Kalam Kalam
Profile Image
Jeaneth
1 month ago

Kapit sa Dios Hanggang dulo

Hello po sa lahat Ng masugid na taga Basa Ng ikwento.Ako po Pala SI Jeaneth 32 anyos may Asawa at dalawang anak,Nais ko lamang din pong ibahagi Ang aking kwentong karanasan Ng Aking bunsong anak na babae. June 6,2017 na cs po Ako dahil nahirapan po akung huminga Nung Ang daming tinurok na gamot sakin para Ako ay manganak nasa delivery room po Ako Kasama Ang mga ibang Nanay.Agad po nila akung sinugod sa operating room po Kasi nga po Hindi na po Ako nakaka hinga Ng maayos at parang may malaking bagay na naka Dagan sa dibdib ko.Naalala kopo may tinurok po Sila sa likod ko tapos Maya Maya po kunti parang hnd ko na maitaas Ang mga paa ko,At sinimulan na po nila akung operahan at Yun nga po after 15minutes lumabas na Ang aking anak at nagiiyak..Laking pasalamat ko sa dios Kasi ligtas po kaming mag Ina,3 days po kmi Ng anak ko sa hospital at naka labas na po at Wala Naman na pong problemA.Lumipas po Ang Araw at buwan Hanggang sa sumapit po sya Ng limang buwan nagsimula po sayang lagnatin tapos sabay pa po Ang ubo,at sipon nya.Sabi po Ng matatanda normal lang Yun Kasi nagpapa tubo sya Ng ngipin halos 3days na po sayang nilalagnat at pinapainuman ko nmn po sya noon Ng Paracetamol at para sa ubo,Nireseta po Yun Ng Dr. sa Center po nmin.Hanggang sa kinagabihan po bigla pong tumirik Yung mata nya iyak Ako Ng iyak Kasi hnd ko alam Ang gagawin ko,Dinala na po Namin sya sa hospital agad din po tapos,Halos Isang linggo na po kami sa hospital nilalagnat parin po Ang anak ko bigay po Sila Ng bigay Ng Paracetamol.Turok dyan turok d2 kuha Ng dugo sa kamay sa paa🥹Pero hnd parin po nila alam kung Anong sakit Ng anak ko halos 40 po Ang inaabot Ng temperature po nya noon,Halos hnd bumababa,Punas Ako Ng Punas sa knya hnd ko tinitigilan na punasan sya Ng malamig na tubig,Hanggang sa dumating Ang Araw pang 8days na sana Namin sa hospital bigla po syang nag seizure karga karga ko po sya noon 5 months plang po sya noon😭Sumisigaw Ako Ng tulong tulong doctor asan kayo Ang anak ko paki usap,Pero Wala pong dumating na doctor after 30 minutes na halos Yung anak ko Yung mata nlng nya Ang gumagalaw lantang lanta na sya Saka dumating Ang doctor😭Tapos Sabi nya Hindi nmin sya kayang gamitin Dito mag disisyon kna mommy kung saan mo gustong ilipat Ang anak mo Sabi nya iyak po Ako Ng iyak bakit pinatagal pa po nila halos inabot na kami Ng Isang linggo doon Saka sasabihin Ng ganun sakin.Linakasan ko Ang loob ko tinawagan ko Yung Asawa ko Sabi ko ilipat na daw natin SI baby sa mas malaking hospital Kasi hnd nla kaya d2 Dala ka Ng maraming damit lipat na natin sya sa BGH.Kaya pag dating Ng Asawa ko nilipat na po Namin sya agad sa BGHMC sa Baguio at agad agad po sa away Ng Dios inasikaso po kmi agad doon.Tinanong kung Anong nangyare sinabi ko Ang lahat Hindi bumababa Ang lagnat tapos 40'41 Ang temp.nya Doc tapos nag seizure sya.Agad nya po akung pinapirma kailangan daw ilumbar top Ang anak ko agad agad,Pero may chance daw na hnd sya Maka lakad pag magkamali hnd po Ako nag atubiling pumirma po Ako agad at nag dasa Dios ama Ikaw lamang Ang makaka tulong sa anak ko ipagkaloob mopo sya saming mag Asawa paki usap aalagaan ko sya Ng mabuti at mamahalin.Ayun nga kinuhanan na po Ng tubig sa spinal cord Ang anak ko Kasi connectado daw Yung fluid Ng spinal sa utak nya kaya Nakita po agad Ng Doctor na Ang sakit po Ng anak ko ay Bacterial meningitis Culture)0.Agad po syang tinurukan Ng Merophenem at after 15 minute po Saka lng po nawala Yung lagnat po nya kahit po parang lantang gulay sya noon nagpapasalamat parin Ako sa Dios ama Kasi Wala na syang lagnat.Tapos nagdaan Ang mga ilang Araw medyo kaya na nyang igalaw Ang kamay paa paunti unti po.Hanggang s inabot po kami Ng 1month sa BGHMC po noon at tuluyan na po syang gumaling at naka UWI narin po kmi.Ngayon Piting taong gulang na po sya hnd nmn po sya totally magaling Kasi dahil nga sa Bacterial meningitis po Ang sakit nya Sabi Ng Doctor talagang mag seiseizure sya Kasi naapektuhan daw po Yung utak nya.Nag maintenance po sya Ng Oxcarbazipine trileptal po Hanggang ngayon.At patuloy po kming nagpapa gamot Kay Doctor Maria Lourdes Trajano Ang kanyang Neuro po.At sa ngayon po ng 2025 Hindi na po sya nag seizure at sana po tuloy tuloy na po para matapos nadin po sya sa Maintenance nya.Ang aking anak po Pala kasalukuyang nasa ikalawang baitang na po at oo mahina sya hnd sya nakaka sabay sa kanyang mga kaklase Kasi nga po late development po sya pero Ang ipinag papasalamat kopo ok sya Buhay at higit sa lahat malusog.Tiwala lang po sa Dios na lumikha🙏❤️Kapit lang sa Dios Magdasal Ng taimtim humingi Ng tulong hnd ka nya bibitawan.Wag ka lng mawalan Ng tiwala❤️At ito Ang aking karanasan at kwento bilang Isang inang mapagmahal sa anak laban lang wag susuko.Wakas

Please log in to comment.

More Stories You May Like