mapagpalang Araw po..Ako po si Nanay merly,gusto ko ibahagi Ang kwento Ng aking buhay,, naalala ko pa Ng Ako ay edad 15,lumaki sa isang maralitang pamilya,6 na magkakapatid ,,dahil nga po mahirap Ang buhay,nasubukan ko na po na magbanat Ng Buto para makatulong..sari sharing hanap buhay po na kakayanin ko ..Hanggang humantong sa club Dito ko nakilala ang aking naging kabiyak Ng buhay,..Masaya kahit na di kami nabiyayayaan Ng anak .patuloy na nagmahalan...dumating sa punto na nagkakaroon ng suliranin mga kapatid ko sa kanilang sariling pamilya,mga anak at apo nila ay napariwara,,sa pagmamahal ko po sa aking pamilya halos ako na po lagi ang parang umaako ng responsibilidad,mahirap man po para sa akin dahil wala nmn akong sariling income,kaya minsan naipangungutang ko pa para lang maiabot sa kanila,,pero nalungkot ko ako dahíl hindi pala lahat ng natutulungan ay napapasaya , bagkus parang pinagmulan pa ito ng inggit ng iba kong mahal sa buhay.umiiyak nlang po Ako sa Panginoon at patuloy na dagdarasal para sa mga mahal ko sa buhay,ngayon ko din po na isip na kaya ako di nagkaroon ng anak ay ito pala ang maging papel ko na bigyan ng pagmamahal ang apo at pamangkin ko,kahit Hindi sila nanggaling sa aking sinapupunan ang pagmamahal po sa pamilya ay isang regalo ng Diyos sa atin,ano man po ang ating katayuan,at naging karanasan sa buhay,una Ang Diyos,,pangalawa Ang ating pamilya. ..salamat po
Please log in to comment.