Kalam Kalam

the journey

im vinceint azcueta jr 26 from senator ninoy aquino sultan kudarat. February 2024 nang napunta ako ng maynila upang makipag sapalaran .nag apply at na hire po ako nong march 1 2024 bilang cashier sa palawan pawnshop i was so happy that finally may trabaho na ako at sa wakas matutulongan ko na din ang family ko when it comes to finances lalong lalo na sa bunso naming kapatid na nag aaral sa college . nakatira ako kasama ng aking mga pinsan sa cavite apat kami sa isang bahay at ambagan kami sa pagbabayad ng upa at mga pagkain. Masaya nong una dahil bawat isa sa amin ay may mga trabaho na. peru dumating yong point na diko na nakayanan ang trabaho at sumuko na ako . at don nadin nag umpisa na nag iba yong trato ng mga pinsan ko sakin. hindi ako pinapansin ,hindi ako tinatawag pag kakain at higit sa lahat hindi din nila ako kinakausap upang kamustahin tila ba pinabayaan na nila ako .and then isang araw nagkaroon kami ng chance na mag usap usap upang pag usapan kong ano ang dapit gawin sa kadahilanang wala na akong trabaho .sinabi nila sakin na lilipat na daw sila ng bahay at sinabihan ako na bahala na daw ako sa buhay ko kong saan ako pupunta .nakiusap ako na kong pwede isama nalang muna ako kasi wala akong tutuluyan .habang nag hahanap ng panibagong trabaho. peru wala silang imik na tila bay wala silang naririnig .ako ay parang mababaliw nong araw na yon kasi diko alam ano ang gagawin .ang tangi ko nalang sandigan ay ang Panginoon wala ng iba .kinabukasan ay nabuhayan ako ng loob dahil kinontact ako ng aking tita half sister ng mama ko na nasa lipa city batangas na doon na raw muna ako sa kanya habang naghahanap ng panibagong trabaho .subrang saya ko non kasi nabigyan ako ng panibagong pag asa sa tulong ng aking kamag anak .akala ko magiging okay na ang lahat kasi titira ako sa kapatid ng mama ko . nong una subrang saya din .pamilya talaga ang turing sa akin inaasikaso ako ng mabuti at tinutulongan din .nong mag aaply na ako ng trabaho sabi ng tita ko na map appy ako sa call center. sinunod ko naman ang gusto niya so nag apply ako sa lahat ng BPO companies sa lipa peru ni isa wala akong pinasa in short bagsak ako 🥺.napanghinaan na ako ng loob non kasi paano na ako ? .at don nadin nag umpisa na nag iba nadin ang trato ng tita ko sa akin .ang hindi niya alam pa sekreto akong nag apply sa SM lipa bilang sales consignor.sa awa nang Panginoon natangap ako sa trabaho. at don ko nalang din sinabi sa tita ko. ang sabi ko sa tita ko na e grab ko nalang muna yong trabaho sa SM habang nag aantay ng 3 months bago maka apply ulit sa call center .at hindi ko inaasahan ang kanyang sinabi . dahil ang sabi sa akin kong Sa SM lang daw ako magtatrabaho. hindi niya raw ako papansinin kasi yon lang ang trabaho na tila bay ang liit ng tingin niya sa akin at sa mga nag ta trabaho ng SM . nasaktan ako sa sinabi niya. peru di nalang ako umiik . nagdaan ang mga araw mas lalo pang lumala ang mga pangyayare na naranasan ko sa piling ng aking tita .lagi akong dinadabugan . yong mga hinuhugasan ko hinuhugasan niya ulit pag natutulog ako pinapatayan ako ng electric fan kasi malaki daw kunsumo sa kuryente ,sa umaga naman tinatago niya yong plantsa sabon at shampoo .sa sofa niya na din ako pinapatulog na dati ay may sarili akong kwarto . di niya din ako inaaya kumain kahit na ako lahat lahat ang nag ta trabaho sa bahay nila pagka tapos ng aking trabaho pinagluluto ko pa sila at lagi niya akong minamaliit hindi man niya ako napag buhatan ng kamay peru ang bawat salita at kilos