Hi my name is Pearl Jan Azuelo 19 yrs old Mindanao zamboanga city ang mama ko ay labandera at ang tatay ko ay mananggutay Nung 8yrs old ako imbes na ako ay mag aaral pero mas gusto ko pang sumasama ako kay mama sapag lalabada nya. alas 6 palang ng umaga gigising na kame at alas 7 sumasama nako kay mama para mag labada. dahil na rin sa kahirapan hindi ako nakapag tapos ng pag-aaral. then nung 10yrs old ako lumuwas si mama ng manila para mag trabaho. yung tatay ko laging lasing araw araw na lg lasing at sinasaktan narin kameng magkakapatid. nung pinagalitan ako ng tatay ko at sinabi nya lumayas na ako. at ako ay lumayas din sa edad ng 12. yung kaibigan ko mag hahanap ng kasama para mag trabaho sa carinderya at ako ay sumama ng hindi alam ng tatay ko. sumama ako sa kaibigan ko kasi walang araw hindi nya kame sinasaktan at dahil na rin sa galit ko sakanya. nung 3days ko sa pag tatrabaho sa carinderya gusto ko ng umuwi kasi sobraaang nakakapagod. dahil gigising ako ng alas 5 para sumama mag changge para sa lulutuin na ulam para ibenta at tatapos kame ng alas 2 or alas 3 ng madaling araw. minsan napapagalitan ako kasi alas 10 pa lang ng nakakatulog nako. umaabot kame ng madaling araw kasi tapat kame ng mga barkong nangingisda mga laborer lahat ang kumakain samin.. then nung 8 days nako nag tatrabaho dun pumunta yung nanay ng kaibigan ko para pauwiin nako kasi ipapa blotter daw ng tatay ko yung nanay ng kaibigan ko. at nung time na yung tumawag din yung nanay ko. nung pagka rinig ko pa lg ng boses ng nanay ko bigla akong umiyak kasi sobrang namiss ko din yung nanay ko. at ang sabi nya sakin jan mag aaral kapa ba?. sabi ko oo maa mag aaral nako. nung naka uwi nako kinuha ako ng pangalawang ate pero mga ilang buwan lg ako nakapag aral at huminto nanaman ako dahil yung tatay ko ay na ospital. umuwi ako samin. malayo na kasi yung paaralan samin sobrang mahal na ng pamasahe kasi doble ride na kaya huminto nanaman ako. at yung nanay ko umuwi na rin sa zamboanga. at yung mga kaibigan ko sinama ako gumala. at may nakilala akong lalaki na naging tatay na ng anak ko ngayon. nung una nag kikita kita lg kame hanggang sa may kumuha samin para mag trabaho sa BBQ 12yrs old ako nag trabaho nanaman ako. mag bebenta kami alas 4 ng hapon hanggang alas 2 ng madaling araw. kame ng ka LIP ko hanggang nag 13 yrs old ako... nung umalis na kame sa pinag tatrabahuan namin dahil namatay yung tatay ko. nung nag 14 ako may kumuha sakin na mag trabaho sa changge gigising ako ng alas 4 ng madaling araw tas kasi 4:30 kami nag bubukas tapos mag seserado kame ng alas 6 ng gabi 150 lg yung araw namin pag may na damage ibabawas sa sahod namin. at mga 8 months din ako nag trabaho sa changge. nung 16 ako nag trabaho may kainan at may inuman din all around din yung trabaho ko taga linis ng mesa hugas ng plato tas mag luluto at yung iba naman pinapainit yung mga ulam. na binebenta namin. minsa nag kakarga ako ng case ng mga beer at soft drink. mga ilang buwan ako nag tatrabaho nabuntis ako 16 yrs old pa lg ako. at ngayon 3yrd old na yung anak ko. ngayon. sobraaang hirap nanaman yung buhay namin trabaho ngayon ng LIP (live in partner) ay security guard. yung night shift. yung sinasahod nya laging short kasi sa utang lg laging napupunta yung sahod nya... yan yung storya ko. sana isa ako sa mapili na manalo🙏🏻❤️
Please log in to comment.