Hi My name is Angel, 19 years old... Bata palang ako grabe na ang karanasan ko, lumaki akong walang nanay at tatay, hindi pa sila patay sadyang may kanya kanya dilang buhay. Tatay ko may ibang pamilya na ung nanay ko 2 years old palang ako iniwan nako sa mga magulang nya. Kaya lumaki ako sa mga lolo at lola ko pati tita ko . Kulong lang ako sa bahay d ako pinalapalabas, isang araw na nakipag laro ako sa kapitbahay which is klasmeyt ko pinagalitan ako ng tita ko, pinalo ako ng arnis tinusok nya ung isang mata ko ng arnis, ginagawa akong utusan sa bahay dahil babae nga daw ako. Binabantayan ako maligo tapos nagalit sakin tita ko sabay sabing "Gusto mo patakbuhin kitang naka hubad sa harap ng bahay nila Anielle. Hanggang sa Nag High school ako ganun pa rin, pinapalo at pinapagalitan ako. Pag bumisibisita ung lola ko sa side ng tatay ko binibigyan ako mga school Things, binigyan ako de keypad na cp ng lola ko, para makausap ako, umalis na lola ko bumalik sa Tuguegarao, tapos kinuha ng tita ko ung cp binigay nya sa anak nya, tapos ilang weeks na wala ng anak nya ung cp... Ung tita ko na sinisiraan ako sa mga kapatid nya para mag mukha akong masama. Senior high ako at umalis lolo namin pumunta na ng US, ako na ang gumigising sa umaga para magluto ng breakfast at babaunin sa skul, maghuhugas ako ng plato kahit d ako kumqin, magwawalis pako bago pumasok, laging ganun ang aking gawain. Sa paglalaba naman ako din, nilalabhan ko mga damit nila ultimo brief ng mga anak ng tita ko, nakikita ng mga kapitbahay na nagsasampay ako ng mga brief nila. Tumawag ang pangalawang kapatid ng tita ko na nasa US ung nagbibigay ng allowance sa bahay, sinabi ng tita ko na d ako tumulong na ung mga anak nya daw ang naglalaba at sa umaga ay ung isang anak nya daw ang nagluluto. Colleg ako ay nabuntis ako, umamin ako sa kanila na buntis ako dalawang buwan na ang aking tyan, sabi ng nanay ko ay pag isipan ko daw kung itutuloy koba daw itong baby, sabi din ng tita ko sana sinabi ko ng maaga nung isang buwan palang tyan ko para nailaglag ang baby. Tinakwil ako ng pamilya ko nung nabuntis ako, grabeng pagmumura at pang da down ang natanggap ko pero d ko sila sinumbatan. "PUTANG INA MO WAG N WAG KANG MAGPAPAKITA S MALASIN KAHIT ANINO MO!! TANDAAN MO YAN. HNDING HNDI KO MAPIPIGILAN ANG PDE KONG GAWIN SAYO KHT PA PUTANG INA MONG BUNTIS KA!!! NGAUN KITA TIISIN MAS KAYA KITANG SAKTAN TANG INA MO! " yan ang sabi mismo ng aking nanay. Ngayung nanganak ako d pa rin nila ako kinakamusta at kinakausap, kaya heto ako sa bahay ng asawa ko, pasalamat pa rin ako dahil mabait ang aking byenan. Kaya Tinanggap ko lahat ng paghihirap, looking forward nako sa future namin ng anak ko para maging maganda ang aming buhay. Salamat po.
Please log in to comment.