July 25. 2024 8:50 am Isang trahedya Ang dumating sakin na magpapabago ng takbo ng buhay nmin. Di ko akalain na ganun kahahangtungan ng buhay niya pero tiwala lng sa dios. Pagsubok problema kamalasan pagsisi ay akin binabanggit na sakin mga bibig. Lahat ng etoy sinisi ko sa akin sarili pero di ako nawalan ng pag asa. Pagasa na lumaban at kayanin Ang lahat lahat ng mga eto. August 1. 2024 3:42 am midnight Dinala ko ang akin tatay sa hospital dahil eto'y nahihirapan huminga. Subalit nag paikot ikot na kami ng hospital walang hospital Ang nag aasikaso sa kanya. Ngunit di ako sumuko gumawa ako ng paraan para Siya asikasuhin. Tinanong ko sa doctor na magagamot ba Ang papa ko Ang sagot lang nila ay Hindi dahil not available or full na Ang kanilang bakante ng kanilang dialysis. Di ako sumuko konti nlng luluha na Ang akin mga mata pero lumalaban ako. Alam ko na Hindi pa Huli Ang lahat kaya Kong isalba Ang papa ko sa pagsubok na binigay sa kaniya. Kayat nag tanong ulit ako sa doctor kung saan available mag pa dialysis dalawa sinabi niya. Sa national kidney or sa labor hospital. Tinanong ko Yun kinuha namin ambulance na kaya paba niya mag drive. Ang sinabi niya ou kaya kopa at nag suggest Siya na mas maganda sa national kidney dahil dun nmn talaga Ang gamutan. Dumating kami dun bandang 3 ng madaling araw pag dating namin dun. Di kami tinanggap dahil Wala kaming dalang papeles o record ni papa dahil dun daw nila ibabase Yun sakit niya. Konting konti nlng at luluha na papatak na Ang napakaraming luha na naiipon sakin mga mata. Ngunit di parin Ako sumuko naalala ko na nag pacheck kami last na sakit niya. At Yun Ang ginawa kong record about Kay papa at kinikwento ko nlng Yun dating sakit niya dahil ako Yun kasama niya Yun unang sakit niya. At eto Ang Sabi nila private ba o charity Ang Sabi ko private bahala na kung anung babayaran Basta gumaling lng papa ko kahit na bumaon na kami sa utang okay lang mas mahalaga papa ko kaysa sa pera. Nag fill up nako ng mga form niya pinasok narin Siya ngunit sobrang tagal bago Siya intindihin ng mga doctor. Hirap na Hirap na Siya huminga lagi ko siyang kinakausap na konting tiis lng controlin mo lng Yun hangin laruin mo lang wag Kang kakabahan nandito lng ako di kita pababayaan at di kita iiwan. Buti mababait Yun nakasama namin dun si lolo at si Lola tinulungan nila kami na asikasuhin si papa dahil di nako makapag salita sobrang kabang kaba nako nun mga araw nayun. Tumulo na Yun mga luha sakin mata di Kona kinayang piitin tong luha ko at sinabi ni lola "wag Kang umiyak matapang ka lalake ka lumaban ka". Sobrang Dami na pumapasok sakin isipan nun mga araw nayun nanginginig nako Sabi ko bat di inaasikaso papa ko nahihirapan na Siya bakit bakit bakit... Nag paikot ikot nako dun tanong Dito tanong duon paulit ulit Kong binabanggit na Ang papa ko nahihirapan napo anung oras po Siya pedeng idialysis. Laging binabanggit na Wala pa Silang bakante upang magamot na agad Siya. Umupo ako sa kanyang tabi habang hawak hawak ko Ang kaniyang mga kamay Sabi ko papa kaya mo Yan konti nlng matatapos din to. Tinatawag Kona lahat ng panginoon minuminuto pinag dadasal ko Siya