ako makapagsalita at si Baby ay gumapang papalapit sa kanyang Lolo, at kinarga siya nito. "Papayag ka nalang ba na walang hustisya sa ginawa nila sa anak mo? kawawa naman itong Apo ko na pinatay ng mga tampalasang yun... Grey, di ba isinumpa mo na igaganti mo ang Apo ko...gawin mo at nasa likod mo ako..." Sabi ng ama ni Rena na karga-karga ang anak ko. "Tama na...!!! ayoko na...baka may madadamay na naman...ayoko na... gusto mo bang maubos ang mga kadugo mo? paano kung isa sa mga anak mo o kaya'y ang Asawa mo ang kulamin din nila... Tama na Pa... tama na..." Pagtanggi ko sa kaluluwa. "Hangal...!!! Plano nila na ubosin ang lahat ng kadugo ko... Gumanti ka man o hindi uubosin pa din nila ang pamilya ko... Nakita mo naman yun sa ibinaon nila noon sa malaking cross di ba.?" Galit at pasigaw niyang sinabi sa akin. "Kung hindi mo gagantihan ang mga tampalasang yun mas marami silang mapapatay sa atin....Tandaan mo na ang kasamaan nila ay hindi din nakakatuwa sa batas ng Diyos... walang Diyos na kinikilala ang mga tampalasan na yun... Ipakilala mo sa kanila si kamatayan ng malaman nilang may Diyos na paparusa sa kanilang kasamaan...Mag iingat ka dahil mainit ka na sa kanilang mga mata..." Sabi ng kaluluwa. Tama ang sinabi ng kaluluwa at bumalik sa alaala ko yon. Nagising ako non at isang nakakatakot ang bumulaga sa akin. May naka itim na tela na may kamay ang bigla akong sinakal, hindi ako makagalaw lumuluha na ang mga mata ko at nahihirapan na akong huminga. Nagdasal ako sa Diyos at humingi ng tulong na bigyan ako ng lakas para labanan 'tong naka patong na itim na tela na sumasakal sa akin. Mabilis ang mga pangyayari, nang may biglang humablot dun sa itim na tela. Hindi ko na makita ng maaayos kung sino at ano yun kasi blured na yong paningin ko. Nag aaway yong itim na tela at yong parang usok na puti sa loob ng kwarto hanggang sa natalo yong itim na tela at lumabas sa bintana. Nakita ko, kung paano pinalayas ng puting usok ang maitim na tela. "Ano kaya yun?" ang tanong na nasa isip ko. Si Rena na katabi ko ay tulog na tulog wala siyang alam sa mga pangyayari. Lalabas na sana ako ng kwarto para uminom ng tubig pero biglang may humawak sa kamay ko. Pag lingon ko, Si Rena ang nakahawak sa kamay ko. Tulog siya pero ang pagkakapit niya sa akin ay napakahigpit. Ginising ko siya sa pamamagitan ng pagyugyog ko sa braso niya. at nagising naman siya. "Ang sama ng panaginip ko... mabuti nalang at ginising mo ako... alam mo may sumakal daw sayo na may soot na itim na tela. hindi ko makita ang mukha pero nakakatakot siya. Tinulongan daw kita at nag away kami nong sumasakal sayo...Syempre ginawa ko yun dahil ayokong mapahamak ka..." Pagkukwento ni Rena. Sa sinabi niyang yun ay kinilabutan ako, ibig sabihin totoo talaga yung nangyari at hindi panaginip lang. Hindi ko na sinabi sa kanya na hindi lang basta panaginip yon. dahil totoong nangyari at kitang kita ko din yon. Lumabas yong kaluluwa ni Rena sa katawan para tulongan ako. Pagka-bukas non, Tanghali pumunta akong cementeryo para sa isang mission. Ang mission upang maghigante sa mga lumapastangan kay Baby. Dala-dala ko yong damit ni Baby na hindi pa nilalabhan, hinubad niyang damit yun noong nabubuhay pa siya. Nag antay ako dun sa cementeryo hanggang alas 3 ng hapon. At sinimulan ang aking pakay, nag oracion ako ng latin at nag tirik ng kandila na itim (perdon) pabaliktad ang pagsindi. Habang sinasambit ko yong mga latin na dasal ay naririnig ko na ang mga kaluluwang naninirahan sa cementeryo at kasama ko din ang kaluluwa ng ama ni Rena na sinasabayan din ako sa oracion. Pagkatapos non ay kumuha ako ng basag na bote sa paligid at sinugatan ko ang aking kamay, pinatulo ko ang dugo ko sa lupa kaharap ng puntod ni Baby. Pinatuloan ko din ang damit ni baby ng dugo mula sa sugat ko. Pagkatapos non inilibing ko yong damit na may dugo sa may paanan ng puntod ni Baby. "Buhay ng anak ko ang nawala, buhay din nila ang makukuha. Tinatawagan ko ang lahat ng mga kaluluwang hindi matahimik na usigin ang mga tampalasang may gawa sa pagkamatay ng anak ko... isama ninyo sila sa hukay...." Ginamit ko din ang oracion na Kastigo die Calvario. sabi ko habang nililibing ang damit na