"Sakim sa mana" Mula sa Cagayan de oro. Pumunta kami ng Lanao del Norte kasi mag e election na noon sa buwan ng May. Doon kasi kami bumuboto. Pagdating namin sa bahay nina Rena, Napansin namin doon ang isang lalaki na nakahiga sa folding bed na nakalagay sa kanilang sala. Pagkatingin ko sa kanya ay namamaga o namamanas 'yong mukha niya at pati yong mata niya di mo na makita sa sobrang maga. Para bang pinagtutulong-tulongan siyang bugbugin. Pagdating ng mama ni Rena na nanggaling sa pagtitinda ng mga gulay syempre tinanong namin kung sino yang nakahiga sa sala at bakit ganyan ang kanyang hitsura. "Sino yang nandyan sa sala ma? bakit nagkaganyan yan?" Tanong ni Rena sa mama niya. "Ah pinsan mo yan, anak nung panganay naming kapatid na namatay na... taga doon sa Ozamis." Sagot ng mama ni Rena. Hindi pa ito na nameet ni Rena, dahil sa malayo ito nakatira. at unang beses palang niya itong makita ang pinsan niyang yun. "Dito na muna sila tumuloy dahil ipapagamot nila yan... Hindi pa namin alam kung ano talaga ang sakit niya... hindi pa kasi yan napapatingnan sa Doktor..." Dugtong ng mama ni Rena. "Kawawa naman... kelan lang ba sila nandito?" Tanong ko. "Isang linggo na yan sila dito... dinala yan ng kapatid niyang babae..." Sagot ng mama ni Rena sa akin. At dumating ang kapatid nitong babae na galing sa pag-iigib ng tubig sa may sapa na may bitbit na galon. Pagkagabi non nagka kwentohan at inoman kami ni Buddy, close talaga kasi kami ni Buddy lalo nat sa inoman at mahilig din siya sa musika. Magkasundo talaga kami. Nag-iisang lalaki lang c Buddy sa limang magkakapatid nila Rena. at itong si Buddy ang kanilang bunso. Nong gabing yon napag alaman ko rin na kinulam daw itong pinsan nila Buddy. "Sabi nong manggagamot, Kinulam daw yan si kuya Elyong..." sabi ng babaeng kapatid na pinsan nila. "Sino naman ang kukulam sa kanya? ang bait-bait niyan, tsaka walang bisyo yan..." Sagot ng mama ni Rena. "Isa lang naman naging kaalitan ni kuya Elyong, Ante... ang isa pang kapatid mo na gustong angkinin ang lupa na pinamana ni mama kay kuya..." Sabi ng babaeng kapatid ni Elyong. "Kung totoo man yan, napaka walang kwenta niyang tiyahin para gawin ito sa sarili niyang pamangkin... Gahaman siya sa mga mana ng aming mga magulang... Hindi pa ba siya kontento sa parte niya at gusto niyang angkinin ang lahat..." Galit na sinabi ng ina ni Rena. Nakikinig lang kami ni Buddy sa usapan nila ng gabing yun. Napailing ako nong marinig ko lahat ito. at syempre kami ni buddy patuloy lang sa pag inom ng tuba (Lambanog). "Heto na naman tayo sa kulam na yan eh... wala na yatang katapusan ang pag gawa ng kasamaan na ganyan..." Sabi ko sa sarili. 10pm hindi pa kami tapos ni Buddy sa pag-iinom nang pumunta ako sa likod bahay nila para umihi. at bumungad sa akin ang sigbin. "Aba...Long time no see my friend...nandyan ka pala..." sabi ko dito. Pero may kakaiba sa kanya nong gabing yun, hindi kulay dilaw ang mata niya, kundi pulang-pula. At parang aakma na siyang sumugod sa akin. kaya umatras ako at dali daling pumasok sa loob. Hindi ako mapakali, dati kasi hindi naman yun ganon, galit kaya siya sa akin? O sadyang salbahi siya sa gabing yun. Hindi ko naman inakala na makikita ko pa yung nilalang ulit. bakit pa kasi doon ko pa naisipan sa labas umihi. Nong matapos na kami sa inoman ay agad na kami natulog at hindi na pinatay yong ilaw kasi nga may sakit na binabantayan sila sa sala. Si kuya Elyong ay 36 y.o nong mga panahong yun. at wala siyang asawa, walang bisyo at siya ang kumakayod at bumubuhay ng mga pamangkin niya doon sa lugar nila. Ayon sa salaysay ng kanyang kapatid na babae. May mga baboyan siya at isa rin siyang habal-habal driver (yong Motor single na pinapasahero). Masipag na tao kung ilarawan siya ng kanyang kapatid. Kaya siya binabantayan tuwing gabi hanggang madaling araw kasi ang ingay-ingay niya. Nagsasalita siya ng kung ano-anu at tinatawag niya pa yong mga kamag anak nilang patay na lalo na yong Ina niya na patay na rin. Unang gabi na marinig ko siya na ang ingay niya ay hindi ako nakatulog non, May mga sinisigaw siyang salita na hindi ko maintindihan. Si Rena na rin kasi ang nagbabantay sa kanya, kasi nakiusap sila kay Rena. kailangan muna mag pahinga ng Mama niya at ang kapatid ni Elyong dahil ilang gabi na rin daw silang puyat. (So nadamay na talaga kami since andito na rin eh) Umaga non at tulog si kuya Elyong. at nong magising ito nagkaroon ako ng pagkakataon na kausapin siya. "Kuya, ano po ba nararamdaman niyo?" Tanong ko kay Elyong. "Wala... wala namang masakit sa aking katawan... wala lang ako gana kumain..." Sagot