Mahalagang Paalala: Ang istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Anumang mga pangalan o tauhan, negosyo o lugar, kaganapan o insidente ay pawang kathang-isip lamang at produkto ng mapaglarong imahinasyon ng may akda. Ang anumang pagkakahawig sa mga aktuwal na tao, buhay o patay, o aktuwal na mga kaganapan ay nagkataon lamang. No part of this book may be reproduced of transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocoying, recording, or by any information storage and retrieval system without the permission of the author, except where permitted by law. This book is work of fiction. Any similarities to real people, living or dead, is purely coincidental. All characters and events in this work are figments of the author's imagination. ALL RIGHTS RESERVED 2023 COPYRIGHT BY: mysteriousembrace123 Plagiarism is a crime! Note: Please expect typos or errors in this story and also read at your own risk thank you soo much and happy reading! Ang kwento pang ito ay nagmula pa sa ibang planeta at asahan niyo ang bawat tauhan ng Flash-fiction story na to ay mga kakaibang nilalang na galing pa sa kalawakan. Hello sa mga taong namumuhay sa Planetang Gaia o Terra Mater. Ako nga pala ay isang Alien na kung tawaging ninyo sa inyong mundo ang pangalan ko ay Mappy. Isa po akong alien na kulay rosas na may parang antenna ang tenga, paborito kong kainin ay mga berries at apples na kulay pink din ang kulay. At isa pa pala ay malaki na ako ngayon sa tantiya ko nasa tatlong pulgada ang taas ko. Pag-ibig? Crush? Relationship? Ang tatlong mga bagay na yan ay lubhang pinagbabawal dito samin. Totoo ang sinasabi ko paano ba naman kasi walang pagmamahal at pakialam sa amin ang haring namumuno sa planeta namin. At bago ko malimutan, ang pangalan ng planeta natin dito ay Planetang Gambiald. Kapag dito kayo manirahan sa planetang ito tiyak ang mga nararamdaman ninyong pag-ibig sa mga puso niyo ay kailangan ninyong kalimutan at pigilan kasi isa lamang ang pinaniniwalaan ng mangilan-ngilan dito yun ang kasabihang Live independently, Live freely. Walang pakialaman ng buhay. Lahat kanya-kanya. Pero alam niyo may kakaiba akong naramdaman sa aking puso. Sa tingin ko ay, nagkakagusto na ako sa kung sino man ngunit di ko alam kung paano ako makakaamin lalo pa't sa sitwasyong ganito na pinagbabawal ang magkagusto at ang magmahal. Buti na lang may maganda akong naisip na gawin. "Magandang umaga sa inyong lahat!" magiliw ko pang bati sa mga nagdaraang kapwa ko mga alien Yun nga lang walang nino man ang sumagot sakin sapagkat gaya ng aking sinabi kanina kanya-kanya kami dito sa aming planeta. Hay naku naman bakit ba kasi dito pa ako ipinanganak sana andoon na lang ako sa Planetang Gaia o Terra Mater. Naiinis na talaga ako wala man lang ako makausap dito. Kahit nga mga kaibigan wala ako rito eh at pati na din pamilya sana balang araw ay makaalis din ako dito dahil mas gugustuhin ko pang lisanin ang planetang ito kesa ang manatili ng matagal dito. "Dumating na ang ating Bayani!" malakas pang hiyawan ng mga kumpol ng alien dito sa amin doon sa may unahan dahil sa pagdating daw ng bayaning itinuturing nila At ako naman itong curious na curious kung ano nga ba ang dahilan ng pagsamasama nila sa iisang lugar. Ano nga kaya hmmm? "Maraming salamat sayo, Super Poker!" taos-puso pang pasasalamat ng isang alien na matanda sa bayaning sinisigaw nila "Walang anuman yun Lola!" sagot pa ng bayaning si Super Poker sa matandang alien Ngayon na nakaharap ko na ang bayaning kanilang isinisigaw kanina ngunit parang may isang bagay lang akong napansin sa nilalang na ito. Sa aking palagay, kilanglang-kilala ko na siya kahit nakatakip pa ang mga mata nito. "Sandali lang, kailangan