Kalam Kalam
A
Angeline Roque
2 months ago

MEDYO BROKEN FAMILY

Bata pa lang kami ng mga kapatid ko ang lagi ng pinag aawayan ng parents namin is yung pagiging babaero ng Father ko, Sabungero din father ko pero yun lang ang bisyoo nya hindi sya sanay uminom ng alak, Babae at Sabong ang tanging bisyo nya pero kahit ganun na may bisyo sya masasabe ko na He's the best father that I could ever Have ❤ Never nya kaming pinabayaan, binigay nya mga luho namin, ginawa nya lahat makapag tapos lang kami ng pag aaral and luckily nakapag tapos ako ng pag aaral at yung bunso namin na kapatid. Okay pa sana ang lahat kaso may mga balita na nakakarating samin na may mga nakaka kita daw na may angkas na babae ang father ko madaming nakakarating samin na ganyang mga balita nung una dedma pa kami dahil baka 1 lang yun sa mga pampalipas oras ng father ko, Then lumipas ang araw, buwan still yun pa din yung nakakarating samin na balita hanggang sa naapektuhan na yung mother ko, sa kada dadalaw kame ng mga anak ko sa bahay ng parents ko puro yung babae ng father ko ang bukambibig nya saken, Dumating na nga sa point na hindi na kinikibo ng mother ko yung father ko, pag kinakausap laging galet at naka singhal, hanggang sa dedmahan na wala ng pansinan at usapan, until one day kinompronta naming maglakapatid yung father namin na Tigilan na yung babae nya dahil araw araw lang nangyayare sa bahay ng parents ko, yung dating masaya, maingay, at masiglang pamilya biglang naging tahimik, malungkot na dahil parang ayaw bitiwan ng father ko yung babae nya dahil ang katwiran nya samin is yun na lang yung tanging nagbibigay sa kanya ng pera dahil nawalan na sya ng hanap buhay at hindi sya sanay na walang pera, Galit ako pero at the same time na aawa ako sa father ko dahil halos wala naman ng hanap buhay para magkaroon sya ng sariling pera and hindi naman na sya sinusuportahan ng kapatid king bunso simula nung nalaman na may babae sya dahil siguro sa galit, na aawa din ako sa mother ko dahil hindi man nya sinasabe samin alam ko/namin yung sakit na nararamdaman nya dahil sa panloloko sa kanya ng father namin simula nung bata pa kami. magkasama pa din sa1 bubong ang parents ko pero wala ng Pansinan at imikan.

Please log in to comment.