Kalam Kalam
R
Risame Barcenas
4 months ago

Ang buhay ko

Hello i'm mae at 31 years old na ako.May dalawang anak isang babae at isang lalake.Siyempre mag asawa hahaha. Nagsimula ang Story ko noong 2018 nagpasya akong mangibang bansa para sa anak ko that time is isa palang. Kahit takot ako nun pero nilakasan ko nalang talaga loob ko para sa pangarap ko na magkaroon ng sariling bahay.Actually,may bahay nman kmi nabili namin ito ng worth 2k tas ang bubong nito ay gawa sa cartoon and cellophane kaya mura. Sobrang hirap ng buhay namin that time.May trabaho nman asawa ko.Pero mahilig siya gumala kasama ang barkada inom dito inom doon kaya minsan napagsabihan ko siya.Pero yun din ang nagiging rason kaya sinasaktan niya ko physically.May mga times pa noon na kalahating gabi lumalayas ako kasama ang anak ko na dalawang taon para lang maka iwas sa bugbog ng asawa ko. Malayo ako sa mga magulang kaya wala akong mahingan ng tulong ,wala akong mapuntahan kaya sa may sagingan kmi nagpapalipas ng anak ko ng gabi.Though,may mga kapitbahay kmi hindi nman nila kami pinapatulog sa ksnila kasi takot sila na mabalingan ng asawa ko.Kaya no choice ako kundi matulog sa ilalim ng puno ng saging. May isang time nuon na ako na ngs yung nasaktan,peru siya pa kinakampihan ng magulang niya. "Sabi ng papa niya na."Iwan mo yan,hindi lang naman siya ang babae sa mundo.Ang dami pang naka saya."So parang tinotolerate niya yung anak niya. Kaya wala talaga ako magawa kundi yakapin ang anak ko habang humahagolgol ng iyak.Hirap pala pag malayo sa magulang.Kasi wala kang kakampi.Lalo na yung kini kwentahan ka ng asawa mo.Lahat nalang kinukwenta.Yun bang parang pinaparating niya na"Sige pera ko 'to wag mong gastusin.

Please log in to comment.

More Stories You May Like