ko matiyak na tama nga ang hinala ko diyan sa Super Poker na yan." wika ko pa sa sarili sabay sinubokang lapitan ang bayaning kanilang ituring "Sandali lang naman! Hoy! Hoy! Hoy!" sigaw ko pa kay Super Poker habang tumatakbong hinahabol ito "Sino naman kaya itong sumusunod sakin na parang buntot?" tanong pa ni Super Poker sa sarili sabay palinga-linga sa paligid para hanapin ako Ako naman itong parang ewan pinagtataguan pa siya kasi naman baka pag nahuli niya ako ay hindi ko na malaman kung tama ba ang duda ko rito na kilala ko na siya. Sa tingin ko talaga siya at yung kilala ko ding Poker ay iisa lang? "Lumabas ka na diyan, alam kong nagtatago ka lang sa likod niyang poste ano na. Lalabas ka ba o hindi?" galit pa niyang wika sakin "Ayy!" tanging nasabi ko lamang sa kaniya sabay lumabas na mula sa pinagtataguan ko pang poste ng kalsada "Anong kailangan mo sakin ha?" tanong pa ni Super Poker sakin na kitang-kita sa itsura nito ang pagkairita sakin "Alam mo Super Poker, may gusto lang ako kumpirmahin sayo." sagot ko pa sa kaniya ng buong tapat at walang pagdadalawang-isip "Ano naman yun ha?" naiirita pang tanong nito sakin "Bakit fans ba kita? Papaautograph ka? Kung yan lang naman pala edi sana kanina mo pa ako sinabihan." may pagkamayabang pa niyang wika sakin ang lakas din talaga ng kumpiyansa niya sa kaniyang sarili Kahit na nakakainis na siya bakit hindi ko magawang magalit dito? Hindi kaya gusto ko siya? Marahil, ganun na nga pero isa lang ang paraan para kumpirmahin dapat tanungin ko siya ng magic word na pinagbabawal pa rito sa planeta namin malay ko di ba bigyan niya pa ng kasagutan. "Hindi yun ang dahilan" tipid ko pang sagot kay Super Poker "Ano nga sagutin mo na ayaw ko yung maraming paligoy-ligoy pa ano na? Bilisan mo may mahalaga pa akong pupuntahan mamaya." may pag-aatubili pang wika ni Poker face "Sino ang crush mo?" mabilis ko pang tanong kay Super Poker "Alam mo, hindi ko yan sasagutin hangga't di mo naitatanong sa ibang kalahi natin ang ganiyang katanungan at pati na din ang malaman ang mga kasagutan nila para sa tanong na iyan." ani Super Poker "Ano bang gusto mong gawin ko?" seryoso ko pang tanong kay Super Poker sabay sinubokang lapitan ito at tinangkang tanggalin ang maskarang nakatakip sa buong mukha nito pero mabilis din niyang hinila at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko "Isa lang dapat , maitanong mo ang tanong na yan sa iba pang namumuhay dito sa atin at dapat maibigay mo rin sakin ang mga sagot nila. saka na ako magbibigay ng kasagutan ko pagkatapos mo nang gawin ang hamon ko." sabi pa ni Super Poker sakin sabay binitawan ang kamay ko at inayos ang maskarang nakatakip sa mukha nito "Medyo mahirap yang pinapagawa mo pero sige kakayanin ko parin basta ipakilala mo sakin kung sino ka talaga. Pag di ka tumupad sa usapan lagot ka talaga sakin!" pagbabanta ko pa sa kaniya "Kapag may sinabi ako, paniguradong tutuparin ko yun." buong tapang pa niyang wika sakin sabay lumipad palayo "Basta mag-iingat ka ha, at ako naman pag natapos ko na ang hamon ko. Ikaw naman ang magbibigay ng iyong sagot ha!" pahabol ko pang wika rito habang lumilipad na ito sa itaas ng himpapawid At hindi ko na nga siya, nabigo dahil ang hamon mang yun ay medyo naging mahirap sakin nung una pero kalauna'y naging sobrang madali na lang dahil buti na lang may mga alien akong nadala sa mga pa trick2 ko sa kanila para mabigyan nila ako ng sagot na matino. "Sino ang crush mo, bigyan mo ako ng sagot di bale tayo-tayo lang naman may alam nito." sabi ko pa sa isang alien na napakamaliit pa sakin na babae "Sigurado po ba kayo?" paninigurado pang tanong ng maliit na babaeng alien na nagngangalan pang Azier sakin "Oo nga, tulongan mo