Ako ay 32 years old ngayong march 5, may dalawang anak. Ang panganay ko ay anak ko nung nag aaral ako sa college halos tawag ng lahat dun disgrasyada. Ang bunso ko ay anak ko ngayon sa bago kung kinakasama. Siya ay 7 years old, babae at isang PWD may diagnosis na Congenital hydrocephalus /hydranencephaly with seizure disorder, partial blindness at bedridden. Nabuntis po ako sa panganay nang puno puno ng stress, halos naisin ko nalang mawala sa mundo. Maraming akong tsismis narinig, kahit pamilya ko parang dina down ako. Ako daw pag asa ng pamilya, ganito, ganyan parang araw araw na akong pinaparinggan. Alam ko na kasalanan ko naman. Gusto nilang ilaglag ang anak ko kung kaya pa kasi di alam ng tatay ko na buntis ako. Pinagtapat din mga ilang araw, naglalasing tuwing gabi si tatay, di niya matanggap ang lahat. Humingi naman ako ng tawad sa kanya kasi di ko naman ginusto. Mahabang story pero di ko manlang sinabi sa kanila na pinwersa ako ng lalaking kuya ng kabordmate ko na may palihim na gusto sa akin. Di ko sinabi para wala nang mahabang gulo kasi isang bayan lang kami at ibang barangay lang. Iba si tatay magalit para sakin. Di siya boto sa nakabuntis sakin kaya naging single mom ako. Mahirap pero kinaya. Nung pinanganak ko na aking panganay 2014, Ilang buwan pa lang nagtrabaho na ako para makabawi sa pamilya ko. Naging Dswd Listahanan. Breastfeed ako sa panganay ko kaya di madali sa akin. Nakapagsahod ako kasi 2months contract lang naman, siguro mga 15k plus sahod ko. Sobrang saya na. Kumuha lang ako ng pambili gatas at needs ng anak ko, lahat natira binigay ko na sa kanila kahit wala na para sa sarili ko. Natapos na kontrata ko sa Dswd, nag apply ako sa Isang mall malayo sa amin. Nakapasok naman ako. Buwan buwan nagpapadala sa pamilya. Bayad sa bhouse at pagkain ko lang tinira ko sa sarili ko. Hanggang sa nakilala ko isang lalaki na tatay ng anak ko ngayon, sa isang mall lang pinagtrabahuhan namin pero ibang department. Naging kami 2016, nagresign na ako sa mall, ganun din partner ko at naghanap ng ibang trabaho na medyo mataas ang sahod. 2017 nabuntis ako sa pangalawa ko. Dun na naman sobrang stress at depress ako sa pamilya ko. Nabuntis ako sa panganay ko nang walang good advice ng pamilya ko hanggang sa ikalawa kong anak. Dami akong narinig, araw araw tsismis. 7months na akong buntis pero nagtatrabaho parin ako sa isang sikat na fast food. Sa ilang taon na trabaho ko wala akong naipundar sa sarili ko kundi binigay ko lahat sa pamilya ko para lang makabawi pero di pa pala sapat yun. Kahit manlang kalinga nila di ko maramdaman. Dahil sa sobrang pagod, stress at problima sa buhay ko di ko na natutukan ang pagbubuntis ko. 7months na rin akong nag start ng prenatal na sana 3months pa lang na monitor na. Kulang ako sa vitamin's, lalo na sa folic acid. Dahil sa hindi ko na kinaya ang mga naririnig sa pamilya ko, lumayo ako nang walang paalam. Isang lang iniisip ko ang panganay kong anak, di ko kaya na malayo sa kanya pero kinaya ko kasi sobra na akong stress. Umiyak ako habang umaalis sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ayaw naman nilang ibigay sa akin kaya hinayaan ko nalang kasi baka magkagulo pa. Nagsama na kami ng tatay ng anak kong pangalawa at nangungupahan lang kami. Hanggang sa nagpa ultrasound ako dun na gumuho ang mundo ko nung makita na maraming tubig sa ulo nang baby ko kaya pala nagpa 2nd option si doc sakin na pa ultrasound ulit sa iba baka