ito ang aking kwento. 5 taon na kami kasal ng aking asawa may dalawa kaming anak, at sa hirap ng buhay ay hindi na namin yun dinagdagan pa. ang asawa ko ay isang mangingisda dito sa aming bayan dito sa Quezon kami ay masasabing napaka hirap ng buhay dahil minsan ay wala kaming kinakain dahil ang buhay sa dagat ay hindi sigurado at madalas dito saamin ay walang nahuhuli. sapat lamang upang makakain sa araw araw at minsan nga ay wala pa. masakit yun saamin bilang isang magulang dahil wala kaming maibigay minsan kapag hihingi ang aming mga anak. ang kinikita ng aking asawa ay sapat lamang upang maitawid kami sa araw araw. sya ay hindi nakapag tapos ng pag aaral kaya wala syang maayos na trabaho at ako naman ay ganoon din. hindi ko rin sya matulongan sa paghahanapbuhay dahil may maliit pa kaming anak. may gobyerno naman na tumutulong saamin pero hindi sapat yoon at hindi rin dapat umaasa na laging may nagbibigay at dahil nga sa hirap ng buhay ay umalis ang aking asawa at pumunta sa ibang lugar upang doon maghanapbuhay. at sa kasamaang palad ay hindi rin sya sinuwerte sa kanyang napuntahan. hindi rin naging maayos ang kanyang kita dahil ito ay pagdadagat din. laging malakas ang panahon doon at napaka delikado din. at ngayon nakapag desisyon sya na mag construction sabi nga po ay gagawin ang lahat para sa pamilya. kaya ngayon ay yoon ang inaasahan namin na trabaho na bumubuhay saamin. sana po ay mapansin ninyo ang aking kwento. at magsilbing aral na hindi po sa lahat ng panahon ay tayo ay magiging mahirap magdasal lamang po tayo at magtiwala sa ating panginoon. Lubos na Gumagalang Jane Garcia
Please log in to comment.