Kalam Kalam
A
Ayannalesha
4 months ago

WALANG SUSUKO

Ako si Yanna , maliit palang ako naghihiwalay na mga magulang ko, walo kaming magkakapatid at musmos palamang ang aking bunso nuon, siyay anim na sanggol palamang at iniwan na kami ng aming ina gawa ng pag aaway nila ni papa.Si papa namin nuon ay stroke ang kaliwang kamay, hindi na gumagalaw hanggang nngayon ay hindi na ito nagamot dahil sa walang wala kami. Sobrang tindi ng pinagdaanan namin nuon dahil nga bata palang kami ay nawalan na kami ng ina at di pa makapagtrabaho ang aking ama, yong panganay namin na kuya ko ay nag aaral bilang scholarship gr.9 student pero hindi napagpatuloy dahil mas gusto niyang magtrabaho para saming magkakaptid para may maikain kami, yong ate konaman na kasunod niya na isang scholarship din gr.8 student ay pumunta ng cebu para magtrabaho. Mahirap mang gawin pero kailangan para sa aming magkakapatid , para mabuhay kami , sa isang linggoo ay tatlo lang ang kain naman minsan walang haponan . Tatlo kaming nag aaral nuon , ako , yong kuya kong kasunod ko lang at yong bunsong kapatid namin, at ang dalawang ate namin napipilitan ng magtrabaho pati yong limang kuya namin, ang masakit pa duon kay sobrang tagal nilang natanggap sa trabaho dahil nga underage sila , kaya minsan sa isang buwan ay minsan lang kami makakain ng kanin, kadalasan na kinakain namin ay Karlang, Camote ,Balanghoy (di ko alam sa tagalog niyan) tapos mangungutang lang kami. ng tuyo para ulam namin. Minsan narin akong nahilo sa school dahil nga wala akong kain gabi at umaga, makakain lang ako sa school kasi my feeding kami. May sarili kaming sikap kaming magkakapatid para makakain lang, nasa barkada kumakain or sa mga relatives, yong bunso ko naman ay sumasama lagy sa papa ko na magpataya para makakain din kung sakaling may bibigay. Nakaranas na din kaming walang kain sa isang araw o dalawang araw , may bibigay nga samin pero may dalang tsismis naman, may tutulong nga pero inaapi naman kami patalikod , samantalang nong meron pa kami ay sila mama ang tutulong sakanila. Pero ok lang samin nuon at hindi namin ikinagalit yon . Yong mga kuya ko nagtatanim ng mga camote para pangkain namin araw2 dahil nga wala kaming bigas, malalim ang piinagdaanan namin at masakit na masakit kung iisipin namin uli pero ngayon andito kami naging ok na ang buhay namin , hindi pa naman kami mayaman pero atleast nakakain na kami ng tatlong beses sa isang araw. Sobrang saya naming nagkakaptid dahil sa lahat ng pinagdaanan namin ay nag iisa parin kami, nasa isang bahay parin kaming lima at yong dalawang ate ko ay may sarili ng pamilya sa cebu at nagpapadala sila ng pera minsan , yong panganay namin ay malapit lang din nnamin na may sariling pamilya na din at nagbibigay din samin dito minsan , at lastly ay ako, may sarili narin akong pamilya pero andito lang ako sa puder ng papa koy kasama ang. apat. kong kapatid, yong isang kuya ko may ka live in na pero wala pa silang anak, yong dalawa kong kuya ko naman ay nagtatrabaho na yong bunso namin ay ang pag asa namin, siya nalang ang ng aaral at sanay makapagtapos siya , yan lang ang aming hiling sakanya . Alam kong iniisip nyo na hindi kami nagsipag mag aral at nag sariling pamilya ag inuuna namin, sa hirap ng buhay namin nuon wala kaming pera pang bili ng mga gamit, meron man pero kunti lang, at di na namin kinaya ang gutom habang nag aaral. At dahil nga may sariling pamilya na kami, dito kami nakaahon dahil dito kami nagkaisa at naging mature, naisipan naming mag pursege sa buhay para sa pangarap ng aming mga anak. Maganda ang trabaho ngayon ng mga kapatid ko hindi katulad ng dati na isang construction lang at yan ang pinakamalikng pasalamat ko sa panginuon dahil kahit hindi sila nakapagtapos ng pag aaral ay natanggap naman sa mga malalaking kompanya. Yong mama pala namin ay nakokontak nanamin pero nong naging ganito na kami, may pamilya nah, hindi kami galit sakanya bagkus ay pinapauwi namin siya para makasama panamin siya pero may pamilya narin sa manila kaya hindi na namin siya pinipilit, ang magulang natin ay magulang natin kaya bigyan natin sila ng pagkakataon na magbigay ng dahilan at tanggapin parin natin sila.. Masaya ang mga magulang namin dahil kahit magkalayo sila ay napalaki nila kaming maayos. Kaya sa mga katulad namin diyan, huwag na huwag kayong susuko laban lang sa buhay, alam kong mahirap pero mas mahirap kung wala tayong gagawin. Dito lang nagtatapos ang kuwento abangan ang sarili kung kwento

Please log in to comment.