niya sa akin. nagbuntong hininga siya. Sa isip ko baka ayaw niya lang sabihin na may masakit sa kanya dahil nahihiya siya. Inalalayan ko siya dahil nais niyang bumangon sa kanyang pagkakahiga. "Nga pala kuya, ano nga pala yong mga sinasabi mo kagabi? hindi ko kasi maintindihan yong mga sinisigaw mo... at may mga tinatawag ka pa..." Tanong ko ulit kay Elyong. "Meron ba akong mga sinabi? hindi ko alam... at wala akong maalala..." Tanging sagot niya sa akin. Wierd man pero nakikita ko sa kanya na nahihirapan siya sa kalagayan niya. lalo na sa kanyang paghinga. bumubwelo siya para makakuha ng hangin. manas na manas kasi ang boung katawan niya. Kaya napagpasyahan kong subukang tulongan siya. Nag-pakuha ako ng sanga ng Toba-Toba (Halamang Herbal) at yong sanga na kinuha ay kiniskis at kailangan pinohin at kailangan ibalot sa dahon ng saging, lagyan ng asin, bawang, linement oil at ipapatong ito sa apoy o bagah lang para hindi masunog. kailangan bantayan ito ng 30mins. Alas sais ng hapon, sinimulan ko na siyang gamotin at sa bawat pagpiga ko ng katas nung toba-toba sinasabayan ko ng dasal na Latin. Napapansin ng lahat na nasasaktan talaga si kuya Elyong nakikita namin sa mukha niya na tinitiis niya yong sakit. Hindi pa dumadampi yong mga kamay ko sa kanya dahil ang katas lang ng toba-toba ang pinapa-tulo ko sa katawan niya. Nong sinubukan ko na siyang hawakan bigla akong nagka halucinate kaya napatigil ako. "Bakit... ano nangyari sayo Grey?" Pagtatakang tanong ng mama ni Rena. Lahat sila nakatingin lang sa ginagawa ko. Napailing ako. Humingi ako ng yosi at sinindihan ito ni Rena. Sinubukan kong hawakan ulit ang kamay ni Elyong sa pagkakataon na yun tumindig na lahat ng balahibo ko. Hindi na ako nag patinag at kinausap ko si kuya Elyong, "Kuya... Nakikita mo ba sa isipan mo itong nakikita ko ngayon sa isip ko..?" Tanong ko kay Elyong. "Oo... nakikita ko..." Tumulo ang luha ni kuya Elyong na sumagot sa akin. Ang nakikita ko sa isip ko ay isang kabaong, na pinapalibutan ng mga itim na tao na nakatayo sa paligid. At alam niyo ito ang nakakatakot nun, first time encounter ko, na isang tao na walang pulso pero buhay pa, malamig ang kanyang katawan at tanging tyan niya na lang ang mainit. Pero yong ulo, kamay at paa at kahit likod niya ay malamig. Mahina ang tibok ng kanyang puso at hindi rin siya nilalabasan ng pawis. Nakaka-pagtaka na nakakapangilabot dahil paanong hindi pumipitik ang pulso niya? Nong matapos ko na ang paggagamot kay kuya Elyong. May nararamdaman akong hindi maganda kaya lumabas ako at sinabi ko kay Buddy na pwede ba kami uminom kahit isang galon na tuba lang para mawala yong nararamdaman ko at hindi maganda ang nakikita ko kay kuya Elyong. "Ano ba nakita mo kay kuya Elyong bayaw? bakit parang namumutla ka? natata-e ka ba?" Pagbibirong tanong ni Buddy. "Mahirap e explain Buddy, pero sigurado ako na may kakaibang nasa likod ng karamdaman ni kuya Elyong..." Sagot ko kay Buddy. "Nasa likod niya kakaiba? (Tiningnan niya si Elyong) Wala naman akong nakikita sa likod niya maliban sa hinihigaan niyang folding bed, baka nahigaan niya yong binigay kong saging kanina...naku bayaw sorry talaga ako ang may kasalanan...dumikit ba sa likod niya?" Pag-iral ng kalokohan ni Buddy. "Baliw ka talaga, bumili ka na nga lang doon ng tuba...heto ang pera tsaka yong sukli ibili mo nalang ng chichirya..." Pag-utos ko kay Buddy na tumatawa-tawa pa. Ang isang galong tuba na inutos ko ay nadagdagan at naging tatlong galon dahil ayaw ni Buddy na nakukulangan siya. [FastForward] Natulog agad kami lahat matapos yong inoman namin ni Buddy. Doon ako natulog sa kwarto ng kapatid ni Rena katabi ko ang anak namin ni Rena na babae. at ang kwarto na yun ay dating kwarto kung saan doon namatay ang ama ni Rena. Doon kami natulog ng anak ko kasi alam kong di ako makakatulog kapag sa sala, si Rena na naman kasi ulit ang nagbabantay kay kuya Elyong. At doon din sa sala ang iba pang kasama sa bahay na mga kapatid at mama ni Rena natulog. Habang natutulog ako, Nagtaka ako nong biglang bumukas ang pinto ng kwarto at may matandang babae na pumasok. Naka lock naman yong pintuan bago ako natulog. Hindi nakapatay ang ilaw ng kwarto kasi matatakotin ang anak kong babae. pero nong pumasok ang matandang babae, biglang dumilim ang boung paligid. Nag-iba ang ambience. Para bang nasa ibang kwarto ako na may mga bungo at nakasinding mga kandila sa paligid. Lumapit sa akin ang matandang babae at biglang umilaw ng kulay pula ang boung kwarto at nakita ko sa kanang kamay niya ang hawak niyang bungo ng tao. Nanlilisik ang mga mata niya, tatanongin ko na