Nung bata Ako Marami Ako naranasan sa Lola ko na Hindi maganda😣🥲 lahat Yun natatandaan ko pa Hanggang Ngayon na may asawa Nako🥲. Nung bata pa Ako lagi Ako nakaka tikim Ng Pala or pananakit sa Lola ko😣 konting pag kakamali ko lang nuon sa mga pinag uutos nya pinag bubuhatan agad Ako Ng kamay🥲 eh Wala naman Ako maga kundi mag iiyak lang kc nga bata pa Ako nun🥲. Tapos may time na pinag bintangan Ako na nag nakaw or kumuha Ng perang pamasahe Ng Lolo ko pauwi Ng probinsya tinanggi ko talaga na Hindi Ako ang kumuha ang kumuha Ng Pera na Yun is Yung kuya ko kc ang mga kaibigan na nya MISMO ang nag Sabi na Marami daw Pera ang kuya ko Nung araw na nawala ang Pera🥲 at Ayun na nga nd naniwala ang Lola ko mas pinanigan nya Yung kuya ko na sya talaga ang kumuha Ng Pera kahit Yung mga kaibigan na Ng kuya ko ang nag Sabi na Marami ngang Pera c kuya Nung araw na yun🥲 Ako at Ako parin ang dinidiin Ng Lola ko🥲😣 at Nung araw na yun asa labas kame Ng Bahay Ng Lola ko pinapaamin nya Ako na ilabas ko daw ang Pera, pero ang Sabi ko nga eh Hindi naman talaga Ako ang kumuha🥲 at Ayun na nga sinuntok talaga Ako Ng Lola ko sa muka talagang umiyak Ako Ng malakas nun🥲 kc Sobrang sakit nun😣🥲. Hanggang sa hinalungkat Ng Lola ko Yung mga damitan ko sempre bata pa Ako nun nag iipon din kc Ako Ng mga barya ang naging alkansya ko noon is Yung lagayan Ng pulbo, Ayun kinuha Yung ipon ko nun Wala ako nagawa🥲 mas nanaig sa Lola ko na Ako talaga ang kumuha or nag nakaw Ng Pera Ng Lolo ko🥲 kahit na c kuya ko ang kumuha nuon kc paborito nyang apo ang kuya ko😣 kaya ni Palo Nung araw na yun ni Hindi nakatikim ang kuya ko Ako lahat ang sumalo Ng pananakit Ng Lola ko nuong bata pa Ako🥲. One time naman nag sasaing Ako nun sa labas Ng Bahay namin kc Gabi na nag kamali Ako sa mga inutos Ng Lola ko Ayun nakatikim na naman Ako sa kanya Ng Hindi maganda hinila nya ang buhok ko papasok sa loob Ng Bahay namin🥲nag iiyak at nag susunigaw Ako sa sakit nun😣 grabee talaga ang pag iyak ko Nung bata pa Ako🥲 one time nga pinag tangkaan ko Ng mag pakamatay nuon kc Hindi ko na talaga kaya Yung mga pananakit na nararansan ko, kaso iniisip ko na kasalanan sa diyos ang pag kitil sa Buhay kaya Hindi ko tinuloy iyon🥲. Hindi ko naranasan ang pag kabata ko at pag kadalaga Nung kabataan ko kc Taong Bahay lang Ako nun🥲 lalabas lang Ako kapag uutusan ni nanay na bumile sa tindahan or sa palengke. Nung pag kadalaga ko naman Hindi ko naranasan ang Buhay pag kadalaga kc Hindi ko naranasan ang maki pag or pumunta man lang sa Bahay Ng mga kaklase ko or Ng mga kaibigan ko Lalo na kapag niyayaya nila Ako lagi ko sinasabi na magagalit ang Lola ko kahit na malapit lang sa Bahay Wala talaga Ako magawa kundi sumunod na Lang sa Lola ko😣 kapag may mga school project naman Nung high school Ako na kailangan talaga groupings Hindi Ako talaga nakaka sama kc nga magagalit ang Lola ko kahit na mag paalam Ako kc lagi nya sinasabi saaken na mag lalandi lang Ako or makikita pag anuhan sa lalake kahit Hindi naman talaga😣 kaya ang ending tuloy Hindi Ako napapa sama sa grading Ng groupings kc nga Wala ako kooperasyon sa group project. About naman sa manliligaw ko nuon pumunta sya sa Bahay tumawag nya Ako nilabas ko naman sya Nung time na Yun wlaa Yung Lola ko nuon nasa palengke, nag Sabi sya na kung pwede daw pumasok sa Bahay namin sabe ko naman Hindi pwede magagalit ang Lola ko sabe naman Ng manliligaw ko nuon haharapin nya ang Lola ko kahit na Magalit pa daw tapos Sabi ko naman na pagagalitan Tayo pareho namimilit sya na harapin nya Lola ko para lang ligawan Ako, Nung mga Oras na Yun habang nag uusap kame sa labas Ng Bahay biglang dumating ang Lola ko Galit na Galit sya kahit wala naman kame ginagawa sa taranta ko naitulak ko Yung manliligaw ko nuon sa kalsada sa taranta ko Sabi ko sa kanya umuwe kana baka mapagalitan kapa Ng Lola ko🥲 Ayun na nga pag kapasok namin Ng Lola ko sa loob Ng Bahay doon na naman nag simula ang Hindi dapat🥲 kahit wala naman kame ginagawang masama😣 Hindi ko talaga ang maranasan na may manligaw saaken . Yung iba kc na gusto sana lagi sinasabe saken na gusto nila manligaw pero dahil nga sa Lola ko kaya Hindi na sila natuloy kc alam nila nga ang ugali Ng Lola ka na Hindi maganda, kc kahit harapin pa nila Ng maayos ang Lola ko mapapa hiya lang sila at Ako naman ang nahihiya para lang sa kanila😣🥲. lahat yang mga karanasan na yan dala dala ko paren at Hindi ko talagang magawa na makalimutan sa Buhay ko kc lahat Ng mga yan sa dame Ng pananakit na naranasan ko sa kamay Ng Lola ko Hindi ko talagang magawa na kalimutan😣 naka tatak na talaga sa isip ko🥲
Please log in to comment.