Kalam Kalam
Profile Image
Maria Fe Lobo
4 months ago

Pagtataguyod bilang Ina

Ako po ay may 3 anak, ang panganay an nasa 2nd year college, ang pangalawa nasa grade 10 at ang bunso ay 3 taong gulang. Sa ngayon po, ako po ang nagtataguyod sa mga pangunahing pangangailangan ng pamilya ko, kasi wala pa pong trabaho ang asawa ko. Ako po ay isa lamang contractual na empleyado kaya madalas delayed ang sahod. Kaya nakakaranas ngayon ang pamilya ko ng kagipitan sa financial. Kaya nais ko sana kahit man lang pang noche buena at media noche namin, mayroong lamang kami mapagsaluhan sa mesa sa dalawang mahalang okasyon na yan sa buhay namin. At hiling ko din po sana na mapalitan ung anti astigmatism na eyeglasses ko, kasi po nasira na po ung frame. Nilagyan ko nalang po ng tape para kahit papaano, may magamit po ako. Hindi na po kasi kaya ng mata ko pag hindi ko po suot ang eyeglasses ko. Kaya ang wish ko sana ngaung Pasko, ay mapalitan eto dahil kelangan ko po suot palagi ang eyeglasses ko. Nawa po may ginintuang puso na mag grant ng wish ko para sa eyeglasses ko na mapalitan na po. At gayundin po para sa mga anak ko na may mapagsaluhan kami ngaung Pasko at New Year🙏❤️

Please log in to comment.