Kalam Kalam
Profile Image
Charity
1 month ago

Ang aking Pamilya

Taon 2008 binuo namin ng aking asawa ang aming Pamilya. hindi pa kami kasal noon kasi ipinanganak ko na ang panganay namin. ngayon 17 yrs. na kaming nagsasama kasama nang limang supling. kinasal kami noong Oktubre 25, 2012 isa lang civil weeding. hindi lahat pala na bumuo ng pamilya ay masaya kasi kami ng tumagal lalo na pag lumalaki, nag dadalaga at nagbibinata na aking mga anak ay hindi pala madali kasi marunong na silang sumasagot sagot sayo, kaya na nilang mag mura walang respeto sa magulang. naitanong ko minsan sa sarili ko ganito ba ako noong bata pa ako parang hindi naman. minsan naisip ko na baka ganito na talaga ang mga kabataan ngayon dahil sa kaibahan na ng henerasyon ngayon. lalo na puro nalang sa gadget at mga nakikita sa social media parang iba na ang mga kilos at mga asal ng mga kabataan ngayon. pero minsan naisip ko din na baka may mali rin kami ng pagdidisiplina ng asawa ko at mali din yong naipakita namin sa kanila kong paano kami nag aaway mag asawa na baka naapektuhan yong mga anak namin. di ko naman kasi kayang matiis ang asawa ko lalo na ngayon na may bisyo siya. nagkabaon baon kami aa utang may trabaho nga siya kulang pa sa 4 na anak kong nag aaral at may nakadagdag pang 1 yr old na nag dadiaper. halos araw araw kaming nagbabangayan mag asawa kasi para na sa stage na ako ng depression. parang down na down ako. awang awa ako sa mga anak ko kasi halos di na makakain ng masasarap, makapag aral kahit walang kain at baon. kasi yong papa nila parang nagpapabaya na sa kanila. kaya sinabi lo sa sarili ko na ako na mismo yong mag adjust. pinapanalangin ko nalang sa Panginoon na sanay magbago na lahat. na sanay maging ok lahat ng aking mga anak at ang aking asawa. sanay babalik kami sa dating masayahin at nagmamahalan kasi parang di ko na nakita yon sa pamilya ko. isa lang talaga ang dapat nating gawin para maging matibay ang ating pamilya ay dapat ilahay natin sa gitna si Panginoong Jesus dahil siya lang talaga ang ating kakapitan sa oras ng kagipitan lalo na sa pag buo ng pamilya. sa ngayon nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kahit ganito kami away dito away doon. nagimg magulo ang aming pamilya pero isa parin kaming buo at matibay na PAMILYA🥰🥰

Please log in to comment.

More Stories You May Like