Isa akong batang lumaki sa hirap, kapiling Ang aking mga magulang at kapatid,, Ang aming pamilya ay nakatira lamang sa isang maliit na tahanan sa Isla Ng Camiguin Norte, Philippines. anim Po kaming magkakapatid, Ako Ang panganay at dalawa kaming nag- aaral sa mainland, Ako at Ang bababeng kapatid ko, second year college na kami pareho. Yung isang kapatid Namin NASA junior highschool pa lang sila at may isa kaming kapatid na di nag-aaral. isang lalaki at katuwang Ng nanay para sa aming pag aaral na mag-kakapatid. Nakaka-lungkot isipin, pero Wala na kaming tatay. kamakailan lang, kasa-kasama pa namin siya pero sa Hindi inaasahang pagkakataon at pangyayari, nawala Namin Ang mapagmahal at mapag- aruga naming ama.. Isa siyang mangingisda.. at sa araw na iyon siya ay pumalaot kasama Ang kapatid ko pero magkaiba sila Ng sinakyang Bangka. Gabi pa lamang, Nakita na Ng kapatid ko na umiikot Ang Bangka Ng tatay,, pero di Niya ito nilapitan sa pagkakaalam na may nahuli siyang malaking isda. kaya lumayo Muna siya para Hindi maging mailap Ang isdang inakalang nahuli Niya. Hanggang sa magliwanag na,, hinanap na Niya Ang tatay pero Hindi na Niya makita ito, Hanggang sa may nakitang Bangka na umiikot malayo na sa pamingwitan,, agarang nilapitan Niya ito at Nalaman niyang iyon pala Ang Bangka Ng tatay, pero Wala na itong tao.. nag -iiyak na siya sa mga Oras na iyon at naghahanap.. tinawag din Niya Ang mga kasamahang mangingisda upang tumulong sa paghahanap sa nawawala Naming tatay..sa mga araw na iyon,, Wala kaming kaalam alam dahil NASA mainland kami na nag aaral. at kasalukuyang nagsusulit kami para sa finals sa first semester. bandang alas dyes sa mismonh araw Ng pagkawala Ng tatay,, may tumawag sa akin at ibinalita Ang mga nangyayari sa bahay.. NASA paaralan Ako sa mga Oras na iyon.. puro iyak nalang Ako,, naiuwi nila Ang Bangka pero BIGO Silang mahanap Ang aming ama. kaya kahit nagsusulit kami Ng mga Oras na iyon, nag excuse Ako para makauwi sa Amin at masamahan Ang aming pamilya sa paghahanap,, bilang isang panganay, kailangan Kong magsakripisyo sa pag aaral para sa aming pamilya.. kaya pinayagan akong umuwi,, mahigit anim na Oras Ang biyahe ko bago Ako makarating sa Isla.. pagdating ko dun,, di nila alam na uuwi Ako,, nadatnan ko Silang nag uuyakan,, mga kapatid Ng tatay, kapatid ko at mismonh nanay Namin.. doon ko naramdaman Ang pinakamasalimuot na pangyayari sa aking Buhay. iyak kami Ng iyak noong mga gabing iyon.. kinabukasan, nagpatuloy kami sa paghahanap,, nagpayulong din kami sa mga coastguard at sa mayor Namin,, nagpadala sila Ng rescuer ( isang chopper at dalwang aluminum boat) upang tumulong sa paghahanap sa aming nawawalang ama.. pero pagkaraan Ng limang araw na paghahanap,, kami ay nabigo,, Wala kami Nakita kahit isang palatandaan man lang,kahit Ang sumbrero Niya Wala kaming Nakita.. kaya tinigil na Namin Ang paghahanap, noong dumating Ang araw na babalik na Ako sa siyudad upang mag aral,, parang diko makauang Iwan Ang aming pamilya,, pero kailangan.. pero kahit na malayo Ako,, nakakauwi pa rin Ako para matulungan Ang nanay at magawa Ang mga bagay na naiwan sa Amin Ng aming mapagmahal na ama.. Hanggang Ngayon,, di parin kami nawawalan Ng pag asa na isang araw makita Namin siya at makasama.. Hanggang Dito na lamang Ang aking kwento, .araminh salamat..
Please log in to comment.