na ako kasi gusto ko na sagutin na ako ng gustong-gusto ko." sagot ko pa kay Azier na may pagkakulot pa ang tenga nitong may antenna "Sige, Ang gusto kong nilalang dito sa planeta natin ay anak ng Gobernador." nakangiti pang sagot ni Azier sakin sa mahina pa nitong boses "Maraming salamat po sa kooperasyon!" masaya ko pang wika sa kaniya matapos itong kinausap "Teka lang huling-huli na to. Bakit mo ba siya gusto ha?" dagdag ko pang tanong kay Azier bago ito iwan at maghanap ng ibang mapagtatanungan "Tinatanong pa ba yan ang astig lang kasi niya at ang lakas pa" nangingiti pang wika ni Azier sabay kumaway bilang pamamaalam sakin Akala ko ay magtuloy-tuloy na ang pinakahinihintay ko pang pagkakataon na matanong siya ng Sino ang crush mo? kaso mauudlot ito dahil sa isang surpresang bumulaga sakin. "Dakpin niyo na ang alien na yan!" malakas pang utos ni Poker Face sa mga kawal at kaagad naman akong hinuli ng mga ito "Paano mo ito nagawa sakin?" halos mangiyak-ngiyak ko pang tanong rito habang hinahawakan ako ng mahigpit ng mga kawal na ikinadena na nila ako "Huwag na huwag mong aasahan na tatlikdan ko ang planetang ito, para sayo kasi hindi." seryoso pang wika ni Super Poker sakin "Bakit pakiramdam ko ay nagsisinungaling ka lang sakin?" tanong ko pa kay Super Poker bago ako tuluyang kinuyog ng mga kawal para ipatapon sa ibang planeta "Ngayon pa lang magpaalam ka na, sa minamahal mong planeta Mappy." sigaw pa niya sakin habang palayo ako nang palayo sa kaniya "Hindi! Hindi! Hindi!" sigaw ko pa na may halong iyak sabay nagpupumiglas pa ako sa mga kawal at sinusubokan pang tumakas "Wag kang mag-aalala Mappy, itatakas na kita sa planetang ito." wika pa noon sakin ni Poker Face nung ito'y akin pang kasama Saan na kaya siya ngayon? Sana naman ay tuparin niya ang pangako niyang yun sakin! Dahil nga, sa kakaiyak ko ay di ko na namalayan na may dadating pala upang ako'y sagipin sa hinaharap. Wala talaga akong ideya sino ang misteryosong bayani ko? At ang posibleng dahilan nito kung bakit kailangan pa niya akong tulongan na makatakas sa masikip pang piitan na ito? Hindi ko na maintindihan kung ano nga ba dapat kung maramdaman magiging masaya ba o malulungkot ako o ano? "Psst! Psst! Psst! Gising ka na diyan Mappy! Mappy! Gising! Hoy! Bilisan mo na!" pabulong pang sigaw ng isang pamilyar na boses sakin sabay sundot sa balikat ko para magising ako "Bakit ba? Sino ba kasi yan? " wika ko pa nung ako'y magising mula sa panggigising pa ng pamilyar na boses sakin na parang si Poker Face na gustong-gusto ko matagal na "Ako to si Poker face, kaibigan mo." sagot pa niya sakin sabay sinusubokang buksan ang pintuan ng piitan "Buti naman ay nagbalik ka!" masaya ko pang sabi matapos akong makawala mula sapagkakakulong sa piitan at sabay niyakap ng mahigpit ang matagal ko nang kaibigan na lihim kong gusto "Ako rin naman ay masaya na makita ka!" nakangiti rin niyang wika sakin habang yakap-yakap pa din ako "Ano naman iyun ha?" sagot pa ni Poker face sakin na para bang kinakabahan din ang boses nito "Umamin ka na ikaw ba at si Super Poker ay iisa?" pagkukumpirma ko pa sa kaniya "Ang totoo niyan ay hindi iisa dahil ang totoo gawa-gawa ko lang siya" pag-amin pa niya sakin "Anong ibig sabihin ng sinasabi mo. gulong-gulo na ako eh?" tugon ko pa sa kaniya na puno ng kalitohan sa sarili "Kaya nga may Super Poker dahil sayo. Alam mo ba kung bakit?" tanong pa niya muli sakin "Ang ibig mo bang sabihin gusto mo din ako?" paniniguro ko pang tanong kay Poker face "Mamaya ko na ibibigay ang sagot ko, dahil kailangan pa nating tumakas mula sa planetang ito." pangatuwiran pa ni Poker face sabay inilipad ako nito palabas sa planeta namin "Salamat sa pagliligtas sakin Poker!" saad ko