Kasagsagan ng pandemic nuon , dahil sa nararamdaman ko anxiety ay nakita ko ang online sabong bilang outlet , nagsimula puhunan 100 pesos nanalo ako hnggng naging 3500 kaya tuwang tuwa ako sabi ko dito pala madali ang pera, yun pala ito palang ang simula ng kwento ng malagim na hinaharap ko, sunod2 panalo ko nang isa hnggng apat na araw , kaya ma's lalo ako naengayo , mula sa 100 nag cashin na ako ng 500 hnggng libo na, hndi ko na napapansin lahat ng pinanalo ko at puhunan ay nabawi na nila, hnggng sa araw2 gusto ko makabawi, lahat ng kinita ko bilang real estate ay nawithdraw ko, nagkautang ako sa mga tao na hindi ko nababayaran, pati mga online lending umabot sa puntong napapahiya na ako ng mga nsa lending kasi sa delay ng bayad.. tintwgan nila mga ito snsbi may nakkahawa ako sakit, pinapadla sa knila litrato ko edited na hubad, mdmi sobra kahihiyan inabot ko , yng pakiramdam na gusto mo tumakas o itapon nalng cellphone mo , natatakot na bka manininngil sa lending o tao sa contacts mo na tinwagan nila ang tumatawag, umabot sa punto na contribution ng anak mo sa christmass party hindi ka makapagbigay kasi naipatalo mo na lahat sa sugal.. share mo sa bahay wla ka maiabot, kng ano ano na nsa isip mo , umabot sa naisipan na tapusin mona sarili mo o mamundok na para hindi na madamay pamilya mo sa problema .. takot ka magopen sa pamilya mo kasi nahihiya ka at baka mahusgahan lang.. nagdaan ang araw dahil sa mga tao nakakausap mo na strangers ay unti2 mo nailalabas lahat ng bigat , pagdadasal at pagtulong sa sarili lang din kasi kahit ano advice ng million tao kng hindi mismo manggling sa sarili mo ang pagbangon ay wala mangyayaring pagbabago, babalik at babalik ka parin sa dati.. Advice lang if hindi ka nagsusugal wag mo subukan o kahit manuod lang ng sugal kasi diyan nagsisimula ang lahat..pag tulad naman kita nalulong na sa sugal kaya mo bumangon kapatid, kasi ako nga kinaya ko , ma's makakaya mo din.. I'm Happy to share this story of mine sana may aral na mapulot ang iba..
Please log in to comment.