sana siya ng bigla niya hinablot ang kamay ko. at Sinabi ang mga katagang 'to; "Ang Kasing-Kasing puno og dugo..!! Kasing-kasing nga puno sa kasuko...!!! Yawa...!!!" Ang ibig sabihin. (Ang Puso Puno ng Dugo..!! Ang Puso na Puno ng Galit...!! Yawa) Ang salitang Yawa ay pangalan ni Satanas sa bisaya. Nong sinabi niya sa akin ito gusto kong kumawala sa pagkakahawak niya kaso mahigpit at malakas ang matanda at nakikita ko unti-unting nagbabago ang hitsura niya. Naging kamukha niya si kamatayan yong kalansay ang mukha. at yong hawak niyang bungo ibinato niya at naging mga halimaw na may mga mahahabang kuko at pangil. "Huwag kang makialam dito...dahil.." sabi ng nilalang na nagpakita sa akin. Hindi na niya natuloy ang sinabi niya, Dahil nilabanan ko siya ng dasal na latin. Ang discomonion. at tuluyan niya akong nabitawan. Pero kahit nagising ako ay nasa dimension pa rin niya yong paligid ko. Nagka sleep paralysis ako ng gabing yun. Gising na ako pero yong boses ng mga halimaw niya naririnig ko pa sa paligid, kumakalus-kos sa boung ding-ding at napakaingay ng mga boses nila. Nag dasal ako ulit, kailangan kong makagalaw. halos mawalan na ako ng hininga. at nong makabawi ang katawan ko agad akong bumangon at kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang oras. Alas dos ng madaling araw pa pala, at naririnig ko mula sa sala si kuya Elyong na nagsisigaw na naman. "May matanda... gusto niya akong kunin... umalis ka...!!alis...hindi ako sasama sayo... impakta ka...!!" Sigaw ni Elyong habang tulog ito. "Kuya...huwag ka maingay... maraming natutulog... nakakahiya sa mga kapitbahay natin..." Saway ni Rena kay Elyong. "Huwag kang lumapit... hindi ako sasama sayo... hindi kita kilala... Mama tulongan mo ako..." Pagsisigaw ni Elyong. "Elyong... wag ka maingay... wala naman kukuha sayo... wag ka na sumigaw kasi may mga kapitbahay tayo dito at baka batohin nila tayo..." Saway naman ng mama ni Rena kay Elyong. Nung marinig ko ang sinisigaw niya ay sumagi sa isip ko na ang tinutukoy niyang matanda ay walang iba kundi ang matanda na umatake din sa akin. Iisa lang ang ibig sabihin nun, ang matanda na yun ay may kinalaman sa karamdaman ni kuya Elyong. Agad ako lumabas ng kwarto at dumaan sa sala. Tiningnan ko lang si kuya Elyong na nakahiga at nakapikit ang mga mata, habang pinapaypayan ni Rena. papunta ako non sa kusina para kumuha ng tubig. Nararamdaman ko yong presensiya ng matandang babae na naging si kamatayan, nasa paligid pa rin siya. Gumagala at parang naghahanap lang ng tiempo. "Nagising ka din pala... ang ingay talaga nito eh..." Sabi ni Rena sa akin na tinutukoy si Elyong. "Nao-uhaw ako...Inom lang ako tubig..." Sagot ko kay Rena at deretso na ako sa kusina. Uminom muna ako ng malamig na tubig at kumuha agad ako ng abo sa may dirty ketchen. Inilagay ko ito sa ilalim ng higaan ni kuya Elyong. At bumalik ako sa kwarto na tutulogan ko at nilagyan ko rin ang ilalim ng hinihigaan ko ng abo. Pinagmasdan ko pa ang anak ko na katabi ko at mahimbing naman ang tulog nito. Ayaw ko na matulog nong mga oras na yun, kaya nag laro ako ng Coc o Clash of clan. Uso pa kasi nong time na yun ang larong ito sa mga android phones. Pero hindi ko namalayan nakatulog ako na nakaupo at bigla akong binalikan at inatake nong kamatayan. Tinamaan ako sa dibdib nong dala niyang matalim na karet. Nagising ako at hinawakan ko ang dibdib ko walang sugat pero mahapdi. Ramdam ko yong hapdi at hindi talaga nawala. Kaya lumabas na talaga ako ng kwarto at ginising ko ang anak kong babae na katabi ko at lumipat kami doon sa tabi ni Rena, total maingay si kuya Elyong. Hindi na ako makakatulog dun. Hindi talaga ako mapakali kahit nakalipat na ako sa pagkakahiga. Pagka-umaga nun. "Hindi ako nakatulog kagabi... Ang sama ng nangyari...ang hapdi tuloy ng mata ko ngayon..." Sabi ko sa lahat. "Bakit ano ba ang nangyari sayo kagabi?" Tanong ni Rena sa akin. Ikenwento ko sa mga kapatid at sa Mama ni Rena yong nangyari sa akin. at sinabi ko din yung sinabi nung matanda na naging c kamatayan. Natakot sila sa sinabi ko dahil baka may ibig sabihin talaga yun. Nagreklamo ako na mahapdi din ang dibdib ko kaya tiningnan nila kung may sugat ba pero wala naman silang makita. "Buti nalang pala talaga at hindi ako tumabi sayo kagabi bayaw... bangungot sigurado aabotin ko... mabuti nalang talaga nilasing mo ako..." Sabat na pagbibiro ni Buddy. At nong araw ding yun ay may pinapunta silang manghihilot dahil baka na napasma lang daw si kuya Elyong. Nag iinoman na naman kami sa labas non kasama si Buddy at Erwin at isa pang kumpare ni Buddy na syang nagyaya ng inoman. Habang