Kalam Kalam
d
Dang
1 month ago

Ang Buhay Araw-Araw

Minsan, ang buhay hindi natin maintindihan, may mga taong pinagpala, meron din naman ang tinamaan ng kamalasan, madalas kung tayo'y nakakagawa ng mali o tama maaaring sasabihin nalang natin ang mga katagang "That is Life", madalas iniisip natin ang future natin, ano kaya ang magiging buhay natin pagkalipas ng maraming taon, Hello everyone, ako si dang, 22 taon ng nabubuhay sa mundong to, hindi ako kagandahan , at hindi imposibleng marami kayong masasabi sakin kung ako'y nakita niyo sa personal. hilig ko ang pagkanta ngunit ang musika ay ayaw sakin, kasulukuyan akong nag aaral, and guest what, sobrang hirap para sakin dahil sa sobrang dami ng mga bayarin sa kolehiyo. Ako'y panganay sa tatlong magkakapatid, walang boyfriend at walang balak muna hanggat hindi pa ako nakakapagtapos sa kolehiyo at wala pang napapatunayan sa buhay. Ako'y nakatira sa simpleng baryo lamang, baryo kung saan hindi ko alam kung kabilang ba ako roon o hindi, sa lugar na maraming bulong bulungan ng kung ano ano, lugar na kapag tamad ka hindi ka mabubuhay at kapag masipag ka araw araw kang may pera. Bata pa lamang ako nung nag simulang umalis si mama upang makipagsapalaran sa ibang bansa, ngunit ang desisyon na yun ay sobra kong dinamdam hanggang ngayon, ayoko ng umaalis, ayoko ng naiiwannat ayoko rin ng desisyon na hindi kami kinukumpirma. Mahirap maiwan lalo't may nakakabata ka pang kapatid sa loob ng tahanan at kayo kayo lang, Mahirap mamuhay ng wala ang mga magulang. Mahirap mag adjust, halos gabi gabi ka umiiyak at halos araw araw na sumasama ang loob mo sa mga magulang mong iniwan ka. Sobrang nahirapan ako noon, hanggang nagtanim nako ng sama ng loob sa mama ko, mula umalis siya, ilang birthday ko never ko pa nakasama hanggang ngayon, Sa mga importanteng gawain at event sa skwela wala siya, si papa lagi ang kasama ko. Si papa ay araw araw lasing, kapag yan may kinasakit na loob sigurado akong pagkalasing niyan sisingilin ka niyan at aabutin ay away. Mula elementary hanggang Highschool achiever ako, lahat ginagawa ko at pinapatunayan na kaya ko, hindi ako umaasa sa kanila kaya't sa murang edad natuto ako magbanat ng buto, nag benta, nag trabaho sa mga kaya kong trabaho sa amin at naging working student. Grade 10 moving up ko, hindi parin nag attend ang mama ko, Sobrang sama ng loob k okasi feeling ko pinagpapalit niya LAHAT sa pera, wala kasi hanap buhay ang papa ko tapos malakas pa mag bisyo , kaya natural hindi nagkakasya ang pinapadala niya, minsan sa bukid at ilog lang ang hanap buhay niya at hindi pa kasya sa isang araw ang kinikita niya. Tuwing wala kaming pasok, lagi ako dun sa bahay ng mga lolo't lola ko upang tumulong at maghanap buhay para sa mga gamit ko, kasi sa taas ng pride ko nahihiya akong humingi ng panload ko at pambili ng mga gusto kong bilhin. Naranasan ko ang mga sakit at hinanakit sa buhay kasama na ang mga panlalait sa pisikal kong anyo. Naranasan ko ang pagbagsak ng mga kamay ng sarili ko magulang sa pisngi ko at katawan hanggang dumugo ito sa hindi ko malamang kadahilanan. Pandemic, at kasalukuyan akong nasa senior High school na, dito ako mas nahirapan, sa pag aaral at the same time trabaho, tuwing umaga ginagawa ko ang mga modules ko nanbinibigay samin ng mga guro ko, pag hapon inihahanda ko ang sarili ko para sumabak at pumalaot sa ilog kasama ang tita at tito ko, at doon kami ay nanghuhuli ng ibat ibang isda, crabs at pasayan, masaya ako kapag marami kaming nahuhuli dahil mas maraming huli mas marami din ang pera maibibigay sakin. Puyat at pagod lang ang kalaban ko nga mga araw at gabing nagtatrabaho ako at gumagawa ng module, minsan pag sobrang pagod ako, Hindi ko na nagagawa ang mga modules ko dahil antok na antok nako at pag sapit ng biyernes, doon ako nagmamadali gawin lahat upang maipasa. Napabayaan ko ang pag aaral ko kaya nung graduate ako, hindi na ako nag ka roon ng Honor. Nagtapos ang batch namin ng virtual graduation, after graduation, tumutok ako sa mga trabaho sa bukid, Nypa at sa ilog, hanggang enrollment na ng kolehiyo, Nag enrol ako sa CSU ng BScriminology ngunit sa kasamaang palad nahuli ako at naubusan ng slot kaya nag second choice ako ng BSAIS at doon ako ay natanggal, sa 1st Year college , online class ang ginawa namin, at naging mas sinubok ako ng panahon at buhay ko dahil mahirap ang signal sa amin at hindi rin stable , wala kaming wifi at data lang ang ginagamit. ngunit sa likod ng maraming pagsubok at iyan ko sa Unang baitang sa kolehiyo nairaos ko ito hanggang nag face-to-face na. Nag hanap ako ng boarding malapit sa school. At sa pag pasok ko sa Unang pinto Kaba at Takot ang naramdaman ko dahil kahit isa sa mga kaklase ko ay hindi ko kilala, at maaring pagtatawanan nila ako sa pisikal na anyo ko. Then hindi ako nagkamali, puro tawa ang natanggap ko sa kanila ngunit nilabanan ko yun at hindi ako nagpatuloy, mag isa ko hinarap ang hamon ng buhay, hanggang ngayon ako ay magtatapos na , hirap parin akong makakuha ng buwelo kung paano ko ilalaban ang huhay kong ito, nahihiya ako at natatakot ngunit para sa aking kinabukasan lalabanan ko ito, at patunayan sa lahat na " Kaya ko , lalaban ako at hindi ako magpapatalo". Marami parin kaming bayarin hanggang ngayon at patuloy parin ako sa buhay ko sa likod ng tawa at kutya sa akin.

Please log in to comment.

More Stories You May Like