nagkamali lang siya. Pero same result.Nag research ako tungkol dun, sabi ni doc hydrocephalus tawag dun na merong tubig sa ulo. Instead sana madevelop ang brain. Required na nila akong mag cs sakali na manganganak na ako baka daw kasi malaki ulo ni baby. Umiyak ako kasi di ko matanggap, nagpray araw araw na sana panaginip lang. 2018 pinanganak ko na siya. Sa gabay ni LORD di malaki ulo niya kaya di ako na cs. Pero ibang ibang siya sa normal na baby, iyakin halos araw araw, minuto, segundo walang pahinga na iyak. Di na ko makakain, matulog ng maayos. Dumating sa point na meron na akong postpartum Depression. Nag aaway na kami ng partner ko, iniisip ko na magpakamatay na akala ko ay solusyon sa problema ko. Pina check up ko siya sa isang private. Neuro pedia, lahat ng laboratories ginawa ko kahit na mag isa lang kasi nagtatrabaho ang partner ko. Di man niya pwede iwan kasi sa trabaho niya lang kami umaasa. Isa siyang security guard. Fast forward, Nagpa request si doc samin, eeg at ct scan dun na nakita na mas maraming tubig kaysa utak sa ulo ng baby ko. Hydrocephalus na naging hydranencephaly unti unti. Sabi ni doc nag oopera daw sila ng hydranencephaly na cases. Sabi ko na kung pwede ma refer niya kami sa public hospital kasi di namin kaya ang private, ang hirap pa dun baka di lang isa o dalawa ang pag oopera minsan kasi pag maging mal function ang shunt na gagamitin, opera ulit. Ni refer kami ni doc sa isang public hospital, dun na kami start struggle sa pila, maaga pa kami ng anak ko pumunta, halos wala na akong kain, umuulan man o init lahat ginawa ko nagbabasakali na maoperahan siya at maging ok. Hanggang sa niresitahan kami ni doc isang nuero surgery ng isang medium shunt, tubo na gagamitin sa operation niya. Lahat ng medical supply sa city ay walang available na medium kahit sa Manila nagpahanap ako sa kuya ng partner ko, wala din daw dun available. Lahat out of stock. Hanggang sa meron nang bakante sa hospital kailangan lang 20k plus bibilhin. Umuwi ako sa amin humingi ako ng tulong sa Mayor, congressman,umakyat sa capitol. Sobrang kapal na nang mukha ko sa mga araw na yun, dala dala ko aking anak kasi nag be breast feed ako. At di ko maiwan iwan. Pinatawad ako ng tatay pero di basta basta. Dami pa akong narinig na ganito, ganyan. Inintindi ko nalang sila kasi sobrang stress na ako sa sitwasyon na meron ako. Nakaipon ako ng 10k at bumalik na ako. Dinagdagan namin ng 10k kasi meron din kami ipon kahit papano. Nung akala ko na maoperahan na aking anak, dun na pinagtapat sakin ni doc na di na daw siya maoperahan. 2x kami nagpa eeg at nagpa ct scan. Sabi ko, pinarefer kami ni doc kasi nag oopera sila sa mga hydranencephaly na cases. Pero sobrang komplikado daw pag inoperahan siya kasi mas maraming tubig compare sa brain niya at sa labas ang tubig niya. Pag daw lagyan ng tubo katulad ng ulan ay sobrang bubuhos ang tubig. Pero kung gusto ko daw 50/50 na mag survive siya. Nag usap kami ng partner ko, nag isip ako buong gabi, halos di ako makatulog. Sabi ko paopera ko siya atleast may ginawa man lang ako para sa baby namin and let JESUS handle ng operation niya. Alam ko di NIYA kami pababayaan. Pagka umaga, pumunta ulit ako sa hospital kasama anak ko. Dun na ko halos tinakluban ng langit sa narinig ko. Nagprangka sakin si doc direct to the point niyang sinabi sakin na di na daw pwede operahan kasi nga daw komplikado at sobrang mas masakit pa na sinabi niya sakin na bakit