nag-iinoman kami naririnig namin ang usapan nila sa sala. Ang manghihilot at si Rena at ang mama niya sila yong nag-uusap sa sala. "Ano ba 'to? bakit wala siyang pulso... nakakatakot naman...ngayon lang ako nakahilot sa tanang buhay ko na ganito...Buhay pa pero walang pulso...Hindi ito napasma, ipa check up niyo ito sa Doktor kasi iba na to..." Sabi ng manghihilot. "Yan nga din yong sinabi ni Greyson kahapon na wala daw pulso itong si kuya Elyong..." Sabi ni Rena. "Totoo ba yun? walang pulso yang tao na yan?" Tanong nung kumpare ni Buddy, na kainoman namin. Narinig niya kasi sa loob ang pinag uusapan doon. "Oo totoo yan... kahit e check mo pa.." Sagot ko sa kumpare ni Buddy. "Nakakatakot naman buhay pa pero walang pulso...ngayon lang ako nakarinig ng ganyan..." Sabi ng kumpare ni Buddy. "Bakit yung mga walang kamay at braso wala namang pulso yun, bakit buhay sila? mas magtaka ka kung walang ulo pero buhay pa..." Pilosopong sabi ni Buddy. At nong araw ding 'yon napag pasyahan nga nila na dalhin na si kuya Elyong sa hospital. Naiwan kami nila Erwin, Buddy, Ako at ang mga bata sa bahay kasi nga nag iinoman kami. Nong gabing 'yon maayos akong nakatulog kasi walang maingay. Nandoon kasi si kuya Elyong sa hospital. Pagka-umaga. Umuwi sila kuya Elyong galing hospital kasi sabi ng Doctor wala daw itong sakit, okey ang lahat na resulta sa X-ray at CT scan nito. Niresetahan nalang sila ng mga gamot para sa pamamanas nito. Kaya inuwi nalang nila ito ulit sa bahay. Tanghali nun. Nakita ko si Elyong na nag-iisa sa sala, si Rena kasi nasa kusina at nagsasaing ng kanin. Napansin kong may isinusulat si Elyong sa sahig gamit ang daliri niya. Ang sahig kasi ng bahay ay red cement na makintab. Lumapit ako upang tingnan ang sinulat niya sa sahig, nagmarka doon mula sa moist ang bilog na may mga linya sa loob. at may mga letra na hindi pamilyar sa akin. Habang tini-titigan ko yun ay dumilim ang paningin ko. at parang may dumaan sa aking harapan. Unti-unting bumabalik ang liwanag ng aking paningin. "Kuya Elyong... ano ba yang isinulat mo sa sahig?" Tanong ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot sa tanong ko at nakatitig lang siya sa ibabaw ng bubong. Ako muna yong nagbabantay kay kuya Elyong. Napaka demanding at gusto niya lagi siyang pinapaypayan. Kahit kaharap na niya yong electricfan na naka number 3 na ang lakas. kapag tumitigil ako sa pagpapay-pay kinakalabit niya ako at sumisenyas na pay-payan siya. Syempre may sakit kaya iniintindi ko nalang. Hindi niya maintindihan yong nararamdaman niya at mainit daw yong pakiramdam niya. Hinipo ko yong mga kamay niya at ganon pa din ang lamig, pati boung katawan niya. "Bakit mainit pakiramdam mo kuya eh ang lamig-lamig naman ng boung katawan mo..." Sabi ko sa kanya na patuloy sa pag-papaypay. Tiningnan ko siya at napansin ko may mga namumuong dugo sa mga mata niya. Dugo na para bang may sugat yong puti sa mata niya. "Kuya may mga dugo pala sa mata mo... Nakikita mo ba ako?" Tanong ko kay Elyong, curious kasi ako kung nakakakita pa ba siya. "Wala akong nakikita... Gabi na ba ngayon?" Sagot at tanong ni Elyong sa akin. "Tanghali pa lang kuya...sabi ko na nga ba wala kang nakikita kasi halos matabunan na ng mga dugo yang boung mata mo...Hindi ba masakit mata mo kuya?" Tanong ko uli kay Elyong. Pero umiiling-iling siya na ibig sabihin hindi masakit ang mata niya. Ngunit bigla nalang akong kinabahan ng mapansin ko ang kaluluwa ni Elyong na nasa pintoan, nakatayo at nakatingin sa amin. Napaisip ako ng malalim, ang ibig sabihin hindi na si Elyong ang nasa loob ng katawan niya? Patay na ba tong tao na 'to? Yun ang sumagi sa isip ko ng mga oras na yun. "Kuya Elyong... saglit lang ha... mag yoyosi lang po ako sa labas... Tawagin ko lang si Rena at siya magbabantay sayo..." Paalam ko kay Elyong, Kinakabahan na kasi ako non. Tumango lang siya sa akin. "Rena... Ikaw muna magbantay dito yosi lang ako sa labas..." Pagtawag ko kay Rena na nasa kusina at hinihintay maluto ang kanyang sinaing na kanin. Lumabas ako kaagad at yung kaluluwa ni Elyong, sinusundan niya ako. Para bang alam ko na ang pakay niya gusto niya yata akong kausapin. Umiiwas ako sa kaluluwa ni kuya Elyong dahil kapag may nakakita sa akin na kinakausap ko yong kaluluwa baka mapagkamalan pa akong baliw. Nasa tabi ako ng daan nun na nag yoyosi. at ang kaluluwa ni kuya Elyong ay biglang naglaho. kaya bumalik ako sa loob ng bahay. Nakita ko si kuya Elyong na inaalalayan sa pagpapa-upo ni Rena sa may sofa. Dahil gusto niya daw manood ng TV. Nakakapagtaka kasi sabi niya hindi siya nakakakita. Sadya bang sinabi