Isa akong Ina Ng dalawa Kong anak wag nyo akong husgahan sa kwento ko 7 years na kami Ng partner ko at binigyan nya kami Ng dalawang anak sa totoo lang gustong gusto Kona na kumawala sakanya pero diko alam kung pano.. paano ko sisimulan? paano ko tatapusin..? Dito nag simula ang lahat... Isang Gabi umuwing lasing ang aking Partner at Nung gabing iyon ay may sakit ang aking panganay na anak na 7 months pa lamang sya noon. nag away kami Ng aking Partner dahil humingi Ako sakanya Ng pambili Ng gamot pero Wala syang maibigay! akalain nyo yun may pambili Ng alak pero gamot Ng anak Wala! Nagka sagutan kami at humantong sa sakitan unang beses na napag buhatan nya Ako Ng kamay! Napaka sakit para Sakin! na akong Nanay ay Wala akong magwa para sa anak ko at para sa sarili ko. Hindi nalamang Ako kumibo Nung gabing yon .. at kapag lasing sya lagi na nya akong pinag bubuhatan Ng kamay hangang Ngayon Ang kwento ito ay totoong Buhay ko Hindi Ako nag hahangad na manalo pero advice ko sa mga kababaehan sana sana wag akong tularan at wag nyo po akong husgahan dahil sa Hindi ko maiwan ang Asawa ko di ko lang kaya na Hindi mabigyan Ng buong pamilya ang mga anak ko lahat Ng sakripisyo gagawin ko para sa anak ko kahit Buhay kopa ang kapalit lagi Ako nag darasal klung kelan ba matatapos ang PAG hihirap ko pero lahat Ng ito alam Kong may magandang hanggad Sakin ang diyos alam Kong may Plano sya para Samin Ng anak ko Hindi habang Buhay ganto Ako Hindi habang Buhay mahihirapan Ako.
Please log in to comment.