Part 1 Ako ay Si LEAH MAE DAHAN HALINA, 32 years old nakatira sa Tagbilaran City Bohol. Ikinalulugod ko Po na ikwento sa inyo ang aking nakaraan bago ako naging Isang Ina. Way back Year 2011 ito iyong taon na natigil ako sa aking pag.aaral sa kolehiyo dahil nabuntis ako ng aking nobyo na si Darryl Tumigil ako sa pag aaral ko at nagpatuloy parin ang aking nobyo sa pag.aaral pero di kalaunan tumigil din siya Kase Sabi niya kailangan na niya magtrabaho kasi may pamilya na siya at magkakaanak na din kami.. Nagsama kami .Nag.apply po siya ng trabaho sa Chowking, Masaya kami.. nagdadamayan sa bawat PagSubok sa buhay. Dahil Sa Kanyang trabaho Minsan dis.oras na siya ng Gabi umuuwi kasi Marami pa siyang ginagawa sa trabaho.Hanggang sa Nanganak ako Noong September 15,2012 Labis po Ang amping kasiyahan na makita namin ang aming anak bunga ng aming pag-mamahalan,Isang sanggol na Babae ang aming naging anak Isang cute at Magandang bata at ang pinangalan namin sa aming anak ay Si Keizha Athena. Lumipas ang ilang buwan pinatigil ko siya sa pagtatrabaho sa Chowking kasi naawa na ako sa Kanya dahil sa puyatan ang kanilang trabaho Minsan matagal na siya nakakauwi. Tinulungan ko Siya makahanap ulit ng trabaho at sa away ng Dios nakahap naman siya Isang Boutique sa loob ng Bohol Quality Mall sa Tagbilaran City. Ang buong akala kong tamis na aming pagsasama ay magtutuloy tuloy na pero dito pala magsisimula ang matinding PagSubok sa aking buhay🥺 Noon Akala ko magtuloy tuloy na Ang aming masayang pagsasama.
Please log in to comment.