niya lang yun kay Rena, dahil ayaw na niyang laging nakahiga.? Mahina na ito kahit sa paglalakad dapat alalayan talaga para hindi bumagsak, kaya lumapit din ako at tinulongan si Rena na akayin si Elyong. Wala ng lakas si Elyong at kahit alalayan pa siya nauuntog ang ulo niya. Tumabi ako sa kanya para manood din ng TV, bigla niya kinapa at hinawakan ang kamay ko. "Tulongan mo ako gusto ko pa mabuhay..." Sabi ni Elyong sa akin. Nakita ni Rena yun at bigla ko iniba yong usapan. "Gusto mo ba mag CR kuya? Naiihi ka ba..?" Pag-iiba ko ng usapan para hindi maghinala si Rena na hinihingan ako ng tulong ni Elyong. Hindi niya kasi narinig yong sinabi ni Elyong, nakita lang niya na may sinabi ito sa akin. mahina na kasi ang boses nito. Buti nalang at tumango si Elyong at yon inalalayan ko siya upang umihi. Habang umiihi siya naka-akbay ako sa kanya kasi hindi pwede bitawan o iwanan c kuya Elyong, babagsak siya dahil lantang gulay na ang katawan niya. Nawala man ang manas ng kanyang katawan pero naging buto't balat nalang siya. Kapag dumudumi naman siya kahit nahihiya siya wala siyang magagawa kundi magpatulong talaga, at si Buddy ang lagi tumutulong sa kanya kapag kailangan niya mag bawas. [FastForward] Nasa Labas kami lahat noon nagkukwentohan pati narin si kuya Elyong. Kailangan namin siya ilabas kasi lalo siyang manghihina kapag nasa folding bed lang lagi naka higa sa loob ng bahay. Napansin ko ang mga mata niya. Lalong lumala dugo na lahat ang makikita, Habang nagkukwentohan kami lahat non bigla nalang dumura ng dugo si kuya Elyong. Napakaraming dugo kaya binigyan namin siya ng pangpunas. "Gabi na ba ngayon?" Ito ang laging tanong ni kuya Elyong sa amin. "Wala akong makita, Gabi na ba?" Tanong na pabalik-balik. kaya pa ulit-ulit din namin siyang sinasagot na maliwanag pa ang araw. At tinawagan na nila ni Rena ang ama ni kuya Elyong doon sa Ozamis. "Gusto ko ng umuwi... Kamusta na kaya ang mga alaga kong baboy doon? baka hindi nila pinapakain yun..." Sabi ni Elyong na nag-aalala sa kanyang mga alagang baboy. "Huwag mo na alalahanin yung mga alaga mong baboy kuya Elyong, ina-alagaan naman daw yun ng Papa mo doon. Tsaka sabi niya bukas na bukas din pupuntahan ka niya dito at e uuwi ka nalang daw doon sa inyo..." Sabi ni Rena kay Elyong. Nakita namin ang bakas ng tuwa sa mukha ni kuya Elyong nong marinig niya sa cellphone ang boses ng kanyang ama. Nagkausap din sila ng mga oras na yun sa pamamagitan ng tawag. Pagka umaga nagulat kaming lahat kasi kumakanta si kuya Elyong na nakahiga sa folding bed. Inilagay namin siya doon sa labas upang maka pagpahangin. Yong kinakanta niya, kanta na pang mesa sa simbahan. "Marami ng naghihintay na mga tao sa akin doon sa simbahan... Pakiusap huwag ninyo akong iiwan hanggang sa huli..." Sabi ni Elyong pagkatapos niyang huminto sa pag kanta. "Parang naghahabilin na siya... Alam na niya na malapit na siyang mawala..." Sabi ko sa lahat at nagka-tinginan nalang kami. Umiyak ang mama ni Rena sa mga oras na yun. Alam kong hindi na niya kaya pa ang lumaban sa kulam. kasi minu-minuto na siyang dumudura ng dugo. 'yong pang punas niya sa bibig puro dugo na at malansa pa ang amoy. Nakaka-awa talaga siya tignan, ako man ay halos maiyak na sa kanyang kalagayan. Pero hindi ko alam paano siya matutulongan. Hindi naman ako Diyos upang magdecision. Napansin ko din nong araw na yon na may malaking paru-paro na sinlaki talaga ng plato. Kulay brown na may halong puti na stripe yong pakpak nito. "Sinusundo na ako ni Mama..." Biglang sabi ni Elyong sa amin. Tumindig lahat ng balahibo nong mga nakarinig sa sinabi niya. "Huwag ka muna sasama sa Mama mo kuya Elyong.. Lumaban ka pa.. Paparating na din yong Papa mo nasa byahe na yun...Kaya mo yan basta wag ka susuko sa laban...." Sabi ko kay Elyong para lumakas ang kanyang loob. Siniguro ko na huwag muna siyang sumama sa kung sino man yong sumusundo sa kanya. na de-umano sabi niya mama niya daw. Pumasok ako sa loob ng bahay at nagdasal ako sa may altar ng kwarto at nagsindi ako ng kandila. Naramdaman ko ang isang presensiya ng kaluluwa na umaaligid sa paligid ng bahay. Nag amoy bulaklak ng patay ang paligid at na amoy din pala 'yon ng lahat. Matapos ko magdasal, lumabas ako ng kwarto. Nakaharap ang kaluluwa ni Elyong sa akin. "Salamat..." Sabi nito sa akin. Hindi ko alam para saan yong salamat niya kaya sinagot ko nalang siya ng ngiti. Napansin ko din ang kaluluwa ng isang babae na kamukha ng mama ni Rena. Napaisip ako na baka yun nga ang mama ni Elyong. Lumabas ako at nag yosi at saktong pagdating ng Ama ni kuya Elyong na tawagin nalang natin sa