Isa akong single mom na may tatlong anak na lalake edad 17,15 at 12...bilang isang Ina,solo akong nagtatrabaho para sa aking mga anak.Sa tatlong anak ko,may panganay ako na kasalukuyang nagaaral ng senior high grade 11.Isang panganay na anak na alam na Ang hirap ng buhay at hirap sa pagtatrabaho ng kanyang ina..Sobrang nadurog ang aking puso ng aking malaman na bukod sa pagaaral nya ng mabuti,sya pala'y nagtitinda ng pagkain (kanin at ulam) sa eskwelahang kanyang pinapasukan.para may maipantustos sa kanyang pagaaral,sobrang sipag nyang gumising sa umaga upang mamalengke at magluto ng kanyang ititinda...sa kabilang banda,nadurog man ang puso ko,ako'y sobrang napahanga at napamahal sa ginagawa nyang pagtyatyaga para lang makatapos sa kanyang pagaaral.di alintana ang bigat at pagod na kanyang ginagawa..Ako si April Valdez,ina ng responsableng anak/responsableng estudyante na si John Marcuz Valdez...gusto Kong ishare ang istorya ng buhay namin,hirap man,nakakaraos pa rin sa araw araw,sa tulong ng ating panginoon...naniniwala ako na malayo mararating ng aking anak,kakayanin ang bawat hamon ng buhay,tatayo sa sariling mga paa nya at bibigyang importansya ang kanyang pagaaral upang makatapos ...Bilang isang ina,nandito ako para mahalin,suportahan,gabayan at itaguyod sila..ako ang magsisilbing ama't ina nila habang buhay,lahat kakayanin subukin man ng panahon...Hindi bibitaw sa hamon ng buhay..🤗🥰
Please log in to comment.