Kalam Kalam
Profile Image
Mailyn Tulog
5 months ago

A strong Woman

Ako po si Mailyn tga Negros Occidental masasabi KO pong strong woman ako. dahil sa mga trahedyang dumating sa buhay ko sjnce 2017. nahulog ako sa kanal nagkasakit from 92 kilos down 69 kilos. 2018 nag Dubai ako pero minalas ako dun dahil Hindi sanay sa pagkain nila araw2 ako nag tinapay at kape LNG pero swerte ako sa naging amo ko. Ilang araw LNG nastress ako na comatose. 4 days sa ICU ng sheik khalifa 10 days sa ward wlang family walang kaibigan only nurse LNG nag alaga sa akin doon. nakita q rin sa video akala ko mamatay na ako. hanggang tinulungan ako ng polo owwa pinauwi ako 17 days LNG ako said dubai. yung papa KO panay Iyak kasi gusto susunduin ako sa bacolod pero sabj q kaya KO umuwi.pgdating sa bahay naghapunan ako ag naghugas ng plato kaya nasabi ng papa KO totoo bang na comatose na? ang sigla2 KO LNG hahaha fast forward. Nov 2019 iwan bakit nagkasugat daliri ko sa paa hanggang pinutol un kasi nagka gangrene pero OK parin ako. aug 2020 na Cs naman ako sa 3rd baby KO pero namatay yun nadali ni covid19 strong parin kaming mag asawa. 2021 namatay yung papa KO dahil sa covid simula nun nag iba na pamumuhay KO papa's girl ako eh. nag positive din ako nun pero kinaya KO yun. 2022 nagkasakit ulit ako my Nana sa likod KO akala KO mamatay na ako. pero dahil my pera ako nagpunta kami ng cebu doon ako nagpa doctor kaya nabuhay pa ako. 2023 sa daliri KO naman sa kamay diabetes kasi ako. yun ung pinaka worst na check up KO pera KO 4500 pesos after check up my reseta ako worth 12000 PNG good for 2 weeks na medicine. ung mama KO my quedan sa tubo na nasa 90000 pesos ung ate KO meron din nasa 130000 pesos nag ask ako favor baka pwede makagamit para mabili KO buong reseta KO thats sept 29 2023 sagot ng kapatid kong lalaki. wag DW ako pakialaman pera ni mama dahil ibibili ng kalabaw pangkabuhayan ng tauhan namin kasi kawawa daw wlang magamit para sa ikabubuhay nila. yun ung pinaka masakit na part ng buhay KO nadepress ako saglit naiyak ako sa clinic sabi KO kasi manghiram muna ako dahil ang quedan KO sa next friday pa. habang pauwi na kami nangingiyak talaga ako sa sasakyan sama Sama ng kalooban KO mas uunahin nila ung ibang tao kesa sa akin. pagdating ng bahay nilinisan KO ang bahay npaisip ako mgpakamatay. naririnig KO sila nagpaplano kng ano ipapakain nila sa mga bisita nila dahil oct 3 death anniversary ng papa KO at naisipan KO habang mgpapakasaya sila DAT time mgsusicide ako un nlng sa isip ko. pero nananalangin ako humingi ako ng lakas ky God at naisip ko Anak ko. buti lumiwanag isipan ko sa time na yun. at pgbalik check up KO ginastosan na ako ng mama KO. january 2024 inatake naman ako ng diabetes KO INIwan pa ako ng asawa KO dahil nag away sila ng kapatid KO at pinalayas sya pero my sariling bahay po kami dahil bawal ang stress sa akin nagtrigger nanaman ang diabetes KO nasugat ang talampakan ng paa KO at lumala. buong akala KO mamatay na ako nagpacheck up uli pero lalong lumalala at time na yun umuwi asawa ko. hanggang check up ulit nirefer na ako ng doctor ko sa hospital pero nirefer din ako sa isang malaking hospital sa bacolod dahil doon DW kompleto. ung ultrasound ko puputulin ung paa ko under the knee pero kinulang ako ng hemoglobin ayaw ng doctor mg opera kasi baka mgdudugo ako pero alam ko sa sarili ko Hindi na ako mgtatagal my iniwan na ako na mga sulat para sa pamilya ko nakakatawa talaga buhay ko. kaya 2 weeks ako sa hospital dahil 10 bags na dugo request sa akin.NLA 2 bags na salin sa akin Hindi tumaas hemoglobin ko dahil d daw compatible sa akin ung dugo. naabutan ako ng 2 weeks tumaas ung diabetes ko kaya naputol above the knee. ito pa. habang inooperahan ako tatlong beses inijeckan ako pampatulog pero never ako nkatulog dahil nasanay na ako na gising na gising pg inoperahan ako. hanggang naramdaman ko na ang sakit sabay sabi sa anesthesiologist. doc matagal paba yan? masakit na eh kaya sabi nga need na ako tubuhan para dun DW idadaan ung anesthesia ko. pgkarinig ko sabi ko ito na kinatatakutan ko katapusan ko na talaga to. habang pinapipirma NLA ako sabay panalangain, papa God kng kukunin mo na ako wla na akong magawa pero kng bibigyan mo pa ako ng chance mabuhah at makasama anak ko malaking pasasalamat ko. after ko mgpirma nawalan ako ng malay. nagising ako nong binihisan na nila ako tapos na pala ang operasyon. Hinanap NLA damit ko natawa sila kasi tinuro ko lang damit ko after nun tawa sila nawalan ulit ako ng malay. nagising nako nasa recovery room na ako kasi my umiiyak dahil namatay pasyente nila at naiinis ako sa sarili ko kasi ang dami namin nasa recovery room lahat natutulog eh nauna silang naoperahan bakit tulog pa sila samantala ako gising na gising at pinag jojoke ko ung nurse hahaha kaya ayun ngayon isa nlng paa ko pero yung nagpupunta ng bahah Hindi mkapaniwala na kaya ko pa magtrabaho sa bahay like paglalaba pagluluto mglinis ng bahay. at Hindi ba DW sumama loob ko na isa nlng paa ko bka DW madepress ako. napagtanto ko sa sarili ko na kaya ko at ayokong mgmukhang kawawa dito at maging pabigat. isang magbubukid asawa ko sa ngayon nagtatapas siya ng tubo yun ang ikinabubuhag nya sa amin ng anak ko. minalas man ako sa una kong asawa sinuwerte din naman ako sa pangalawang asawa ko minahal nya ako af anak ko ng walang pagdadalawang isip tinganggap nya kami ng buong buo af mahal na mahal nya ang anak ko tulad ng pavmamahal nga sa akin kaya ako naging strong.Maraming salamat po

Please log in to comment.

More Stories You May Like