pangalang Angkol Teo. Nagmano ako kay angkol Teo. "Kanina pa po kayo hinihintay ni kuya Elyong..." Sabi ko kay angkol Teo. At nagmano din sila Buddy at Rena sa tiyohin nila. Pagpasok kaagad ni angkol Teo, niyakap niya kaagad si kuya Elyong. "Kumusta ang pakiramdam mo Elyong? Uuwi na tayo bukas doon ka sa bahay magpapagaling ha..." Sabi ni angkol Teo. "Pa masahe mo mga kamay ko namamanhid kasi..." Sabi ni Elyong sa kanyang ama. At minasahe ito ni angkol Teo. "Pa uuwi na ako..." Sabi ni Elyong. "Oo Elyong bukas na bukas din uuwi tayo..." Sagot ni angkol Teo. "Uuwi na ako pa. wala na akong lakas ubos na..." Sabi ulit ni Elyong. Hindi man nakatingin si Elyong sa kanyang ama at nasa kisame siya nakatingin, tumulo ang luha niya. Iba ang pagkakaintindi ko nong mga sinabi ni Elyong. Ang sinabi niyang uuwi ay hindi sa bahay nila. Bakas sa mukha ni angkol Teo ang lungkot at pag-aalala sa kanyang panganay na Anak. Sino ba naman kasi ang Ama na matutuwa na makita ang nahihirapan at lumalaban sa isang hindi maipaliwanag na karamdaman. Nagalit si angkol Teo ng malaman niya na Kinulam ng sariling tiyahin si kuya Elyong. "Isinusumpa ko sa may gawa nito sayo anak ko na gagantihan ko siya...wala siyang awa sa sarili niyang pamangkin..." Sabi ni angkol Teo. Nakarelate ako at na-iintindihan ko si angkol Teo sa nararamdaman niya. kasi minsan na din nangyari sa akin yun. Alas siete ng gabi. Nagyaya si Buddy na makipag inoman sa amin ni angkol Teo. Pero hindi ako sumali sa inoman, Tumanggi ako at sila lang nina Moi, Buddy at angkol Teo ang nagka-inoman. Hindi ako sumali kasi masama pakiramdam ko para akong lalagnatin na sumisikip yong dibdib ko kaya humiga lang ako sa sofa habang nakikinig sa mga kwentohan nila. "Kulang sa tagay lang yan Brad...Kung ako sayo halika na dito at sabayan mo na kami.. masarap pa naman itong tuba na nabili ni Buddy..." Pamimilit ni Moi sa akin. "Ayoko baka lumala pa tong pakiramdam ko...Sa kakainom namin to eh..Pass muna ako... kayo na muna dyan..." Pagtatanggi ko kay Moi. Hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako sa kakapakinig ng mga kwentohan nila. Alas nuebe ng gabi ng biglang nag-sisigawan, nagkagulo ang lahat sa sala. Nagpanic sila lahat kaya ako napabangon kaagad sa ingay nila. Nakita ko sa sulok na umiiyak ang mama nina Rena. "Kuya Elyong!! Lumaban ka...Please wag mo kaming iwan..." Sigaw ni Rena. "Laban kuya Elyong...Laban...wag ka muna mawala..." Sigaw ni Buddy na kinakarga si kuya Elyong. Si angkol Teo naman hawak niya ang kamay ni kuya Elyong na pinipisil-pisil, at si Moi naman kinagat niya ang hinlalaki sa paa ni kuya Elyong. Nangisay na kasi si kuya Elyong, naka nga-nga ang bibig, naka dilat ang mga mata. Kaya lumapit din ako kaagad para tumulong pero huli na. Umihi na si kuya Elyong sa short niya at tumigil na sa paghinga. Nag iiyakan sila lahat, kaya't naiyak na din ako. Napansin ko ang isang naka itim na nakatayo sa pinto, Ang matanda na napanaginipan ko. Nakangisi ito at akala niya matatakot ako sa hitsura niya. "Panalo ka na... Pinatay mo na si kuya Elyong...Umalis ka na bago pa ako magalit..." Sabay turo ko sa naka itim na matanda. Nilingon ng lahat kung sino yong tinuturo ko pero ako lang pala nakakakita sa matanda na yun. Umalis yong matandang nakaitim at sinundan ko siya. Habang abala ang lahat sa bangkay ni kuya Elyong, abala din ako sa matandang nakaitim. Nakita ko ang kaluluwa ni kuya Elyong na nakakadena ang mga kamay at paa na hinihila nong matandang nakaitim. Kaya agad na akong pumikit at nagdasal ng latin sabay turo ko sa matandang nakaitim. Binitawan niya yong kadena na hawak niya at binalikan ako. Hindi panaginip to kaya hindi niya ako kayang saktan at yung ginamit kong latin ay isinumpa ko siya. Galit na galit ang matanda, gusto niya akong lapitan para saktan pero hindi siya makalapit at dumating yong sigbin upang tulongan ako. Mabilis ang pangyayari pero kitang kita ko paano siya kinagat nong sigbin. Kaya naglaho ito bigla. Nabigo akong tulongan si kuya Elyong at tuloyan siyang nakuha nong matanda. Kung sakali man na natulongan ko ang kaluluwa ni Elyong, hindi ko na yun kayang pabalikin sa kanyang katawan. At yung sigbin naman pumunta sa bubongan ng bahay, kaya pumasok na ulit ako sa loob. Walang natulog sa amin ng boung gabing yon. Nagkwentohan nalang kami kasama si angkol Teo tungkol sa buhay ni Elyong noon. Hinihintay namin na mag umaga. Hindi din naman kami makakatulog ng maayos dahil sa may patay sa loob ng bahay. Ang katawan ni kuya Elyong ay tinabonan lang nina Moi ng puting kumot. Dahil sa pumanaw na si kuya Elyong, pagka umaga non, saktong