Sa isang maliit na baryo kung saan ang mga halaman ay sumasayaw sa ihip ng hangin, may isang dalaga na nagngangalang Lira. Tahimik siya, mahinhin, at parang makahiya kapag may lumalapit, agad siyang umiiwas. Hindi siya sanay sa pansin, kaya’t madalas siyang nagtatago sa likod ng kanyang mga libro o sa ilalim ng lilim ng mga punong kahoy. Sa kabilang dako, may isang binatang kilala sa kanyang kagwapuhan at kakisigan si Kendrick. Hindi tulad ng iba na madaling lumapit sa mga babae, si Kendrick ay mailap sa mga relasyon. Maraming nagkakagusto sa kanya, ngunit tila may hinahanap siyang hindi basta basta matatagpuan. Minsan, sa isang hapon ng tag-araw, nagtagpo ang kanilang mga landas.Habang naglalakad si Lira sa kakahuyan upang maghanap ng mahika sa mga pahina ng kanyang libro, nakita niya si Kendrick na nakatayo sa ilalim ng isang matandang puno ng acacia. Hindi niya alam kung bakit, ngunit imbes na umiwas tulad ng nakasanayan, nanatili siya. Napansin ni Kendrick ang kanyang presensya at nginitian siya. “Lagi kitang nakikitang naglalakad dito, pero hindi kita naririnig magsalita,” aniya. Namilog ang mga mata ni Lira at yumuko. “Sanay akong tahimik lang,” mahina niyang sagot. Ngumiti si Adrian, hindi sa pang-aasar, kundi sa paghanga. “Alam mo bang may kagandahan sa pagiging tahimik?” tanong niya. “Parang makahiya mailap pero may sariling kagandahan.” Dahil sa kanyang sinabi, unti-unting na panatag ang loob ni Lira. Hindi naglaon, nagsimula silang magpalitan ng mga kwento sa tuwing magkikita sila. Ang tahimik na dalaga at ang misteryosong binata ay naging magkaibigan, at di nagtagal, unti-unting namulaklak ang kanilang damdamin. Ngunit may isang araw na hindi sumipot si Kendrick. Nag-alala si Lira, sapagkat nasanay na siyang makita ito sa kanilang lihim na lugar. Ilang araw ang lumipas bago niya nalaman ang dahilan aalis na pala si Kendrick upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa malayong bayan. Hindi niya ito nasabi dahil natatakot siyang masaktan ang dalaga. Nang bumalik si Kendrick makalipas ang limang taon, ang unang hinanap niya ay si Lira. Natagpuan niya ito sa parehong lugar, nakatayo sa tabi ng isang makahiya. Nang makita siya ng dalaga, hindi ito umiwas, hindi nagtago sa halip, ibininalik Ang p aningin at nanatiling nakatitig sa halaman,binalot ng katahimikan na tila ba pati hangin at mga ibon nakikisabay din. tumikhim siya habang papalapit sa dalaga "Lira.."sambit Niya habang nakatitig sa dalaga.wala pa rin itong pinag bago ito pa rin ang pinaka maganda sa lahat ng babae Ang Ina asam asam niyang Makita at naging inspirasyon niya sa pag sisikap. “Akala ko hindi ka na babalik,” sabi ni Lira, na ngayo’y mas matapang na. Ngumiti si Kendrick at hinawakan ang kanyang kamay. “Bumalik ako, dahil ikaw ang tahanan ko.” Mahal ko At sa gitna ng malamyos na hangin at banayad na sikat ng araw, namulaklak ang kanilang pagmamahalan—tulad ng makahiya na natutong magbukas sa tamang oras at sa tamang tao.
Please log in to comment.