Ako si Irish Parsamento, lumaki ako ng hindi kompleto ang pamilya. Nung bata ako naaiingit ako sa ibang kaklase ko na hinahatid at sinusundo ng magulang. Bakit? dahil ang mama ko ay nagtatrabaho at ang papa ko ay hindi ko nakasama ng mabahang panahon. Alam nyo ba? minsan naisip ko na "ano kayang pakiramdam ng kumpletong pamilya?". Kase nagkakasakit ako minsan lola ko lang yung nandyan, nagkaka top ako sa klase lola ko yung nandyan, may project na family tree lola at lolo ko nandun. May pamilya naman ako pero nasan? Hanggang sa nalaman ko na meron na palang asawa si mama na akala ko nagtatrabaho lang. Naiingiit ako kase hindi ko man lang naranasan na buo ang pamliya ko. Alam nyo ba na nung nag aral ako ng elementry ay nalulungot ako? Kase yung mga kaklase ko may pumuntang mga magulang. Samantalang ako Nasasaktan kase " bakit yung mga kaklase ko buo ang pamilya samantalang ako hindi?". Hanggang sa pinakilala sakin ng mama ko ang papa ko noong 10 years old ako. Nag uusap kami na gusto ko daw bang sumama ako sakanya. Nagdalaga ako, naisip ko na pano kaya pag sumama ako sa papa ko? ano kayang mangyayare? 13 yearsold ako natuto akong uminom, magyosi, at magbisyo. Kase pakiramdam ko may kulang. Napapabarkada ako nagyayaya ng inuman gumu-go ako. Na-feel ko na ako malang mag isa kase medyo malayo ang mama ko at diko alam kung nasan yng papa ko. May time na nagchat ako sa papa ko na" pa? pwede mo ba akong kunin dito?" At di kalaunan sinundo nya ako. akala ko mabubuo nako, akala ko magiging masaya nako. Nung nakarating ako sa lugar ng papa ko, nakikita ko na mas malala pa pala yu g napuntahan ko. Namatay yung pinakamamahal ko na lola/nanay, diko man lang napuntahan kase kasagsagan ng PANDEMIC. One time, naliligo anak ng asawa ni papa. Tapos sumigaw sya, kase may nakita sya nasumisilip saknya. Andun ako nung mga oras nayun, narinig pa nya na may bumamaba sa lupa. Sabi sakin ng anak ng asawa ni papa na "parang papa ko yun". Dun na ako nagsimula na magrebelde na "akala ko magiging maayos yung buhay ko dto sa puder ng papa ko. Nabalik ulit ako sa pagbibisyo 15 ako nun. Halos lagi nalang kaming aaway bakit daw ako ganito. Tapos, tumira naman ako sa nanay ng papa ko(lola ko sa ama). Hindi rin naging madali ang buhay ko dun nung tumira ako sa lola ko. nakailang lipat nako, sa tito ko, sa tita ko lahat na ng kakilala ko. Hanggang sa nakilala ko yung Ama ng mga anak ko. Para sakin hindi rin naging madali ang buhay ko kase, tutol ang pamilya nya sakin. Hanggang sa may nagyare samin at diko inaakalang mabubuntis ako. Nagkaron kami ng anak yung panganay ko. Sabi nga nila sa una lang masaya. Hindi kami naghiwalay ng kinasama ko, ang akin lang hindi sya katulad ng iba na sesryusin yung pagbubuo ng pamilya. At heto, nabuntis nanaman ako. Sabi nga nila pag ang babae ay sumuko na ibig sabihin wala na talaga. Pero hindi ako susuko, ginustoko to e. Maraming nangyare sakin na dapat ko lang sabihin para maintindihan ng lahat kung bakit ako ganito. Nabuntis ako sa pangalawa kong anak. Sabi ko " magababago pa kaya yung asawa ko?". Hindi ako tumigil kase naniniwala ako na magbabago to. Hanggang sa nangyare na nga ang gusto kong mangayare. Nagbago sya, pinakita nya sakin na seryoso sya. Malapit lang ako sa bahay ng papa ko at kamag-anak ko. Pero ni minsan hindi ako nabigyan ng sustento galing sa papa ko. Okay lang, hindi naman na kami pinababayaan ng asawa ko at nakaantabay parin naman mga magulang nya. Kahit papano naman masaya ako kase buo yung pamilyang napasukan ko. Salamat sa napangasawa ko, kase kahit na iba ang ugali ko pinili nya parin kaming mga anak nya. Yun lang po thankyou❤
Please log in to comment.