Hi po ako nga pala si Rose 38 yrs old first time kung mag share sa apps nyo kasi nakita ko sa fb habang nag soscroll ako . Simulan ko yung kwento .. pag pasok ng taong 2024, isang buhay agad ang nawala sa amin January 15 nagsimula kaming maging ok ng kapatid kung bunso kasi ilang years din kami hindi ok ..nag paalam ako through chat sa kanya na kung pwede pa ako umuwi sa bahay namin sa probinsya sabi nya depende daw sa akin baka nga dw namimiss na ako ng mga anak ko kasi may anak ako sa una dalawa at naiwan sa kanila ng nanay ko sya ang tumayong tatay ng mga anak kahit my sarili na syang pamilya di nya tinalikuran ang nanay at mga anak ko ..kaya nong binigyan ako ni God ng chance na maging ok kami kasi yun talaga pinagdadasal ko gabi-gabi..so ayun na nga nga simula January 16 magka chat na kami hanggang sa nag birthday sa ng January 20, ..walang kahit anong mang sign na mawawala sya sa amin.. dumating ang araw ng January 23 dun ko nabalitaan na wala na sya Cardiac arrest ang dahilan.. sobrang sakit ng nangyari after 7 yrs na di kami nagkita at binigyan ako ni god ng chance pero sa kabaung ko na sya makikita😭😭 .. hindi naging madali ang lahat lalo na sa nanay ko kasi hindi nya natanggap agad ang nangyari, akala ok na kc bumalik ako ng maynila kasi andun yung trabaho ko, pero lumipas ang ilang buwan nagkasakit ang nanay ko nanghina sya hanggang sa dumating yung buwan ng Octobernag palno ako nakukunin ko silang tatlo kasama dalawang anak ko kasi gusto ko ako mag alaga sa kanya pero sa kasamaang palad Oct 26 namatay din sya ..sobrang saklap at sobrang sakit ang nangyari ang hirap tanggapin isang taon na ang nakalipas para sa kapatid kung bunso pero ang sakit parin gabi-gabi parin akong umiiyak at nilalamon ng lungkot ... sa nangyari sa amin nong nakaraang taon kung meron man akong bagay na natutunan yun ay ang pahalagahan natin ang oras sa taong magal natin at sa pamilya natin kasi hindi natin alam kung kelan tayo kukunin ng panginoon .. hanggang dito nalang ang kwento ko kasi habang tinatype ko ang kwento ko umiyak parin ako😭😭
Please log in to comment.