" Hindi porket tambay e wala ng silbi, isipin mo rin pag may parcel ka, kami ang nagtuturo kung san ang bahay mo" char!😂 Sa mata ng iba naririnig ko na ang panghuhusga, tambay/palamunin ika nga nila. Ngunit, nasubukan niyo na bang tanungin kung bakit tambay sila? Pwes! Pakinggan mo tong kwento ko! Tawagin mo na lang akong "K", 25 years old walang trabaho, walang pera at umaasa pa rin sa magulang. Nakatapos ako ng 3 years course sa college, akala ko pag nakatapos ako sa kolehiyo mas madali na ang makanahap ng trabaho. Akala ko lang pala, hinarap ko ang realidad ng mundo lalo na sa pilipinas, hindi lang kumpletong papel o may experience ang hihingin sayo pati na rin kung lisensyado kang tao. Doon ko narealize na hindi pala sapat ang nag aral ka lang at nakausad sa kolehiyo. Sinubukan kong humanap ng trabaho na hindi kalinya ng kurso ko, Factory Worker ang naging trabaho ko. Ang daling pumasok walang kuskus balungos. Tuwang tuwa pa ako kasi " sa wakas may trabaho na ako " minumim wage earner pero dahil hindi pa naman ako pamilyado sapat at sobra pa na pang gastos para sa akin buwan buwan. Nakakapag padala pa ako para sa pamilya ko. Nasa isang linya ako ng kumpanya na kung saan puro mga may edad pa sa akin ang katrabaho ko. Mabilis akong matuto at malinis akong magtrabaho. Natutuwa pa ako kasi napapakisamahan ko lahat ng ktrabaho ko, not until may bumago ng pananaw ko. Isang matandang babae na pinakamatagal na sa linya namin, Unang araw ko pa lang minaliit at sinabihan na niya akong tanga at bobo. Hindi ako umimik bagkus, iniyak ko pag uwi ko ng boarding house. Tinandaan ko yon, hangang sa nalaman ko na wala daw kaibigan ang matandang babae dahil sa ugali. Lagi niya akong pinupuna sa buong unang linggo ko, hangang sa napuno ako sinabi ko na lang " walang nagumpisang magaling, yan bang ginagawa mo alam mo na nung una ka palang dito?" napatingin sakin ang lahat at natameme siya. Alam ko sa sarili kong mali ang sumagot, pero ang gaan sa pakiramdam. Tumagal pa ang mga araw at mas naging interesado siya sa akin, ako lagi ang kinekwento niya tuwing oras ng pahinga. Don ko rin siya nakilala na mataray lang siya pero may tinatago pa palang bait. Nagtuloy tuloy ang magandang pakikisama ko sa lahat, ngunit dumating ang araw na tuwing pang gabi ang duty namim dumudugo ang ilong ko. Napagdesisyonan kong umalis sa trabaho at ang huli kong bilin sa matandang babae ay " pag may bago wag kang mataray, bagkus turuan mo ng may matutunan sayo" nagpasalamat siya sa akin dahil ako pa lang daw ang nakakapagsabi noon sa kanya. Naging aral na rin daw ito dahil sa nangyari sa amin noong una. Pagkalipas ng apat na buwan simula ng umalis ako sa trabaho, balak ko na ulit mag apply sa iba. Ngunit sa kasamaang palad, nabungi ang unang ngipin ko dahil sa pag ngatngat ng yelo. Akala ko di hadlang ang ngipin, hangang sa walang tumanggap saking trabaho kahit tindera dahilsa ngipin ko halos isang taon akong nakatambay, umaasa sa magulang. Habang ang bunso kong kapatid ay may trabaho na siya pa minsan ang nagbibigay sa akin. Sa loob ng isang taon, grabeng stress ang inabot ko. Hindi porket tambay e dapat hindi nakakaramdam noon, kung alam niyo lang kung gaano ako ka down dahil wala pa akong mapatunayan sa sarili at buhay ko. Araw araw kong iniisip na baka sa kangkungan na lang ako pulutin. Nakakahiya mang aminin, pero alam kong hindi ako ganto habang buhay naniniwala ako sa sarili ko na may ibubuga ako. ✨ Ngayon, may ngipin na ako. Mag kaka roon ng opening ng agro studies sa Israel at isa ako sa maswerteng mag papalista. 😊 Naway palarin ako, ng makabawi ako sa magulang ko at sa sarili ko. Tama sila, Kumapit ka lang kay lord dahil may sarili kang timeline na para talaga sayo. WALANG MASAMANG MANGARAP, ANG MASAMA HINDI MO NA SINUBUKAN PA. PS: WALA KAMIMG EXTRA MONEY PANSIMULA NG NEGOSYO, SAPAT LANG SA PAGKAIN. KAHAT PA AKO. HEHE
Please log in to comment.