sa isip ko "lord" ama" papajesus" plss alam Kong nanjan ka saakin tabi alam Kong di mo kami pababayaan alam Kong kaya ni papa lahat ng tong pagsubok lang niya to plss tulungan mo kami... Lumipas Ang 7 am na ng umaga Oras bago Siya asikasuhin ulit Buti naduon Sila nanay at tatay para tulungan kami alam Kong pinadala Siya ni lord para tulungan kami... Sabi ko Kay papa hanggat kaya mopa huminga at laruin mo lng "Sinabi ko sa kanya wag mong sasabihin na Hirap na Hirap kana Kasi tutubuhan ka nila di ko kaya Yun papa uh... Tumango Siya tumulo na ng tumulo Yun akin luha dahil alam Kong Ang sinasapit niya Nung araw nayun. Buti si nurse pinalakas niya loob ko Yun nilagay sa kanyang BIPAP na sinabi ni nurse na madami na sinagip na buhay eto at pinaniwalaan ko Yun salitang Yun. Yun time nayun ayokong matulog ayokong mag pahinga gusto ko lahat ng lakas ko ibibigay ko sa kanya lahat lahat... Tulo ng tulo Yun mga mata ko habang nilalagyan Siya ng tubong maliit sa bandang leeg para sa connection niya pag dialysis. Sabi ko kaya mo Yan papa alam Kong matapang ka sikaran ka at -blackbelt ka- hinawakan Yun akin mga kamay alam ko Yun mga sinasabi niya wag Kang aalis sa tabi ko umiiyak ulit ako nun time nayun... Sabi ni tatay sakin "Wag Kang magalala gagaling din papa mo kaya moyan ako bahala sa inyo" sobrang madamdamin nako nun time nayun. Kahit isang words Wala na nalabas sakin bibig Ang iniisip ko nlng si papa. August 2. 2024 3;50 pm Bandang 3 pm binigyan Siya ng pang palunas na gamot at itunurok eto. August 3. 2024 2;45 am Binigyan na Siya ng binigyan ng gamot kaso Hirap parin siyang huminga. August 4. 2024 3;00 am Bandang 3 am ng madaling araw dinala na Siya sa dialysis session. Kaso di nanaman natuloy dahil Hindi pa daw sapat Yun sodium nya para kayanin Yun dialysis niya. Sobrang nalukmo ulit ako dahil Hirap na Hirap na siyang huminga Yun time nayun binigyan na ulit Siya ng BIPAP para di Siya kulangin sa hangin. August 5. 2024 5;30 pm Nag aantay ulit kami na tawagin Siya. Sabi ni nurse "need po natin pataasin Yun sodium niya sir para madialysis Ang papa mo" Binigyan ulit Siya ng gamot para tumaas Ang sodium niya naka dalawang gamutan Siya. August 7. 2024 10;30 am Time check para isalang na Siya sa session it's 12:30 am tinawag na kami ok na daw Ang sodium niya sapat na para madialysis si papa. Inilipat nanamin sa room na madidialysis siya. Time na tapos niya 3;30 pm bago ibalik sa ER si papa para bigyan ng gamot ulit. August 8. 2024 10;11 pm Bumalik ulit kami dahil Sabi ni doctor may tubig Siya sa baga at padadaanin nalng daw sa dialysis. Ngunit pang habang buhay na niya Etong dadaling dialysis Sabi ni nurse na nagkakabit sa kanya ng mga aparatong machine. August 19. 2024 6;30 pm Ngayon alam Kona kung bakit mahalaga Ang katawan natin kaysa sa pera Kasi Sabi nila "good health it's the best way of living every day" February 4. 2025 5;30 am Kami ay bumayahe ng akin tatay kadahilanan na sobrang tagal sumagot sa telepono ang amin ambulance driver kayat napag desisyunan namin ni papa na bumayahe nlng.. Sana ay makarating kami ng safe at mabuti saamin paruruonan. Page 1
Please log in to comment.