Kalam Kalam
p
Pauline
2 weeks ago

A second chance in life

Sa lalawigan sa cavite ako ay nakatira, natatandaan ko pa lahat ng pangyayari sa buhay ko noong ako ay sampung taon gulang lamang. Galing akong paaralan ng yayain ako ng aking pinsan na babae na sumama sa kaniya sa ilog medyo may kalayuan mula sa aming tahanan. pumayag ako sa kaniyang Alok dahil gusto ko rin makapunta doon, sa aking isipan ay pagkakataon ko nang makita ang ilog na iyon dahil ako ay pinaghihigpitan na pumunta roon ng aking mga magulang. naroon na kami sa ilog, napaka lakas ng agos totoo nga ang sabi ng aking mga magulang na delikado nga pumaroon ng ikaw lang mag-isa. nag lakad-lakad kami ng pinsan ko nakarating kami sa kasuluk sulukan ng ilog na iyon. nakakatakot dahil bangin na ang daanan napaka kipot nito. Habang busy ang aking pinsan tignan ang magagandang tanawin, na pag desisyunan kung pumunta sa ibang daan para tumingin pa kung anong makikita roon habang ako ay naglalakad hindi ko namalayan na magkamali ako ng apak at ako ay na out of balance tuluyan na nga ako ay nahulog ngunit agad ako napakapit sa isang bato na naroon, sumigaw ako at tinawag ko ang aking pinsan. sigaw ako ng sigaw ngunit walang magawa ang aking pinsan kundi sumigaw din ng tulong, walang tao doon masukal siyang lugar kaya kami lang ang naroon sa oras na iyon. walang ibang ginawa ang aking pinsan kundi sumigaw ng tulong ngunit walang nakakarinig sa amin. labis akong natatakot umiiyak lang ako ng mga oras na iyon, iniisip ko kung ayon na ba ang huling oras ko sa mundong ito .. lumipas ang ilang minuto wala pa rin tumutulong sa amin, kasabay ng p na agos sa ilog ay ang pag-iyak ko. sa ooras na iyon ang tanging magagawa ko lang ay magdasal, pumikit ako at nagdasal na sana ako ay maligtas. nagising ako, wala ako matandaan nagising ako na nakahiga at pag lingon ko sa paligid ko wala na ako sa bangin na iyon, Hindi ko alam kung sino ang nag ligtas sa akin, kung paano ako naka akyat ulit. dahil ang natatandaan ko lang nakapikit ako at taimtim na nagdadasal. nang idilat ko ang mata ko ang nakita ko umiiyak ang pinsan ko, tinatanong ako kung ayos ba ako, tinanong ko siya kung paano ako naka akyat ngunit hindi siya sumasagot tanging hikbi niya lang narinig ko. umuwi kami sa bahay nang walang alam ang pamilya ko sa nangyari sa akin, dahil natatakot ang pinsan kong malaman nila na sinama niya ako sa ilog na iyon. laking pasasalamat ko na nakaligtas ako at binigyan pa ako ni Lord nang isa pang pagkakataon para mabuhay. utang ko ang buhay ko sa Diyos, malaki man ang traumang dulot nito sa akin noong bata ako nagpapasalamat pa rin ako na nandito pa rin ako sa Mundo nanatiling buhay at namumuhay.

Please log in to comment.

More Stories You May Like