Kalam Kalam
Profile Image
Grenz Pimentel
2 weeks ago

Pagsubok ng Spiritual

Ang mababasa ninyong kwento ay hango sa totoong pangyayari.Tunay ang mga taohan at ang lugar na pinangyarihan. Ang mga kaganapang ito ay nangyari noong taong 2016. Gabi non habang tulog kaming lahat, Nagising si Buddy at si Rena (Ex-partner ko). Dahil sumakit daw ang tyan ng mama nila at tinulongan nila ito. Ako naman tulog na tulog at hindi ko alam ang mga nangyayari. Hindi na kasi nila ako ginising, Pero pagka umaga may ikinwento sila sa akin. Base sa salaysay ni Buddy at ni Rena sa akin. Bigla daw ako bumangon na nakapikit ang mga mata at naglakad papuntang pintoan at binuksan ko ito at lumabas. Tinawag pa daw ako ng Mama nila na noon ay namimilipit pa rin sa sakit sa tyan. Hindi ko daw pinansin at tuloy-tuloy lang daw ako sa paglabas. Sabi ni Rena baka naiihi lang ako, pero nagtaka na sila dahil humigit 30 minutes hindi pa daw ako bumalik sa loob. kaya inutusan daw ni Rena si Buddy na tingnan kung nasan ako. Nagulat daw si Buddy kasi nasa harap daw ako ng chapel na malapit lang sa bahay nila. (Ang chapel ay nasa tapat lang ng bahay.) Naka Luhod daw ako at ang isang kamay ko ay nakahawak sa lupa at ang isang kamay ko ay nasa dibdib. Para daw akong nagdadasal ng taimtim dahil wala daw boses na narinig si Buddy. "Bayaw? Ayos ka lang ba dyan? Bayaw?" Bumalik si Buddy sa loob para sabihin kay Rena ang nakita niya. Nag aalala ang mama nila sa akin kaya sinabi nito na kunin daw ako at ibalik sa loob, kaya nagsama na si Buddy si Rena para kunin ako dun sa harap ng chapel. Natakot sila sa kanilang nasaksihan, dahil May nakatingin daw sa kanila sa may bubong doon sa chapel. Isang kakaibang nilalang na alam nila kung anu ito...(sigbin) at mas lalo pa silang natakot at nanindig ang balahibo sa nasaksihan nila. Naka dipa na ang aking mga braso na parang si kristo na naka pako sa cross, Nakalutang daw ang aking mga paa at tancha nila nasa 3 feet na daw ang paglutang ko mula sa lupa. Hindi nangahas si Rena na lumapit sa akin dahil sa sobrang takot at si Buddy na ang kanyang pinalapit. "Bayaw... Bayaw... Gising..." Pinilit daw akong gisingin ni Buddy at unti unti daw akong bumababa sa pagkaka lutang. Nong naka apak na daw ang aking mga paa sa lupa. Natapilok pa ang paa kaya nagkaroon ako ng malay saglit pero bumalik din ako sa pagkakatulog. Agad akong inakbayan at inalalayan sa paglakad pabalik sa loob ng bahay ni Buddy. at yong nilalang na nakita nila ay lumipad at naglaho. Noong umagang yon kinausap ako nila Buddy at Rena. "Anong bang nangyari sayo kagabi? Bigla ka nalang kasi lumabas, akala ko iihi ka lang. Di ba nilagnat ka noong hapon?" Tanong ni Rena. "Alam mo bayaw hindi ko alam kung guni-guni talaga yong nakita ko ang nangyari sayo kagabi... Akala ko sa mga palabas lang sa TV yong mga lumulutang na tao... Paano mo nagawa yun?" Tanong at pagtataka ni Buddy. "Tungkol sa inyong nakita kagabi, wala akong maalala na lumabas ako ng bahay. Pero naalala ko yong Matandang Ermetanyo, tinawag niya ako at naalala ko ang sinabi niya na may mission daw ako, dahil nagsimula na daw gumalaw ang mga kampon ng dilim sa panahong ito. at kailangan ko ng isang tutulong sa akin para harapin at labanan ang mga kampon ng kasamaan. At binasbasan niya ako gamit yong baston niyang may naka ukit na mga latin. Pagkatapos non may dumating na isang lalaki na hindi ko masyado makita ang mukha pero sa hugis ng pangangatawan parang kilala ko siya....at sabi nong matandang Ermetanyo siya yong napili na tutulong sa akin kasi nasa dugo daw nito ang dating tagapaglingkod sa kanya bago pa mapunta sa akin.." Sinabi ko ito lahat sa kanila na walang pag alinlangan. Si Buddy na tulala lang, at si Rena kinilabutan sa narinig na mga sinabi ko at maging ang mama nila malalim ang iniisip at hindi naka imik. Pagka tanghali non nakita ko si Buddy patawid ng highway, lumingon pa siya sa kaliwat kanan, nang biglang may mabilis na bus na bumulaga sa harap