Kalam Kalam
a
Aprila
3 weeks ago

Mother's Selfless Love

Kami ay nabibilang sa isang kahig,isang tuka na pamilya. Kahit hindi man nais ng nanay namin noon na maging asawa tatay namin,wala siyang nagawa dahil sa batas noon,ang mga matatanda ang nasusunod. "Kalon" or arranged marriage,sapilitan na pagpapakasal. Naging asawa nya tatay namin na irresponsable, umiinom at nagsusugal din. Sabi ng mga matatanda na magbabago din daw once na nagkapamilya pero hindi. Nawala mga matatanda na pumilit sa kanya na magpakasal sa lalaking hindi naman nya gusto,walang tumulong noong wala kaming makain,walang magamit lalo na pag nagkakasakit kaming 12 na anak. Sunod sunod kaming pinanganak, 2 years lang ang pagitan. Kahit kapapanganak lang ng nanay namin,kinabukasan ay maglalaba yan dahil hindi inaasikaso ng tatay namin. Sa bahay pa sya nanganganak pero sa awa ng Dyos,walang naging komplikasyon. Todo kayod sya para may makain kami araw araw, sya ang tumayong nanay at tatay namin dahil ang tatay namin,andoon sa kung saan saan: painom inom. Paranoid pa tatay namin,kapag may binigay kapitbahay,sinuman kahit kamag anak na pagkain,ayaw nyang tanggapin dahil may lason daw. Papatayin daw kami kaya nagagalit kapag tinatanggap namin ang kung anumang binibigay kaya, patago nalang namin kung tanggapin. Ilang beses ng sinundo ng lolo at lola namin si nanay para umuwi na sa kanila pero hindi sya pumayag. Paano na lang daw kami? Mabubuhay kaming walang tatay,iiwan namin sya? Simula nagkaisip ako,wala akong matandaan na inalagaan nya kami,na nagtrabaho sya para sa amin,na ang sahod nya ay para sa amin. Pag may sahod,inom dito,inom doon. Mabuti pa mga kainuman nya,ang sarap ng pulutan pero kami: walang ulam,wala pangang kanin kung minsan dahil walang pambili. Tuwing lasing sya,natatakot kami kasi sigaw sya ng sigaw,kumukuha pa ng itak at inaamba sa nanay namin at kahit pa sa amin. Nagkasakit nga mga ate ko dahil sa kanya,may mga sakit sa puso pati yata ako. Pulis na sana ate ko ngayun kung hindi dahil sa sakit nya sa puso,nakunan din yung isang ate ko dahil sa kanya. Ilang dekada ding nagtiis nanay namin sa kanya,inaasikaso pa rin sya lalo na pag lasing at hindi nya kaya sarili nya. Pinapakain para hindi mapaano lalo na pag uminom ng walang laman ang tyan,pinupunasan mga suka,pati kami inaasikaso sya kahit may galit kami sa kanya. Laging sinasabi ni nanay na wag kaming magtanim ng sama ng loob dahil kahit anupaman,tatay namin sya. Irespeto pa raw namin at asikasuhin kahit wala kaming maramdaman na may tatay kami. Inggit na ako noon sa ibang pamilya kasi,maayos sila,mabait tatay nila,maasikaso ta nagtatrabaho para sa kanilang pamilya pero bakit kami,ganito? Kinweston ko pa ang Dyos kung bakit? Hindi ba sya naaawa sa nanay namin? Sa amin? Noong nastroke tatay namin,inalagaan pa rin namin sya lalo na nanay namin. Wala kaming narinig na reklamo mula sa kanya,trabaho parin sya ng trabaho. Ilang taon ding bedridden tatay namin,nagkasakit sya sa kidney (naopera,nagkaimpeksyon) ,nastroke,pabalik balik sa hospital. Drain na kami financially pero tuloy parin ang gamutan,asikaso ng walang humpay hanggang sa unti unti syang nalalanta. Ilang beses din syang humingi ng tawad sa amin lalo na sa nanay namin noong hindi na sya gaanong makapagsalita,lumuluha habang pinipilit nyang magsalita. Isa syang naging problema sa buhay namin lalo na sa nanay namin pero kahit pala anung sama ng loob mo, pero kapag nakita mong taos pusong humihingi ng taaad ang isang tao: wala kang magawa kundi magpatawad. After naming nag usap usap,kinaumagahan pumanaw na sya. Bilib na bilib ako sa nanay namin na kahit ilang beses syang minamaliit ng tatay namin,ng mga kamag anak namin: nakaya nya kaming buhayin ng hindi umaasa sa iba. Kung sino pa ang naturingang kamag anak,sila pa ang mas nagdadown sa amin na kesyo mahirap kami,andami naming magkakapatid,wala daw kaming makain tas pinipilit pa daw naming mag aral. Magtrabaho na daw kami para may makain kami araw araw,ang sakit pero sa kabila ng lahat: nakaya naman namin at ngayun,hindi naman mayaman pero at least kaya nang bumili ng isang kabang bigas at may ulam pa. Namatay pala tatay namin noong January 09,2023

Please log in to comment.

More Stories You May Like