Kalam Kalam
Profile Image
Agnes Santiago
2 weeks ago

Ang Hindi Pagsuko ng Isang Ina

Magandang araw! Ako nga pala si Agnes 41 yrs.old may asawa at tatlong anak. Ang panganay ko na babae ay nasa ikatlong taon na sa kolehiyo. Huminto naman sa pag aaral Ang aking pangalawang anak na lalaki at nagtapos naman sa grade 10 Ang aking bunso. Taong 2022 ng subukin ng panahon Ang katatagan ng aking pamilya at Ako bilang Ina at asawa. Setyembre noon at sa di malamang dahilan ay biglang sumakit Ang tyan ng aking bunso na edad 13 noon. Nang Amin siyang isugod sa ospital ay sinabi ng doktor na Siya ay kailangan operahan dahil namamaga na Ang kanyang appendix. Bilang Isang Ina sobra Ang nadarama Kong pagka awa sa anak ko na sobra Ang kanyang pag iyak sa sakit ngunit Wala ako magawa upang maibsan man lang iyon kahit sandali. Lumipas Ang ilang Oras na paghihintay sa Isang public hospital ay naisalang din Siya agad sa tulong ng mga kakilala. Lumipas Ang mga araw na pananatili namin sa ospital Hanggang maging mabuti Ang kanyang pakiramdam at pinahintulutan na kaming umuwi ng Bahay at doon na tuluyang magpagaling. Hanggang sa dumaan pa Ang mga linggo at ito na yata Ang pinakamatinding pagsubok na kakaharapin ko bilang ilaw ng aming tahanan. Makalipas lamang Ang halos Isang buwan Mula ng maoperahan Ang aking anak Bago mag undas ay na stroke naman po Ang aking asawa. Sobra po akong nanlumo. Bilang Isang Ina na walang ginawa sa buong Buhay ko kundi Ang mag asikaso ng aking pamilya at heto at Hindi alam kung ano Ang gagawin ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko at patuloy Kong tinatanong Ang sarili ko kung paano ko kakayanin Ang respondibilidad na buhayin, pakainin at pag aralin Ang mga anak ko at the same time ay kung paano ko maalagaan Ang anak ko na bagong opera at Ang pag aalaga sa aking asawa na maysakit. Wala ako ginawa kundi umiyak ng mga panahon na Yun dahil takot ako na baka di ko kayanin mag Isa. Ngunit sa pagtanggap ko ng mabigat na pasanin na iyon at pag angkin sa respondibilidad ay nakaya ko Ang mga gampanin ko sa Buhay sa tulong ng aking pamilya. Hindi ako pinabayaan ng aking mga kapatid at mga pamangkin gayundin ng aming Ina na kahit na matanda na nakaalalay pa din sa akin. After a month Mula ng ma stroke ng asawa ko at kaya na niang kumilos ay nag umpisa na akong maghanap ng trabaho. Nakapasok po ako sa Isang garments industry na naging malaking tulong sa Amin Lalo na sa pag aaral ng aking mga anak. Hanggang nagyon po tatlong taon na Ang nakakaraan ay diko mapigilang tumulo ng aking luha dahil sa likod ng mga pagsubok na pinagdaanan ng aking pamilya ay heto at nananatili pa din kaming nakakapit sa isa't Isa. Sila Ang lakas ko sa araw araw na pagod at pahinga sa bawat puyat ko sa trabaho. Palagi Kong ipinapaalala sa mga anak ko na pahalagahan nila Ang bawat sentimo na ibinibigay ko dahil Mula sa Puso, pagod at puyat ko Ang lahat ng iyon. Nagkukulangan ako sa Oras sa kanila, Hindi ko man maibigay lahat ng pangangailangan nila alam ko na alam nila na lahat ng ginagawa ko ay para sa kanila. Bilang Isang Ina lahat ay kakayanin ko para sa mga anak ko. Hindi ako perpektong Ina at asawa pero alam ng Diyos kung gaano ko sila kamahal at sila ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Please log in to comment.

More Stories You May Like