Aminin nyo lahat tayo namimiss yung pagiging bata,yung tipong gigising tayo ng maaga para pumasok sa skwelahan,papabaunan tayo ng ating mga nanay ng prutas at tinapay. Pag kauwi ng hapon makikilaro tayo sa mga kapwa nating bata, yung tipong hindi kapa nakaka bihis naka puting t-shirt at short ka lang tatakbo kana agad sa kapitbahay para maka pag laro kayo ng mga kalaro mong bata ng Chinese garter, bahay bahayan, jolens, text,at pogs(Batang 80's,90's lang malakas) Nakakamis diba,habang pa iba na ng pa iba ang panahon nakakawalang gana na lumabas ng bahay kasi sa panahon ngayon puro ka toxic 'kan na,ung tipong pati kapit bahay mo noon tsismosa na ngayon pati buhay mo pinapakealaman na. Sarap mamuhay nung panahong di pa uso ang rape, murdering, robbery at kung ano ano pang mga karumal dumal na bagay. I remembered when i was 12 yrs old kasama ko mga kapatid ko at mga kaibigan ko magdadala kami ng pamingwit, magbibingwit kami sa mga ilog / sapa masaya kami kahit walang mahuli ang mahalaga samin nun naka langoy kami. Ang sarap lang mabilkan yung mga ganong ala-ala yung tipong kapag naalala mo napapatunganga ka sa umaga pag inom mo ng kape mo malamig na HAHAHAHAH #KalamChallenge #80's-90's #BuhayProbinsya
Please log in to comment.