Kalam Kalam

Thesis

Mapagpalang araw po sa lahat ng taga Basa ng aking liham, ang kwento ko pong ito ay para sa mga anak na maagang nakapag asawa na di naibigay ang pangarap ng kanilang mga magulang. Ako po si BaiQueenie Hadjiali 30 years Old para sa mga anak na sa murang edad nakapag asawa ng maaga at nabigo ang mga magulang hindi huli ang lahat na maibigay ang Kaisa isang pangarap ng ating mga saatin ang makapagtapos ng pagaaral sa madaling kwento nagsimula akong mag aral ng kolehiyo noong panahon ng pandemic habang pinagbubuntis ko ang pangatlong anak ko at dahil din sa tulong ng aking masipag na mister na isang construction worker ay Nagpursige ako na magaral at matupad ang pangarap ng aking mga magulang para sakin noong akoy dalaga pala Mang dahil noong mga panahon na akoy nag kaanak at nagaral na sila napagtanto ko na Mali ang mga desisyon ko sa buhay noon ay kinaya Kong pagsabayin ang pagaaral,Pag aalaga sa mga anak ko kasabay ko Silang pumapasok sa skwela dahil alam ko hindi pa huli ang lahat para tuparin ang mga pangarap ng aking mga magulang dahil narealize ko na ganito pala ang feeling ng isang ina/ama sa kanilang mga anak kaya gusto ko ipakita sa mga anak ko na matatapos ko ang kolehiyo sobrang hirap pagsabayin lalo na Pag dumating sa point na walang wala kami ng asawa ko tapos sabay sabay ang gastusin sa bahay,kailangan ng mga anak at noong akoy nag te-thesis pero gumawa ng paraan ang panginoon upang malagpasan ko ang lahat ng iyon at sa tulong ng mga taong tumulong at nagtiwala sakin sila yung isa sa mga naging inspirasyon ko bukod sa aking mga anak at asawa na walang reklamo umulan man o umaraw sa Pag papanday matustusan lang Pag aaral ko at ngayong June 2024 lang sa hinaba haba ng proseso huli man pero kinaya ko naipakita ko na nagkamali man ako sa mga unang desisyon ko sa buhay naitama ko sa bandang huli sa mga katulad ko na mga kabataan ngayon laban lang sabayan ng sipag at tyaga higit sa lahat panalangin sa panginoon dahil sa lahat ng pagsubok natin sa buhay siya lang ang una nating masasandalan sa lahat ng oras. Maraming salamat dahil isa na akong hanap na degree holder na proud asawa ng isang construction worker na sa malinis na hanap buhay naipagtapos ako at nanindigan sa mga magulang ko na kaya akong patapusin mag aral. maraming salamat po at lubos na gumagalang BaiQueenie Hadjiali Cotabato city

Please log in to comment.