Kabanata 1: Simula ng Lason Sa unang tingin, parang ordinaryong baryo lang ang San Roque. Tahimik, malinis, at mabagal ang takbo ng oras. Tuwing umaga, maririnig mo ang tilaok ng manok, ang mga batang naghahabulan sa eskinita, at ang mga nanay na nagsisigawan mula bahay sa bahay — hindi dahil nag-aaway, kundi dahil ganon lang talaga ang normal na usapan dito. Magkakalapit ang lahat. Lahat magkakakilala. Lahat tila may kanya-kanyang papel sa maliit na mundong ito. Pero sa ilalim ng katahimikang ‘yon, may isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Isang pakiramdam na para bang may nakamasid sa bawat galaw ko. Hindi ko lang alam noon na magkakaroon pala ito ng kabuluhan. Ako si Elian. Nakatira ako sa gitna ng baryo, sa lumang bahay na minana pa raw ni Mama mula sa lolo at lola ko. Lumang-luma na ang estruktura, may kalawang na ang mga barandilya, at may mga bahaging nababakbak na ang pintura. Pero maayos pa rin — dahil palaging inaasikaso ni Mama. Si Papa naman, tahimik lang. Minsan nasa palengke, minsan nasa ilalim ng tricycle sa garahe, pero kadalasan, wala sa bahay. Hindi ko alam kung may tinatakasan siya o ayaw lang niyang mapirmi. Martes ng hapon nang unang gumuho ang payapang ilusyon ng baryo namin. Bago pa ako makarating sa bahay mula sa eskwela, naramdaman ko na agad na may kakaiba. Walang batang naglalaro sa kalsada. Tahimik ang buong kanto. Tanging ang tunog ng ambulansya sa malayo ang naririnig — palapit nang palapit. Pagdating ko sa kanto ng Lumang Silid Street, sinalubong ako ng isang tanawing hindi ko malilimutan: si Mang Berting, ang matandang tagalinis ng kalsada, nakahandusay sa likod ng waiting shed. Nakasapin ang katawan niya ng plastik, pero kita pa rin ang bahagi ng mukha niyang may itim na pasa at duguang labi. May sumisigaw. Si Aling Fe, ang tindera sa harap ng barangay hall. “Diyos ko! Tanggal ang mga kuko n’ya! Sinong gagawa nito?” Hindi ako makalapit. Nanigas lang ako sa kinatatayuan ko, habang pinapanood ang mga pulis na abalang kinakausap ang mga residente. May narinig akong bulungan sa likod ko: “Parang ritual ‘yan… parang sinadya.” “Dati may nangyaring ganyan dito no'ng dekada nobenta…” “Baka bumalik na 'yung dem—” Naputol ang usapan dahil dumaan ang ambulansya. Kinagabihan, hindi ako mapakali. Pinilit kong kumain pero halos wala akong malasahan. Si Mama, tahimik lang habang naglalaba. Si Papa, nakikinig sa radyo pero mababa ang volume. Wala kaming gustong pag-usapan pero alam naming pareho — may mali. Lumipas ang dalawang araw. Akala ko tapos na. Baka naaksidente lang si Mang Berting. Baka hindi sinadya. Pinilit kong ibalik sa normal ang araw ko. Hanggang sa natagpuan si Aling Letty.
Please log in to comment.
Hindi pa natatapos ang usap-usapan tungkol kay Mang Berting nang muling gumuho ang katahimikan ng San Roque. Biyernes ng gabi,...
Please Install App To Read This Part