Bago ko e share itong kwento na ito, nais ko lang ipaalam sa inyo na totoo at nangyari ito sa totoong buhay. Maniwala man kayo o sa hindi, pero ang mundo natin ay may mga nakatirang hindi natin inaasahan na nakakasalimuha na natin ang mga imposibleng nilalang. Marami na akong mga nakakatakot na karanasan, at itong e share ko ngayon ang isa sa mga mahiwagang nangyari. Simula ng may mga nangyari sa aking buhay na mga kababalaghan, Nagka sunod-sunod na din ang mga pagpaparamdam. Buti pa ang mga Elemento at mga Multo nagpaparamdam noh? pero yong mga EX hay nako iwan ko sumalangit nawa sila. Hahaha, Back to topic tayo, hindi naman kasi ito love story noh. horror to horror.! Mula nong dinala ng kapatid ko ang Isang Baby na babae dito sa amin, Hindi niya naman ito Anak. Hindi ako nagtaka o nagulat kasi alam ko naman ang mga nangyayari, (syempre nagulohan ka na? oh pwes pataposin niyo akong magkwento,hahaha) Ang Baby na tinutukoy ko ay anak ng isang Babaeng Engkanto (yes you read it right) at ang Ama nito ay ang Inocente kong Bayaw. Paano nangyari yun? Aba iwan ko po wala po ako sa pangyayari kung paano nila binou ito. Ako ay isang Inocente pagdating sa mga ganyang bagay, (charots lang) Hindi ko na tinanong si Bayaw kasi Baka bigla niyang e Demo eh Kakatakot kaya...Hahaha. Nong unang araw itong dinala ng Ate ko dito sa amin. Napaka cute talaga ng Baby. Kasing cute ko nga eh Kahit di ako ang Ama pero parang feel ko mas kahawig kami. (Wag na kayong pumalag kwento ko to.) Pero totoo ang cute ng baby halatang ang Bayaw ko ang ama kutis pa lang ang puti-puti. (Parang Comercial ng sabon na Tide ang puti, Gulat ka no? Hahahaha) Unang araw pa lang ng Baby nakaramdam na ako ng kakaiba sa kanya. Yong kinakausap ko siya na tulog pero parang nakakaintindi, "Alam mo ba Baby na ako ang tunay mong Ama?" Sabi ko, pero grabe nag tantrum sa pag iyak ang Baby na hindi mapatahan. "Joke lang Baby... hindi ka naman mabiro si Bayaw talaga ang Papa mo beh..." Pagka bawi ko ng pagka sabi ayun tumahimik at natulog ulit. "Ayos tong batang to ah, ayaw sa sinungaling..." Pagka gabi non habang nagtitimpla ng gatas si ate, kahit di niya naman anak ang bata pero inalagaan niya pa din. Ang Mama ko at mga ibang kasama sa bahay nasa labas, nag chi-tsismisan. Hahaha. Ako muna nag babantay at tumitingin sa Baby, Nagulat nalang ako dahil tulog ito at bumangon as in nakapikit ang mga mata. Isipin niyo Baby pa ito yong one month pa lang na pinanganak, Tas tumayo ng ganun.? Natulala talaga ko at pinagmasdan ko ang sunod niyang gagawin. Like WTF is going on? totoo ba to? kung panaginip to gusto ko ng magising, yun ang mga nasabi ko sa isip ko ng mga oras na yun. Pero naka handa na akong tumakbo kung sakaling bigla itong tumalon mula sa kama na hinigaan niya. Lalo akong natakot nong umikot ang ulo niya at lumingon sa akin, Bumuka ang mga mata niya na kulay blue. (parang manika lang kung tingnan) Ngumiti ito sa akin at nagsitayuan talaga ang lahat ng buhok ko. Pati buhok ko sa kili-kili at buhok sa ilalim ng ilong ko gusto ng magsitakbohan. Hahaha. Ngunit nanatili pa rin ako na nakatingin sa kanya kinontrol ko ang takot ko baka kasi mahulog ito. Ako pa mapagalitan nina Ate at ni Bayaw. Naisip ko ding anak ni Bayaw to kaya hindi to ganun kasama kahit ang ina nito ay engkanto. Tsaka hindi naman pula ang mata nito para masabi kong halimaw ang Baby na ito. Gaya nong napanood kong tyanak na anak ni Janice de belen. Hahaha Nong marinig niya na pabalik na si Ate sa kinaroroonan niya Mabilis itong humiga