niya. Nasapol si Buddy ng bus at nakaladkad sa ilalim. Nakita ng mga tao na nasa paligid ang pangyayari at napasigaw sila na nasagasaan si Buddy. Tumakbo ako kaagad at kinabahan talaga. Halos mangiyak ngiyak ako habang nagsisigaw sa pangalan ni Buddy. Lumabas din ang Mama nila at si Rena kasama sina Moi at ang asawa ni Buddy na si Karla lahat kinabahan at nag alala, "Ano yong narinig namin na kumalabog?" Tanong ng mama nila. Pero nong makita ko si Buddy, hindi siya napano walang galos at ngumiti ngiti pa ang loko na nasa tabi ng daan. Nakakapagtaka, kitang kita ko at may mga nakakita din sa pangyayaring yun. "Ang o O.A niyo naman...tumawid lang ako kung makasigaw parang mawawasak na ang mundo." pabirong sabi ni Buddy na ngumingiti pa. Alam kong alam ni Buddy na nasapol siya nong bus, dahil napahinto talaga ang bus nong lumagapak ito pagka tama kay Buddy. Nahalata ko sa mukha ni Buddy na nagulat siya don sa nangyari. Maging ang mga tao na nakakita non ay nagtaka talaga. Ilang oras ang nakaraan... Sinamahan ko si Buddy papuntang bukid kasi kukuha siya ng mga kahoy na panggatong. Habang naglalakad kami halata ko pa rin na natakot pa si Buddy kaya nagsalita na ako. "Nakita ko yun kanina na nasapol ka nong bus at nakaladkad ka pa...hindi ka ba nagtataka kung bakit parang hindi ka man lang nagalosan..?" Sabi ko non kay Buddy. "Ang totoo niyan bayaw, hindi ako yun ang nakita niyo na nasagasaan kanina... Bago pa man ako makatawid may matandang lalaki na humila sakin at siya yong nasagasaan..." Pag amin ni Buddy sa akin. "Ahm... Buddy may sasabihin ako sayo, hindi ka ba nagtataka? alam mo bang nagsimula na ang pagsubok mo Buddy? Ang matandang sinasabi mo na nagligtas sayo ay ang matandang Ermentanyo na nagpakita sa aking panaginip noong nakaraang gabi. Hindi mo matatanggihan yan at hindi mo rin matatakasan dahil mas lalo ka pang mapapahamak." Hindi ko tinatakot si Buddy dahil pinapaalalahanan ko lang siya. Kaya sinabi ko na ang lahat lahat sa kanya, Yong mga pangyayari sa kumulam sa Papa nila na May gantihang nangyari at pati yong sa ozamis kina Kuya Elyong. Sinabi ko kay Buddy na may kinalaman ito sa mission sa spiritual. Habang nasa bukid na kami, grabi ang tahimik at walang mga bahay don kahit isa. Napapaligiran ng malalaking puno, may mga puno ng mga prutas, mangga, saging, santol, star apple, at durian. At may umagaw sa akin ng attention, ang naninirahang mga kakaibang elemento sa mga puno. Tinitingnan lang nila kami, kilala na yata nila si Buddy kasi palagi ito doon sa bukid. Yun din kasi ang hanapbuhay ni Buddy, isa kasi siyang mananggutay (Kumukuha ng Lambanog o Tuba). Doon din nagtatanim ng mais ang pamilya nila para gawing bigas. Habang tinutulongan ko si Buddy sa pagkuha ng mga tuyong kahoy na panggatong. May napansin din akong mga 9 ka tao na nakatayo na pabilog sa may unahan. Mga naka soot sila ng itim na roba na may hood, nag hawak hawak sila ng kamay at parang nagdadasal. Kinabahan ako at sinabi ko ito kay Buddy. "Bayaw, ngayon ko lang sila nakita dito sa bukid, tara bilisan na natin para maka uwi na tayo baka mga masasamang tao yang mga yan..." Sabi ni Buddy sa akin. Kaya binilisan na namin ang aming pangangahoy. Pauwi na kami non at sinabi ko kaagad kay Buddy na kailangan niyang gawin yong ginawa ko dati na pagsubok. Kung naaalala niyo noon sa mga una kong kwento sinabi kong may mga ginawa pa akong hindi ko na inilagay sa kwento, Dito sa kwento na ito malalaman niyo kung ano ang mga ginawa ko noon. Mga gawa na pwedeng magbukas ng third eye, at posibleng magkaroon ng kakayahan na hindi nagagawa ng ordinaryong tao. Si Buddy ay dadaan sa matindi at dilikado at nakakakilabot na pagsubok. Syempre aalalayan ko siya sa gagawin naming ito. Abangan ang karugtong. -Maestro Grey

Please log in to comment.

Next Part: Pagsubok ng Spiritual 2

"Ano ba kasi ang mga pagsubok na yan ang pagdadaanan ko Bayaw?" Tanong ni Buddy sa akin. "Kailangan mo munang...

Please Install App To Read This Part