Magandang Araw po sa inyo itago niyo nalang po ako sa pangalang Samantha, gusto ko lang po ibahagi sa inyo ang aking buhay may-asawa. Habang tumatagal sa totoo lang po ay nawawalan na ako ng gana kay mister, yung dating sweetness namin ay wala na. May Isa po kaming anak mahal na mahal ko siya at lahat ng Oras at pagmamahal ay ibinibigay ko sa kanya dahil siya nalang ang aking lakas at inspirasyon sa Buhay. Ang aking mister ay hindi na mapigilan sa kanyang bisyo sa Alak, oo masipag sa work pero walang time para sa pamilya mas gusto kasama ang barkada. Sa sahod naman hindi niya sa akin nireremit siya mismo ang nagbibigay kung magkano gusto niyang ibigay. Diba sa mag-asawa dapat sa babae binibigay ang sahod? Simula naging mag-asawa kami ganun ang set up sa sahod niya hindi nalang ako kumikibo. Ayoko po ng broken family kaya hanggat maaari ay buo pa rin kami para sa aming anak 🥰 Hanggang dito na lamang po lubos na gumagalang Samantha. MORAL LESSON: isipin din ang sarili at kapakanan ng anak, dahil habang lumalaki ang bata nakikita niya ang ama na mas priority ang barkada kesa pamilya niya, huwag magtiis kung nagsasawa na, hindi lang siya ang lalaki sa Mundo, mag focus ka nalang Samantha kasama ang iyong anak. Pahalagaan ang sarili.
Please log in to comment.