nangagampanya na ang mga kandidato sa paparating na election. Kaya hiniling namin dun sa mga kandidato na tumatakbong pagka Mayor na kung pwde ipa hatid ang bangkay ni kuya Elyong papuntang Ozamis. Hindi kami tinanggihan at tinulongan naman kami nong tumatakbong mayor at ipinahatid nga ang bangkay ni Elyong, isinakay ito sa multicab ng baranggay at sila na rin ang nagbigay ng kabaong para kay Elyong. Noong araw ding iyon umalis ang Mama ni Rena, kasi pupuntahan daw niya yong 'Manambalay' (Mangagamot). At pagka-uwi ng Mama ni Rena. "Mamayang gabi samahan ninyo ang manggagamot doon sa cementeryo... doon niyo na din siya hintayin..." Sabi ng Mama ni Rena sa amin. "Sino ba pupunta sa amin Ma?" Tanong ni Buddy. "Ikaw... magpasama ka nalang kay Grey... kailangan ninyong puntahan yun dahil may kailangan siyang gagawin doon...Magdala kayo ng mga kandila dahil kailangan niya daw yun doon." Sabi ng Mama niya. "Hindi pwede kami lang dalawa ni Bayaw, idadamay ko sina Moi at Erwin... para mas masaya..." Sabi ni Buddy na natatawa. At dahil mga matatakotin ang lahat napagpasyahan nila na bago pumunta sa cementeryo ay mag iinoman muna para may lakas daw sila ng loob. Kampante lang ako kasi hindi na bago sa akin yun na pumupunta sa cementeryo kahit gabi. Alas dos ng hapon ng mag simula na kaming lahat nagka-inoman. "Ano kaya kung bigla tayong pagmu-multohin doon... Tatakbo talaga ako iiwan ko talaga kayo... ang hahawak sa akin puputolan ko ng kamay..." Pagbibiro ni Buddy habang nagsasalin ng alak sa baso. "Hindi ako tatakbo, magpapatay-patayan lang ako para hindi ako multohin..." Sabi naman ni Erwin. "Ah basta ako... Hindi... Hindi pwedeng maiiwan ako tatakbo din ako... ano kayo hilo para iwan ako..." Sabat naman ni Moi. "Ka mga lalaking tao ninyo mga matatakotin kayo sa multo..." Natatawang sabi ni Tina. asawa ni Erwin na kapatid din ni Buddy. "Alam niyo hindi niyo dapat katakotan ang mga multo... at saka wala pang nababalita na may multong nakapatay...ang mga multo ay takot mismo sa mga buhay na tao..." sabi ko sa kanila, sinabi ko lang yun para hindi sila matakot ng husto. "Bukas nga pala ma-uuna kami nila ni Karla at Grey doon sa Ozamis. susunod nalang kayo kasi hindi pwedeng sabay-sabay tayo pupunta doon. kailangan may magpakain muna sa mga alaga nating hayop dito." Sabi ni Rena sa amin lahat. Pagdating ng alas siete ng gabi. Agad na kami sumakay ng motor at pinuntahan na namin ang cementeryo kung saan nag aantay daw yong Manggagamot. Medyo malayo din kasi ang cementeryo na yun at kailangan pa namin dumaan ng tatlong baranggay. Malapit lang din kasi ito sa bahay ng manggagamot kaya doon niya pinili ang gagawin niya. Wala akong idea kung ano ba talaga ang gagawin ng Manggagamot doon basta pinapapunta lang kasi kami ng Mama ni Rena doon. Pagdating namin doon andun na ang Manggagamot na tawagin nalang natin na Tatay. May hawak siyang picture na si mama daw ang nagbigay kay Tatay nun. at may bitbit din siyang tatlong kandila at inabot namin ang dala din naming kandila sa kanya. Yung picture na 'yon ay ang Tiyahin ni kuya Elyong na siyang pinaghihinalaan na nagpakulam sa kanya. May picture ang mama ni Rena kasi magkapatid nga sila. Lima kaming pumunta sa cementeryo si Buddy, Erwin, Tina, Moi at Ako. Si Tatay ang pang anim. Habang papasok na kami sa gate nong cementeryo lumapit yong bantay sa amin (Caretaker). Kinausap siya ni Tatay, magkaibigan pala sila. at pinahintulotan na kaming pumasok. Pina-paalalahanan kami ni Tatay na bawal mag ingay o mag salita kaya tumango lang kami. Habang tinatahak namin ang mga daan ay napapansin ko na ang mga presensiya ng mga nilalang na nanirahan sa cementeryo. Andun yong isang Baby na nakapatong sa isang puntod na akala ko statuwa ng isang anghel ngunit nong madaanan namin ay gumalaw at nakakatakot yong hitsura niya. Ilaw lang kasi ng mga cellphone ang gamit namin. Ako at si tatay lang ang nakakakita, kasi yong bawat tingnan ko ay yun din ang tinitingnan ni Tatay. At yong mga kasama namin na sina Buddy at ang iba pa mga palamuti lang sila. Nakakatawa ang mga hitsura nila kasi hawak-hawak takot na takot talaga sila. Si Tina sa damit talaga ng asawa niyang si Erwin ang hinawakan niya kaya naiinis c Erwin kasi kahit inaakbayan na niya ito eh doon pa talaga sa damit niya nakahawak. "Bitawan mo yang damit ko, mapupunit na yan... hinahawakan na nga kita oh..." Inis na sabi ni Erwin kay Tina. "Eh natatakot ako eh... baka mamaya may bumuluga na white lady dito..." mahinang pagkakasabi ni Tina kay Erwin. "Sshhh... Wag nga kayo maingay dyan dalawa... nagharotan pa talaga kayo dito sa cementeryo