Kalam Kalam
Profile Image
Sandra Balayman
1 month ago

Ang Aking pamilya

Bata pa lang ako namulat na mga mata ko sa hirap. Halos araw-araw nasa labor lang ang tatay ko para magtrabaho at may maiuwing pagkain sa anim na magkakapatid. Ang Aking ina labandera naman para daw kahit papano makatulong sa gastusin. Sapat na samin makakain tatlong beses sa isang araw wala man magarang damit at gamit atleast masayang mamuhay ng tahimik at payapa. pinag aral kaming lahat ng aming mga magulang dahil ayaw nila na maranasan namin ang hirap na dinanas nila kahit sobrang hirap ng pamilya itinaguyod kami ng aming magulang . Sa buhay, hindi talaga maiwasang merong tao na lalaitin ka at sasabihan kang hindi daw ako makakapagtapos sa pag aaral pero pinalipas ko yon at ginawa kong inspiration sa studies ko para makapagtapos ng pag aaral hindi ko sila pinansin halos bruha ang tingin nila samen noon pero di namin dinaramdam at nagpatuloy kami sa pagsusumikap para makaahon sa hirap ng buhay. Maliit lamang ang bahay namin at nagsisiksikan lang kami pero atleast nagkakasundo at masayang pamilya. Maniwala ka naman sa kasabihan na kung may itinanim may aanihin kase ngayon nakapagtapos kami ng pag aaral at magulang naman namin ang inaalagaan namin ngayon dahil matanda na sila dahil sa pagtrabaho noon sahirap ng buhay

Please log in to comment.

More Stories You May Like