Magandang Gabi po sa lahat ng tagasobaybay , Ako po si em kasalukoyang naninirahan dito sa Mindanao. E kwento ko po sainyo kong paano kami nagkakakilala. Isang araw noong taong 2013 kinaumagahan bandang 10 am,may nakasabay po akong isang lalaki sa bus.Di ko akalain pareho pala kami ng babaan at pupuntahan.pareho pala kami ng kailangan kasi nga po mag aaply kami ng skolar.Tapos Habang naglalakad na kami xa iyong humawak sa payong ko,kasi nga sobrang init.Kahit unang kita palang namin ang daldal at ang kukulit,sobrang palabiro. Minsan nga nakukulitan na talaga ako at naiingayan Sabi ko ano bang klaseng lalaki to, pakiramdam nya matagal na kaming magkakilala.Naisip ko tuloy na parang Iwan .Pilit humihingi ng number ko sa phone.Kaya sa katagalan binibigay ko nalang.Nababadtrip talaga ako kasi minsan tumatawag sa hating Gabi.So fast forward same school kami magkaiba ng kurso.Naisip ko tuloy kahit d pa kami mag shota feeling nya kami na kasi kung makapag concerned makapagkamalan, daig pa ang asawa.Ang nagustuhan ko sa kanya palabiro parang walang iniisip na suliranin sa buhay.Iyon na nga after out sa school gagala kasama mga kaibigan pero pinapahirapan ko parin xa na suyuin ako.Kasi iniisip ko pag pina easy kong sagutin baka easy lang din akong iiwanan pagdating ng araw .pero never talaga siyang nag give up,hanggang sa isang araw binibiro nya ako na may gf na xa,Habang ako naman naiinis na nagseselos na parang Iwan hindi ko Alam.pinapakita ko sa kanya na may care na ako at gusto ko na siyang sagutin.Tapos pinagtatawanan nya lang ako.Tawanan nlng talaga hanggang niyaya nya ako magsimba kasi saktong Sunday walang pasok.pumayag naman ako,ayon kinukumusta na naman kong kailan ko xa sagutin saktong mismong araw na iyon August 4, 2013 naging kami.Simula nung sinagot ko sya unti unti ko ng nakita iyong pagkaseloso kaya ilang buwan puro away bati kaming dalawa.Minsan naisip ko nlng na e Break up na xa.Sos magmamakaawa na naman ulit.Tapos one time pagkauwi ko galing work nagtaka ako Kong bakit may mga gamit sa boarding house ko iyon pala sasama na xa sa akin titira para maka save raw xa .Inang ko po baka unlimited ng gagawin nya sa akin.Patuloy lang kami sa buhay inaapi ng mga kasamahan namin sa bahay na walang mararating kasi lasinggero raw bf ko.Mahirap raw kami pagkain namin mais.Lalo raw tumitigas iyong kalsada sa kalalakad namin araw araw. lahat lahat po tinitiis namin iyon sobrang hirap.pag wala sya pasok sa school naglalabor sa terminal sideline.pagkadating sa boarding house may dala ng masasarap na pagkain.Habang xa patuloy lang para matupad iyong pangarap at ako naman patuloy din sa pagtatrabaho sa isang private company.Sa awa ng diyos dinidinig ang aming panalangin nakapasa xa sa Criminology exam.D xa makapaniwala nagtaka ako pagdating galing work kong sino iyong humahagulhol iyon pala sya,pati ako naiyak nadin.kata Sabi ko buksan na natin iyong ating ipon eih ang laman 300 plus lang para mag enjoy xa sa pagkapasa,Bumili nlng kami ng balot 🥚 🥚.Mahirap pero masaya.Poproblemahin na naman namin iyong pang Appy.May awa ang panginoon sinubukan at nakapasok .Malapit na oath taking tapos nanganak ako sa First baby namin patay na xa lumabas ang sakit ayaw na raw nya ituloy ang pumasok sa Pnp kasi paano na raw ako.kaya Sabi ko kalimutan mo ako dito sa labas ituloy mo iyan pangarap mo iyan.para maka focus ka wag mo akong isipin.Atsaka wag mo iisiping tumakas baka hihiwalayan kita, kasi nakakahiya sa pamilya nya at pamilya ko .Naniwala naman sya sakin. Taong 2020 pinahinto nya na ako sa work at umuwi sa amin para magtinda nlng mini grocery. 2021 nabuntis ulit ako but nakakalungkot almost 3 months nakunan ako iyak ako iyak. kasi parang wala na talaga akong silbi sa kanya.Sya pa talaga nag encourage sa akin na wag mawalan ng pag asa kasi darating daw iyong para sa amin na talaga.Kaya minsan tinatawanan nlng namin iyong mga pinagdaraan iyong mga masasakit,mga pagtitiis sa hirap.Kasi noon lalakarin lang namin mula Boarding house papontang market para makabili ng kalahating tamban na isda para lang may maiulam.Minsan bili ako ng dilis para e bagoong hindi naayos bumaho .Sabi nya itapon Sabi ko wag lulutin ko to eprito lalagyan ng pampalasa at e dry.Mahirap pero masaya.2018 sila namanhikan.2023 nabuntis ulit ako ito na po xa ngayon 2 years old na po babae.My baby Lexi.Bago lang din po kami ikinasal last year kasabay ng pag 1 year old ng aming Baby Lexi Mae. Officially legal napo talaga.Masaya po kami kasama ang aming Baby girl at siya ay isang ganap na membro ng PNP at ako naman ay isang plain house wife taking care of all. Sinagot po 8/4/13 Namanhikan 4/28/2018 nanganak kay baby girl ko 3/4/23 kinasal 3/4/23 kasabay ng Pag isang taon ni baby.Hanggang dito nlng po.Maraminf Salamat!
Please log in to comment.