Kalam Kalam
K
Kimberly Gulay
2 months ago

Uhaw sa pagmamahal ng mga magulang๐Ÿฅบ

Apat na taong gulang lang ako noong mamatay ang aming ina, labin-tatlo kaming magkakapatid pero namatay yong isa kasama ng aming ina. Simula nuon ang aming ama nalang ang aming kasama hanggang makalipas ang ilang buwan di narin kami inuwian ng aming Ama, di namin alam kung ano ang dahilan kaya ang nakatatandang kapatid namin nag desisyon na ipamigay kami sa mga tiyahin namin or sa ibang tao para lang mabuhay. Sobrang nakakalungkot dahil sa dami naming magkapatid eh kailangan naming mag hiwa-hiwalay para lang mabuhay at magkaroon ng panibagong pamilya. At ako naman ay palipat lipat ng matitirhan hanggang sa nagkaroon ako ng isip na mag Working student nalang para lng makatapos, ang dami kong napagdaanan sa buhay bata palang ako pero parang pasan kona ang daigig, naranasan kong mangalakal, mag tinda ng gulay sa paaralan, maglabandera, at ang pinaka masakit at mahirap na sitwasyon na naranasan ko ang ma bugbug at magahasa ako akala ko hanggang doon nalang ako๐Ÿ˜ญ akala ko di na ako makakapagpatuloy sa buhay๐Ÿฅบ,,, pero lumaban ako dahil alam ko na andyan lang parati ang Diyos sa tabi ko di man nabigyan ng hustisya yong nangyari sakin ipinapasa Diyos ko nalang ang lahat. Makalipas ang ilang taon nagpakita samin ang aming Ama may dalang bagong asawa malalaki na kami bago sya bumalik pero wala na sira na lahat, pero alam niyo anong ginawa namin Pinatawad parin namin siya kumbaga parang wala lang nangyari. Ni minsan sa buhay namin di kami nagtanim ng sama ng loob dahil alam namin na Ama parin namin siya. Pangarap rin namin nuon na sana magkita-kita na kaming magkakapatid kumbaga reunion. Binigay ng Diyos samin yun na makapag reunion kami 1st time ulit na makikita namin malalaki na mga kapatid namin sobrang excited pero sobrang napakalungkot dahil yong hiling namin nangyari nga pero pinaglalamayan na yong pinaka- nakatatandang kapatid namin. Plano yun lahat ng Diyos kailangan may mawala muna para magkitakita na kaming mag kakapatid.,masaya na malungkot๐Ÿฅบ pero yun ang way ni Lord kaya tanggap nalang din namin, nakatadhana eh. Ngayon may mga pamilya na ang iilan samin may mga anak narin, laking pasasalamat parin sa Diyos dahil lumaki kaming magkakapatid na may respeto at pagmamahal sa isat isa kahit di kami sabay2 na lumaki. hanggang dito nalang...

Please log in to comment.

More Stories You May Like