Kalam Kalam
T
Tedie
1 week ago

Bote at Buhay

gaano man kahirap ng buhày ,huwag mawalan ng pag asa. ito ang natutunan ko habang ako ay nakaupo sa ikalawang araw ng bakasyon ko.Sa bawat komplikadong araw sa trabaho,reklamo lagi ang aking naririnig dahil sa dami ng ipinapagawang report.pero pagdating ko dito sa amin nakita ko si tatay na nagbobote at nangangalakal nilalabanan ang tindi ng sikat ng araw nagbabakasali meron siyang mabibili kalakal para sa pamilya na walabg reklamo.hindi inalintana ang init ng araw,ang dumi sa hinahawakan at bigat na pasan..isang tatay na itatataguyod ang pamilya sa marangal na paraan na alam niya .sa aking pakik9pag usap sa kanya sinabi niya na nagsisisi daw siya na hindi tinapos ang pag aaral niya.Gaya din siya ng mga kabataan ngayon na nq iniuna ang layaw bugso ng damdamin at higit sa lahat ang panandaliang saya na dulot ng pera.Sabi niya masakit daw pag babaliktad ang mundo at ikaw ay bibiruin ng tadhana.kaya sabi niya di man niya maibalik ang panahon..meron pa daw siyang lakas para harapin ang bukas ,gagamiton ang lakas para mabuhay at labananan ang bawat hamon sa isang mabuting paraan..nahiya tuloy ako na halos reklamo araw araw..salamat tatay sa aral na simple man pero malaki ang aking natutunan sa iyo.

Please log in to comment.

Next Part: Ang pamamaalam

Binalikan ako si tatay pagkatapos ng isang buwan .Alam niya siguro na marami na rin akong basyo ng bote ng...

Please Install App To Read This Part