Kalam Kalam

MY STORIES

Ako nga pala si Reyna joy, pero pwede niyo kung tawaging joy for short. pinanganak ako sa manila lima kaming magkakapatid, ako ang Pina ka bunso sa lahat meron din akong twins name niya princess. Bata palang ako nag hiwalay na mga magulang ko ang ma saklap pa non bago mag hiwalay ang parents ko, ay pinapili kaming mag kakapatid kung san kami sasama, sa Father ba namin or Mother namin. medyo mahirap pumili kasi nga both mahal namin at mga magulang namin sila, nag decision nga mga ate ko pinili nila ang mother ko, pero dahil nga kami ng dalawang kambal maliliit pa syempre sa mother talaga kami, Kasi nga sabi nila kapag ang bata wala pa sa tamang edad, dapat nasa poder yan ng ina. Umuwi kami ng province, nakatira kami sa Lola namin at Lolo medyo mahirap sitwasyon namin, kasi nga bumalik din ang ina namin sa manila para mag trabaho, don na kami lumaki sa province, nag alaga samin ang Lola at Lolo ko, pero Hindi ko gusto ang trato samin ng Lolo at Lola namin kasi lahat ng pera pinapadala ng ina namin, ni kahit piso Wala kaming natanggap. tapos ang kanin pa namin yellow corn, tas ang iniinom pa naming tubig sa bombahan lang (poso) tapos umuwi Yung mother ko may kasamang lalaki, mabait namn siya tinuring niya din kaming anak. mga ilang araw nag ka gipit nga kami dahil wla kaming pera, tapos umuutang nalang kami sa lola namin kasi may tindahan din sila kaso yung lolo namin na gagalit but daw kami utang ng utang, Ang sabi pa niya pag hindi niyo nabayaran yung utang niyo pupugutan ko kayo ng ulo, yung lola naman namin walang ginawa kasi nga may favoritism sila na apo, sa kapatid ng mother ko, kaya nag decision siya ang ate ko na mag trabaho, at tumigil sya sa pag aaral dahil mas pinili niya makatulong sa parents ko, para lang mabayaran utang namin, habang yung mother ko naman gumawa ng paraan kung ano anong trabaho pinasok namin, halos nasa dagat na kami nakatira para lang maka kuha ng ibebenta at may pangkain Araw Araw, Hanggang sa nag gawa kami ng bahay sa likod ng bakuran ng bahay ng lolo at lola namin, kahit hindi pa ayos ang bahay ay lumipat na kami, para naman maka iwas sa gulo hanggang sa nabayaran ng ate ko Yung utang namin, at hindi namin alam kung anong mga trabaho pinasok ng ate ko para mabayaran lang utang namin at mabigay pangangailangan namin hanggang sa naka graduate yung isang ate ko ang pinaka matanda samin, dahil ayaw niya talaga huminto sa pag aaral kaya yung pangalawaw kung ganhan kapatid ang huminto. at Hanggang sa naka ahon na kami sa Buhay.

Please log in to comment.

More Stories You May Like