niya ay parang nabogbog nadin ako sa mga masasakit niyang salita sa akin. wala daw akong mararating . hanggang don na lamang daw ako . hindi ako umimik at pinapa sa Dios ko nalang ang lahat. iniiyak ko na lamang aking aking sama ng loob sa CR habang naliligo o di kayay sa daan habang papasok sa trabaho .kaya nong unang sahod ko non. kahit wala ng matura sa sahod ko naghanap ako ng bhouse ko para ng sa ganun maka alis na ako sa kanila .at sa awa ng Dios naka alis ako sa puder niya .akala ko ulit magiging okay nadin ang lahat pagkatapos kong maka alis sa kanila peru hindi the mas lumala pa pala dahil nong nakaalis na ako. ang dami dami dami din niyang masasakit na chat sa mama ko na kulamg nalang yukaran niya ang pagkatao ng aking ina at nang buong pamilya ko. kahit sino sino nalang na kakilala ko ay china chat niya na wala daw akong utang na loob at subrang taas na ng tingin ko sa sarili ko. may sinabi pa siya na e po post niya daw ako sa facebook para malaman ng bupng pamilya ko at relatives ko sa mindnao at ipapahiya niya ako. peru ito ay hindi ko nalang pinatulan at ng aking ina . ang importanti ay naka alis na ako sa kanila. masaya ako sa naging trabaho ko sa SM lipa marami akong naging kaibigan.at na eenjoy ko ang trabaho bilang isang sales consignor . akala ko non tapos na ang aking pag hihirap nakatakas ako sa mga pinsan ko na nagpalayas sa akin natakasan ko na rin yong mala demonyo kong tiyahin .akala ko okay na. peru hindi pa pala sa trabaho pala ay meron ding magiging problema dahil angcompanyang napasukan ko ay wala ding awa sa mga mang gagawa . hindi binabayaran ang aking overtime at tila ba di sila marunong mag alaga ng kanilang empleyado .naging maayos ang aking trabaho simula august hanggang December 10.peru sa kasamaang palad December 16 ay last day ko nadin pala sa kadahilanang kinut ako ng aming upisina at di na ako makapag patuloy sa aking trabaho. nabigla ako sa mga pangyayare kasi bigla bigla nila akong tinanggal . nakiusap pa ako non sa kanila na kong pwede tapusin ko na lamang yong penirmahan kong contrata na hangaang january 1 2025 .pra maka ipon man lang ng pamasahi pauwe ng mindanao peeru hindi sila pumayag ang ending tanggal ako . diko pa nakuha yong sahod ko at 13th month pay ko . naka ilang send ako ng letter sa kanila peru wala talaga silang awa at tinanggal talaga ako . at hanggang ngayon February na. di parin nabibigay yong last sahod ko at 13th month pay nireklamo ko sila sa Dole peru hini sila umaatend ng zoom meeting para pag usapan sana kong anong pwedeng remedy sa case ko.. nong panahon na nwalan na ako ng trabaho. don talaga ako nag breakdown kasi wala din akong pambili ng ticket pauwe ng mindanao .wala akong ka pera pera. wala din akong ipon kasi yong sweldo ko ay tamang tama lang pambayad ng upa pagkain at pamasahi . so wala talaga akong pera. buti nalang ay sinalba ako ng pamilya ko. yong ate kong ang bumili ng ticket ko pauwe ng mindano luckily naka uwe ako dito sa amin dahil kong hindi baka don na ako mamamatay dahil sa kawalan ng pers at makain. sa lahat ng pinag daanan ko. lagi ko parin pinag papasalamat sa atinh Panginoon na di niya ako pinabayaan. and i realize na wala kang ibang masasandalan kundi ang pamilya mo at lalong lalo na ang panginoon. sa lahat ng pag subok na ating kinakaharap. lastly maraming salamat po sa platform na ito .for allowing me to share my survival journey God bless po. once again. im Vincent azcueta jr from senator ninoy aquino sultan kudarat

Please log in to comment.

More Stories You May Like