This is my story about myself, I'm Pauline De Asis 21 Years old from malabon city, nabuntis ako noong ako ay 18 years old at ako ay nakasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo. Ako ay nasa unang taon sa kolehiyo at ang aking kinukuha ay isang accountant, ngunit alam kong hindi ko ito gusto at ako ay napilitan lamang online class ang aming platform para makapag-aral dahil iyon ay kasagsagan ng covid, habang ako ay nag aaral nabuntis ako ng aking nobyo, tinago ko ito sa aking magulang noong ito ay kanilang nalaman labis ang kanilang nararamdaman lalo na ang aking Ina, dahil ako na lang sa aming magkakapatid ang kanilang inaasahan. habang ako ay buntis patuloy pa rin ako sa aking pag-aaral, puyat pagod dahil marami akong ginagawa noon. Hindi pa rin sumagi sa aking isipan na huminto, noong ako ay nanganak kinailangan ko ng pahinga kung gayon nagdesisyon ang aking nanay na huminto sa pag-aaral. mahirap man tanggapin para sa akin ngunit kailangan Kong Gawin, ngayon ay ilang taon na noong huminto ako. Masaya ako dahil nagkaroon na ako ng aking sariling pamilya, Masaya ako dahil unti-unti ko nakikita ang anak kong lumalaki. Masaya ako sa nangyari sa buhay ko ngunit sa kabila ng lahat ng kasiyahang ito, may lungkot at pighati akong nararamdaman.. dahil nakikita ko ang ibang kasabayan ko na patapos na sa pag aaral, ang iba naman ay nakakapagtrabaho na. nalulungkot ako para sa akin dahil ako ito pa rin nasa bahay nasa sulok palagi ng tahanan at laging nakakabasa ng successful o tagumpay ng iba. Hindi ako naiinggit sa kung ano Meron sila ngayon ngunit may lungkot sa akin at tanong kung kailan ba ako darating sa ganiyan? kailan ba ako magiging ganiyan? simula noong nabuntis ako andami ko nasakripisyo sa sarili ko, andaming nag bago at alam kong parte yan ng buhay ng isang babae, maraming tanong sa isip ko ngayon na magiging ganiyan din ba ako katulad nila? mararating ko rin ba yan? o hanggang dito na lang ako... dito sa isang sulok ng bahay Hindi ako nag rereklamo bilang isang Ina. Masaya ako dahil nanay ako ng anak ko may bahid lang ng lungkot dahil minsan ay napapaisip ako kung mabibigyan ko ba ng magandang kinabukasan ang aking anak o hanggang dito na lang ako? sana sa pagdating ng araw maging matagumpay din ako gaya ng iba at katulad nila. magtatagumpay tayo in Jesus name we claim! amen. padayon🤍
Please log in to comment.