lahat tayo ay nangangarap na magkaroon nga maganda masayang pamumuhay, sino ba naman ang ayaw nun diba? lahat tayo ay may mga bagay na gustong matupad at makuha. Alam nyu ba nong bata pako gusto kong lahat ng bagay ay meron ako, yung mga bagay na gustong gusto mo at magpapaligaya sayo, pero mahirap kapag mahirap ka, kasi sa tingin ko lahat ay kontra sa mga bagay na gusto kong mangyari, minsan sinasabi ko sa sarili ko malas bako? gusto kulang naman na maranasan yung bagay na nararanasan ng iba, gaya ng nabibili mo ang mga pagkaing gusto mo, yong nabibili mo ang mga damit na gusto mong suotin syempre bilang isang lalaki or babae dapat rin naman na maging gwapo at maganda tayo sa paningin ng iba, kasi minsan don tayo nagiging confident sa sarili natin. at higit sa lahat gusto ko makapunta sa ibat-ibang ibang lugar kasama ang mga mahal ko sa buhay at iparanas sa kanila yong mga bagay na hindi pa nila nararanasan, at gusto ko na makatulong ako sa kanila alam mo yong yong gusto mo talaga na ikaw na ang bahala sa lahat sa lahat lahat ng pangangailangan nila, ako kasi tatlo lang kami, dalawa kaming babae tapus lola lang namin yong nagpalaki sakin tapus ako lang mag isa yong nag aaral, alam mo yong feeling na gustong gusto mo makatulong mag bigay ng pera pang bayad sa mga gastusin kaso lang nag aaral kapa, hindi rin naman papayag si lola na magtrabaho ako kasi nag-aalala sya na baka hindi ko pa kaya na baka mahirapan ako kaya no choice nalang tumutulong nalang ako sa mga gawaing bahay para makatulong din kahit sa ganong bagay lang para d mabawasan yong mga gawain sa bahay. bilang isang tao na may pangarap kahit anong mangyari mangangarap ka pa rin kasi may goal ka, may gusto kang matupad na alam mo balang araw matutupad rin, kaya ngayon hanggang pangarap lang muna pero hinding hindi magbabago yung mga bagay na gusto kong matupad at mangyari at ang pangarap ko na yon ay magiging inspirasyon ko para magpatuloy at lumaban. sa lahat ng nangangarap balang araw matutupad rin yun, kapag naging masipag at naniwala tayo sa sarili natin, kasi pano mo makakaya ang mga bagay ang matupad yong mga bagay na gusto mo kong wala ka ring tiwala sa sarili mo, always remember your goal and people that you want to help someday kasi magiging inspirasyon mo rin sila para matupad ang mga pangarap mo, and remember God is always there to guide us help us ☺️❤️.
Please log in to comment.