Year 2021 September ako qy nqgpost sa aking social media ng aking litrato nagulat ako ng biglang nagcomment ang isang friends ko sa facebook ito qy aking kaklase noong elementary ..ako ay kasalukuyang naghahanap nuon ng trabaho..at duon na nga nag umpisa ang aming pagpapalitan ng messages. Simula nuon nagkahuluguhan na kami ng loob at patuloy ang aming pagchachat at tawagan.hanggang sa nagtagal kami ..nagpaalam sya na kung pwede sya umakyat ng ligaw sa amin at pinagpaalam ko naman sya sa aking mga magulang at kasalukuyan na din akong nagtatrabaho nun ..Sinundo nya ako kinagabihan sa aking trabaho at hinatid nya ako sa amin ..at duon ay nakilala sya ng aking mga magulang ..Simula nuon ay sinusundo nya na ako palagi at isang araw ay pumunta kami sa kanilang bahay at pinakita nya ang kanilang tahanan ngunit kami ay sumaglit lamang ..November 19 inaya nya ako sa kanila dqhil kaarawan daw ng kanyang tita at duon pinakilala nya ako sa kanyang mga pinsan mababait naman silang lahat sa akin.. November 30 kaarawan ko naman ay nagpunta ako sa kanila pagkatapos ko sa trabaho kami ay nagpunta sa kwarto nya at duon kaming dalawa ..Dahil lagi nyang tinatanong kung kelan ko sya sasagutin kayat sa araw ng aking kaarawan iniregalo ko sa sarili ko ay magkaroon ng boyfriend kayat sinagot ko sya ..Tuwang tuwa sya dqhil sya ay sinagot ko na.Alam nyo po napakagaan din ng loob ko sa kanya dahil kilala ko naman na sya at sya ay gentleman na lalaki at iyun ang nagustuhan ko sa kanya Nung kami ay nagtagal na dumating ang isang araw dahil lagi akong nagpupunta sa kanila .March 3 kaarawan nya sinundo nya ako sa amin upang magpunta sa kanila ...pagdating namin nandun ang mga barkada nya at nag iinuman ..pqgkatapos niyon ay nagpunta na kami sa kwarto nya at nag uusap hanggang sa nagpapahatid na ako ngunit ayaw nya ako pauwiin di na raw nya kaya magdrive kayat kami ay nakatulog alas 2 na nagising ako tumatawag ang aking kuya tinatanong ako ng aking tatay kung bakit ako ay di pa umuuwe.Dali dali akong pinahatid sa kanyang papa kasama si mama ...At duon pag uwe ko ay galit na galit ang aking tatay sa akin. Kinaumagahan ay ayaw na akong payagan magpunta sa kanila ..sa sama ng loob ko kinausap ko ang aking boyfriend na kuhanin na ko sa mga magulang ko ..isang araw sabi ko kausapin naming dalawa qng nanay at tatay ngunit di kami nagkaintindihan ..gumayak sya at sinundo ako bigla syang namanhikan at nag away pa kami nun dahil nga di kami nagkaintindihan dalawa ..kayat dali dali kong tinawagan anv aking kapatid na mamamnhikan na ang boyfriend ko.Nagpunta na kami sa amin at may dala silang pagkain una inisip ko din paano na ang nanay at tatay ko wala nang tutulong sa kanila ngunit nandun na yun eh ....pagkatapos ng pamamanhikan ay isinama na ako nila sa kanilang bahay at duon na ako natulog. Biglang magiging mag asawa ay hatid sundo na nya ako sa trabaho sabay kaming pumapasok sa trabaho.Sya ay isang mason ..may mga araw na di kami nagkakaintindihan kayat kami ay nag aaway .akala ko kapag naging mag asawa kayo ay puro kilig lang meron din palang di pagkakaintindihan..April 5 ay natapos na ang kontrata ko sa aking trabaho at kasalukuyang na sa stay in na sya ...Sya umuuwi tuwing sabado ng hapon isang linggo ang kanyang stayin doon.April 28 nalaman ko buntis ako kayat di ko alam kung ano magiging reaksyon ko natutuw na naiiyak sa sobrang saya dahin may blessing na dumating sa amin.Pag uwe nya sinabi ko ito sa kanya at niyakap nya ako ng mahigpit. Kasalukuyan naman nun nag aayus narin kami para sa aming kasal umaattend kami ng mga seminar...Nakahanap na kami ng date at ang available ay July 19 2022 kami ikinaal.Marami ding bisita ang dumalo mga klasmeyt namin noon nung elementary ninong at ninang at mga kamag anak namin .January 18 2023 isinilang ko ang aking anak na babae limqng araw kami sa ospital ..pagdating namin sa bahay ay tuwang tuwang ang knyang mga lola at lolo. Di nagtagal ang aming pagsasama ay lagi nalang puro away..Madaming puyat at pagod ang aking nararamdaman dahil sa pag aalaga sa aking anak..hindi man lang nya akong matulungan ..Puro aya barkada at inom ang inaatupag kayat pagi akong nagagalit sa kanya ..dumating ang araw na di ko na kinaya ang stress na gusto ko nang umalis sa kanya pero paano kami mahal ko naman sya pero bakit ganun...kayat nanatili parin ako kahit na palaging ganun ang nararamdaman ko hanggang ngayun ganun pa din ang gingawa nya ..iba talaga kapag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat para lang sa kanya kakayanin mo lahat at magsasakripisyo ka para sa pamilya at sa anak mo.
Please log in to comment.