at bumalik sa pagkaka tulog. "Bah ayos ah.. nag tulog-tulogan ulit." Ang galing ni Baby tumayming, Sinabi ko kay Ate ang nakita ko sa Baby, Binatukan ba naman ako. Ayaw niya maniwala, Kaya naisip ko sa susunod e vivideo ko talaga. Ito pa isang gabi ulit, Hindi ako natulog sa bahay ko at doon ako natulog sa bahay ng parents ko. Syempre PARENTS english word yan, Hahaha Doon ako natulog para alalayan si Ate buti nalang at si Karla umuwi din galing work niya, Stay in kasi si Karla pero that time umuwi siya. Patulog na sana kami non, Tahimik na ang paligid ng biglang nakarinig kami ng iyak ng Baby kaya nagising kami lahat, Pero tulog na tulog naman ang Baby sa duyan niya. Kaya Bumalik kami sa pagtulog, wala pang 5 mins. Biglang may humalakhak na tawa ng Baby yung Parang may Naglalaro sa kanya. Kaya bumangon na naman kami. Pero tulog ito ng tiningnan namin, Alam namin lahat na walang ibang Baby sa paligid kahit sa Mga kapitbahay. Kaya naisip kong E mesage si Bayaw tungkol sa anak niya. Ngunit lalo niya akong tinakot sa reply niya na nagiging tyanak daw it pag hating gabi. Ok lang maging tyanak basta wag lang maging Zombie. Dahil gigibain ko talaga ang dingding ng bahay makatakas lang. Sinadya to ni Bayaw para takotin talaga kami, Matapos ang gabing yun, Pagka umaga si Ate naman ang nakaranas ng pagka takot kasi sabi ni Ate. Natutulog daw siya non katabi ang Baby nang bigla daw itong nawala sa tabi niya. Lumabas siya dahil baka kinuha daw nina Tina (isa naming kapatid) o kaya ni Moi o kaya ni Mama. Pero wala pala ibang tao sa bahay nung time na yun. Dahil andun lahat sa bukid nag tanim sila ng binhi ng mais. Silang dalawa lang ng Baby, Nagulat si Ate dahil pagbalik ni Ate sa H hinihigaan niya nandun na ang Baby naglalaro ng sarili nitong kamay at tawa ng tawa. Nakaramdam na siya ng takot nong mga oras na yun kaya tinawagan niya si Bayaw ang Ama ni Baby. Sinabi lang ni Bayaw na hindi naman daw ito nanakit nakikipag laro lang ng Taguan. Biro mo yung Baby nakikipag taguan na? Sana all... Ayain ko kayang magluksong baka ang Baby, baka sakaling lumipad ito pag tumalon. Hahahaha Naniniwala na talaga akong isa siyang Anak ng Engkanto. Pero mabait siya dahil may halo siyang Dugo ng Maestro Grey. Sabi ni Bayaw ito daw papatay sa kanya kapag nakuha ito ng Ama ng Magandang Engkanto. Bale Lolo ng Baby, Salbaheng Engkanto daw yun. Sabi ko kay Bayaw, sana ipakilala niya sa akin ang magandang engkanto na yan baka sakaling sa akin siya mainlove. Pero huwag nalang mapapatay ako ng higit pa sa halimaw magalit. Si Karla myLoves ang asawa ko.. Hahahaha. May pahabol pa akong nakakaTakot na naranasan namin mula ng mapunta ang Baby na ito dito sa Amin. Isang gabi kasi may wakwak na umaaligid sa bahay. yong parang aswang. Alam yata niya na may Baby sa loob ng bahay, Ang nakapagtataka sapagkaka alam ko ang Baby ay umiiyak kapag may Aswang sa paligid pero iba itong Baby na ito. Wala siyang paki, at narinig ko nalang na parang nasasaktan yong wakwak at kasabay ng may mga kalabog na parang may ginugulpi sa ibabaw ng bubong. At ang Kasunod may pumagaspas na pakpak paibabaw na nag sisigaw na parang nasasaktan. Natakot ako sa mga narinig ko, Nagdasal ako ng mga Itinuro ni Bayaw sa akin. At ang sumunod ay naramdaman kong may dumaan sa aming paanan na Parang maliit na yapak ng paa. At ng bahagya ko itong tingnan, Nakita ko na ang Baby ay kakahiga lang. Siya ba yung bumugbog ng aswang kanina? Bayaw anak mo ba talaga to? Hanggang dito nalang, ~Bewolf Buddy
Please log in to comment.