may dugo. Umingay ang paligid at naririnig ko ang sigaw ng mga kaluluwa. Hindi ko sila nakikita pero ramdam ko na nasa paligid sila yong iba sumisigaw ng "Tulong.." Dahil mga ligaw na kaluluwa sila kaya may mga humingi ng tulong. "Kailangan mo ng umalis... hindi ka dapat maabotan ng paglampas sa oras ng alas tres, Dahil hindi ka na makakalabas ng cementeryo. Isasama ka ng mga ligaw na kaluluwa, maiiwan ang iyong katawan dito. bilis at umalis ka na..." Sabi ng Ama ni Rena. Syempre binilisan ko na kaagad ang paglabas ng cementeryo halos takbo at talon sa mga puntod ang ginawa ko makalabas lang. Nong makalabas na ako nagpa usok ako kaagad para hindi ako sundan ng mga kaluluwa at nagpagpag ako. Ang hapdi pa nga ng sugat ko sa kamay. [FastForward] Isang linggo ang nakalipas bumiyahe kami papuntang Lanao del norte kasi birthday yun ng kapatid ni Rena. Pagdating namin doon ang saya ng kwentohan at inuman. "Alam mo parang may binabalak na naman yang mga tampalasan na tirahin kami dito kasi nakita ko yung anak nilang babae umalis nong nakaraang biernes at sigurado akong pumunta na naman yun sa mangkukulam..." Pagkukwento ng ina ni Rena. At ilang oras lang nakalipas biglang may nagkakagulo sa kapitbahay, agad namin tiningnan kung anu yong pinagkakagulohan nila. Isang bata daw na 1year old ang isusugod nila sa hospital dahil bigla lang daw itong nangisay at mapotlang mapotla na. Ang batang isusugod sa hospital ay Apo na babae ng mga tampalasan. Nagpatuloy kami sa kasiyahan at inuman. "Naku... Problema nila yan... ayan nagbunga na ang kasamaan nila.. yang hilig nila sa kulam yan din ang ang tatapos at uubos ng lahi nila kung di sila titigil sa ganyang gawain..." sabi ko. At tumawa nalang sila Buddy at mga kapatid niya. Wala akong pinagsabihan sa ginawa ko doon sa cementeryo kahit pa kay Rena. "Karma na ba tawag dun? kawawa naman bakit yong bata pa ang kinarma dapat ang mga tampalasan mismo..." Sabi ni Erwin. "Kaedad pa naman ni Baby na anak. mo yong dinala nila sa hospital ngayon... what a co-accident..." Pagbibiro ni Buddy. Pagkabukas non. Napansin namin na may mga upoan at mesa na nasa labas ng bahay ng mga tampalasan. at ilang oras ang nakaraan may dumating na bini-bitbit ang maliit na kabaong. Namatay ang Apo ng mga tampalasan na dinala sa hospital. Sa mga oras na yun, naisip ko na 'yon marahil ang kabayaran ng kasamaan nila. Nakakalungkot man isipin na may mga nadadamay na mga inocente, pero kung hindi lang sana sila nag umpisa ng pangkukulam hindi sana nangyari ang sagupaang gamit ang spiritual. Mali sila ng kinalaban dahil hindi nila alam na isa ako sa nakahanay sa pamilyang may kaalaman at karunongan. Alam kong mali at nagkasala ako sa ginawa kong pag ganti sa mga tampalasan noon. pero buhay kasi ng mga mahal ko sa buhay ang binanatan nila. Kahit sino naman na mangyari itong ganito sa kanilang pamilya siguradong gagawin din nila ang ginawa ko. Ang pagmamahal natin sa pamilya na kapag ito'y nalagay sa kapahamakan siguradong hahamakin ang lahat kahit pa itaya ang buhay natin. Hiningi ko ng tawad sa Diyos ang mga nagawa ko, at simula non natahimik din ang kaluluwa ng ama ni Rena. Walang maidudulot na maganda ang kulam, barang, tigalpo, laygay at kung ano pa mang makakaperwesyo sa buhay ng tao. Hindi ito nakakapagpasaya sa mata ng Diyos. Gusto ko lang liwanagin na hindi kulam ang aking Iginanti. nabasa niyo naman ang paraan ko. magkaiba ang paraan ng kulam. para sa inyong kaalaman ang ginawa kong pagbabalik sa ginawa nilang kasamaan ay sumpa ng kamatayan. Hindi yun kulam. Paalala lang; Huwag po ninyong gayahin ang mga nabasa ninyo, dahil maari ninyo itong ikapahamak kung para sa pansarili niyong interest gagawin. Gaya ng may kina-iingitan kayo at may kina-iinisan. Sinadya kong hindi inilagay ang mga oracion na latin para na rin hindi ito gayahin at gamitin. Binalikan ko ang kwentong ito upang mas mabigyan ng linaw ang nangyari noon. Kung napapansin niyong laging may inoman, ganon talaga buhay naimin noon. pero maraming nagbago sa paglipas ng mga panahon. Maraming salamat sa inyong pagtangkilik sa binahagi kong kwento. Nagmamahal ang inyong lingkod, Maestro Grey aka Silent Rasta.
Please log in to comment.