mamaya na yan pag uwi natin...baka may mga single dito na multo mainggit pa sa inyo..." Saway ni Buddy sa dalawa. habang nakahawak din pala siya kay Moi. Si Tatay ang nauuna at nasa likod lang niya ako at kasunod ko na sina Buddy at Moi. Hindi sumama si Rena kasi sobrang matatakotin yon at siya din nagbabantay sa mga anak namin. Habang naglalakad kami nag tatype ako sa cellphone ko na marami na akong nakikita sa paligid, may white lady na nakatayo sa ilalim ng malaking puno ng gemelina, mga kaluluwang ibat-iba ang mga hitsura at pinabasa ko ito sa mga kasamahan ko. Lalo tuloy silang natakot. Hinampas pa ni Tina si Buddy sa takot niya. "Bakit ako hinampas mo..? si Bayaw ang nananakot oh.." Reklamo ni Buddy kay Tina. "Eh ikaw malapit sa akin eh..." Sagot ni Tina na inis na inis. Nong marating namin ang malaking cross na may pinturang itim napansin ko kaagad na may mga nakatambak na sako sa ibaba ng malaking cross. Sinimulan na ni Tatay yong mga ritual niya at latin din ang ginamit niya. Tahimik lang kami minamasdan bawat ginagawa ni Tatay. yung mga kaluluwa sa paligid aligagang aligaga sila. Padaan-daan sila na lumulutang sa harap namin. Tiningnan ko ang mga kasama ko at napansin ko may katabi na pala si Buddy na isang lalaki na naka-barong. Kaya pinikit ko ang mga mata ko at ginamit ko ang latin ko para itaboy ang mga kaluluwang lumalapit sa amin. Tiningnan ako ni Tatay pero patuloy pa rin siya sa ritual niya. nawala na yung lalaking nakabarong na tumabi kay Buddy. Ang mga kaluluwa dumistancia na rin. kampanti lang ako kasi ayoko magpakita na natatakot ako. Habang nagdadasal si Tatay, yung picture na hawak niya hinipan niya ito at may kinuha siya doon sa loob ng isang sako na nasa ibaba ng malaking cross. Mga buto at bungo ng tao pala laman nun. nakatingin lang kami kay Tatay at hawak niya ang dalawang bungo. Inuntog niya ang dalawang bungo ng walong beses, tapos yong picture ipinasok niya sa butas ng mata nong bungo. Inilagay niya ito sa isang itim na plastic garbage bag. at ibinalik uli sa loob ng sako. Habang patuloy si Tatay sa ritual niya, may napapansin akong parang may nakayakap sa malaking cross. Maitim at mahaba ang buhok. Nagulat ako sa nakita ko dahil yung matandang babae na salarin sa pagkamatay ni Elyong ang nakikita kong nakayakap sa malaking cross. Nakatingin siya kay Tatay na galit na galit. Lumapit siya sa harap ni Tatay at parang aakmang sasampalin niya ito pero si Tatay ay hindi nagpatinag. Nagpatuloy lang siya, at tinulongan ko nalang si Tatay. Ginamit ko na ang latin ko, at sa akin na nakatingin ang Babaeng naka itim na parang tatangkain na rin niya akong lapitan. Ngunit parang nalilito siya kaya't tumalon ito palayo. Tiningnan ako ni Tatay at nakita niya yung ginawa ko. Walang kaalam-alam sina Erwin sa mga nangyayari kasi wala naman silang ability na makaramdam o makakita. Nong natapos na ni Tatay ang ginagawa niya ay tahimik naming nilisan ang lugar. at nong makalabas na kami sa gate, may ibinulong si Tatay sa akin. "Kilala na kita..." Sabi ni Tatay sa akin. ngumiti lang ako kay Tatay at kinamayan niya ako at sinabing "Pareho pala tayo na gumagamit ng latin..." "Latin whisperer ang tawag sa ginamit ko Tay, si Archangel Raphael ang aking debusion." Sagot ko kay Tatay. Tumango si Tatay, alam niyang may mga tinatago ako kahit di ko na sabihin alam niya yon. Alam niya din kung ano at sino ako. Umuwi kami at pagdating sa bahay ikenwento ko sa kanila ang mga pangyayari na hindi nila nakikita noong nasa cementeryo kami. "Hindi niyo ba alam na kanina pinapaligiran tayo ng mga kaluluwa doon.. Si Buddy tinabihan ng lalaki na multo...at nandoon din ang matandang naka itim na may kagagawan ng kulam kay kuya Elyong..." Pagkukwento ko sa kanila. Halatang takot na takot sila at sinabi ni Rena. "Kaya hindi ako sumama sa inyo kasi sobra akong matatakotin..." Tinawanan ko lang sila sa mga hitsura nila na natutulala. "Si bayaw nagbibiro lang yan... Gusto niya lang tayo na takotin... Alam ko yang style mo bayaw...May nakita ako doon pero hindi naman multo yun...mukha ni Erwin yun eh nakatutok kasi ang ilaw ng cellphone niya sa mukha niya." Pagbasag ni Buddy dahil maging siya ay takot na takot. At napalitan ng tawanan ang naramdaman nilang takot. Pagka-bukas nang umaga nag handa na kaming tatlo nina Karla, Rena at Ako para bumiyahe papuntang Ozamis sa bahay nina kuya Elyong. To be continue...
Please log in to comment.
Continuation... Pagdating namin sa Mucas (pier). Sumakay kami sa bards (barko) para makatawid kami papuntang Ozamis. Habang nasa bards kami...
Please Install App To Read This Part