pa sa kaniya habang lumilipad pa kami sa himpapawid "Mappy hanapin ko muna, ang spaceship ko ha at nang tuloy-tuloy na ang paglipad natin papuntang planet Terra mater." sabi pa ni Poker face sakin sabay ibinaba ako sa may moon para andoon daw ako maghintay sa kaniya Sa katagalan nga, nang aking paghihintay ako nga'y binalikan ni Poker face at sa pagkakataong ito ay may dala na siyang spaceship na sasakyan namin papunta sa Planetang Gaia o Terra Mater. Habang kami ay nasa loob ng spaceship nakasakay ay nagkaroon kami ng chansa na makapag-usap ng maayos sa higit 1000 years na ang nakakalipas na hindi na kami nakapag-usap ng matino. "Ngayon tatanungin kita ulit. Ano nga ba ang turing mo sakin?" panimula ko lang tanong ulit kay Poker face habang hinahawakan at hinahaplos ang mga kamay niya "Ang totoo niyan kanina pa kita gustong sagutin sa tanong mo tungkol sa Sino ang crush ko. Ngayon handa na akong sumagot sa tanong na yun at ang sagot ko ay" sagot pa ni Poker face sakin "Kaso iniisip ko muna ang kaligtasan natin pareho kaya kailangan kong umarteng di kita kilala at sumasang-ayon ako sa gusto ng pamahalaan dito sa ating planeta kahit sa kaloob-looban ko gusto ko na magpakatotoo" dagdag pa ni Poker face "Sino ang crush mo?" tanong ko pang muli kay Poker face sabay tinitigan ito sa mga mata niya "Sasagutin ko na ba yan ngayon?" balik pa niyang tanong sakin "Kinakailangan" wika ko pa habang papalapit nang papalapit ang mga mukha namin "Ang crush ko noon at ngayon ay ikaw. Gustong-gusto kita pasensiya ka na kung ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sabihin sayo." sabi pa ni Poker face sakin na buong paglalambing sabay hinalikan na ako sa labi ko Ngunit sa isang iglap lamang, ay sa ganoon na lang pala matatapos ang aking inaasam pang hangganan ng pag-ibig namin. "Mappy! Mappy! Gising! Gising!" malinaw pang sigaw ni Poker face sakin habang sinusubokan akong gisingin nito Subalit sa kasamaang-palad ay, huli na ang lahat para ako'y mabuhay pa ng posible gayong nakapaglanding na pala kami sa Planetang Gaia o Terra Mater. Dahil para sa isang gaya ko na galing dito sa planetang ito at inilipat sa ibang planeta para doon na mamuhay at muli namang magbabalik sa kung saan ako orihinal na galing ay sobrang napakaliit lang ng chansa na mabubuhay pa ako. "Hindi! Hindi! Hindi! Huwag mo akong iwan Mappy!" malakas pang sigaw ni Poker face sakin habang hawak-hawak parin niya ang katawan ko na wala nang buhay "Bakit ngayon ka pa nawala? Bakit! Bakit!" "Sana hindi ko na lang sinagot ang tanong mo, kung ganito rin naman ang kahihinatnan mo!" "Sana hindi ka na lang ipinanganak para hindi na kita nakilala at nakasama pa!" "Bakit kung sino pa ang nagmamahal ng totoo yun pa ang nasasaktan?" "Sabihin mo sakin ngayon, paano ako mabubuhay gayong ang rason ko na mabuhay ay ikaw. Paano? Paano? Paano?" Kahit anong pilit man natin, kapag nakatadhana ka na talagang mawala ay mawawala ka na lang talaga. Sa totoo niyan wala talaga sa plano ko ang iwan si Poker face o Super Poker eh paano ba yan hindi ko na hawak ang kapalaran ko pagdating sa buhay. Ang pinagpapasalamat ko na lang, na bago ko nilisan tuluyan ang mundong ito ay at least di ba nakuha na ang matagal ko nang sagot na gustong matanggap mula pa sa mismong taong gustong-gusto ko talaga at yun ang malaman at maging malinaw sakin na ako nga ba ang gusto din ng taong gusto ko na si Poker face. O ayan na ha sana ay nagustuhan niyo at may natutunan kayo sa kwento namin ng aking pinakamamahal na potato na si Poker face! Hanggang dito na lang ako, ang inyong lingkod ang alien na itago niyo na lang sa pangalan na Mappy. THE END  Credits to the rightful owner of this picture below☺️
Please log in to comment.