daw gagastosan ko pa e di naman daw tatagal ganyan mga cases. Di ko alam ano gagawin ko sa mga oras na yun,umalis ako na may sobrang bigat ng loob na umiiyak. Bago ako umuwi dumaan kami ng anak ko sa simbahan. Dun ko binuhos ang sobrang sakit na nararamdaman ko na halos di ko kakayanin. Tumingin ako sa anak ko, tinititigan ko siya at niyakap ng mahigpit. Bilang isang ina isa yun sa pinakamasakit na marinig ko. Di alam ni doc kung anong hirap pinagdaanan ko habang naghahanap ng shunt dala dala ang anak ko na halos walang pahinga na umiiyak. Umulan man o uminit, naghahanap kami ng shunt kasa kasama ko ang anak na bedridden. Umiyak ako kay LORD, kinausap ko SIYA. Nakita NIYA naman mga sakripisyo ko para sa anak ko na ginawa ko naman lahat. Dahil sa sinabi sakin ni doc, sinurrender ko lahat kay LORD, alam ko SIYA lang nakaalam at may hawak sa lahat ng bagay. Mga ilang taon na rin nakalipas, panay iyak ang aking anak, di ko alam kung saan banda ba yung masakit. Iyak niya na sobrang sakit pakinggan na parang bang kinukurot siya, pinapalo. Iyak na may dalang sigaw. Umiiyak ako gabi gabi kung ano na sitwasyon ko, sukong suko na ako pero nakikita ko ang anak ko na lumalaban, naisip ko pano pag sumuko ako, pano ang anak ko. Bumalik ulit kami sa ospital sa pedia, halos di na kami pinapansin ni doc, parang di ko narinig number ko na tinawag, hanggang sa buong maghapon na kami dun pumila. Kain ko isang biscuit at tubig. Nagtanong ako sa isang nurse na di pa kami natatawag, at dun niya nakita at narinig ang anak ko umiiyak ng umiiyak. Nagtanong siya sakin kung bakit daw umiiyak ang anak ko, sabi di ko nga po alam kaya pinapa check up ko po siya. Yun pala meron siyang seizure, seizure niya pala yun Yung sobrang iyak niya na natatakot. Kasi pagkakaalam yung seizure, naninigas, sa anak ko kasi umiiyak lang na may dalang sigaw. Pina emergency kami ng nurse kasi inobserbahan niya na seizure pala. Tinanong niya ako kung ilang araw ba siya nagkakaganun sabi ko, iisipin ko buong araw hanggang gabi sobrang 10x. Dun na kami pina admit na resetahan kami ng maintenance niya sa seizure. Sakto na pandemic sa mga araw na yun at nag lockdown. 4days kami sa ospital, sa gabay ni LORD nawala seizure ng anak ko yun lang sobrang pumayat siya, bumagsak ang katawan niya, halos naging butot balat, siguro naninibago sa gamot niya. Naghanap ako ng mga gatas na pwede tumaba siya ulit at vitamins. Nalagpasan namin yun ng ilang taon. 3years old siya na admit. Ngayon 7years old na siya. nagpapasalamat ako kay LORD sa kabila nang lahat ng aming pinagdaanan, ay nakaya namin. Di man naoperahan, masaya ako na magkasama parin kami at sa kanya lang at ate niya umiikot a ng mundo ko bilang isang ina. Patuloy parin hanggang ngayon ang maintenance niya sa seizure, bedridden at partial blindness parin pero di parin ako susuko para sa kanya. Mapapagod ako pero di ako susuko. Di niya man ako nakikita ramdam niya na sobrang mahal na mahal ko siya. Walang araw na di ko sa kanya pinaramdam, sinusuklian niya naman ako ng kanyang masayang halakhak na gamot sa pagod ko. Tayong mga ina ay gagawin lahat para sa ating mga anak. Kaya sa katulad kong may same situation laban lang po tayo, di po kayo nag iisa, wag tayong mawalan ng pag asa at palaging samahan ng panalangin. Si LORD lang nakakaramdam at may alam sa ating pinagdadaanan. Hanggang dito na lamang aking kwento. Salamat po sa oras ng inyong pagbabasa.
Please log in to comment.