Kalam Kalam
M
Maricel Millena
2 months ago

"Wasak na Tahanan, Sugatang Puso"

Hi ako nga Pala si Maricel, pero tawagin niyo na lang ako sa pangalang Cellyang, 21 years old at nag susumikap para sa pamilya. Fast Forward when I was 5years old, Isang musmus pa lamang ngunit humaharap na sa bagong simula ng Buhay ng humiwalay sa Ina, oo sa edad na limang taong gulang pa pero sinusubok na ng panahon, Hindi ko mawari kung lahat lang ba Yun Isang guni-guni o Isa lamang laro, sabi kasi ni inay Siya ay mag tatrabaho lamang sa Maynila, kaya Yun ang nasaisip ko, Hanggang sa lumipas ang ilang buwan ay nakatanggap Ang aking ama ng tawag galing saaking Kapatid na Yun ay nakapag-asawa ng Taga Maynila, pagkatawag niya sa aking ama sinabing " si inay daw ay may ibang kinakasama na" as age of 5 wala lang Yun saakin, Kasi sino ba kasing limang taong gulang Ang umiiyak sa ganoon na ang palaging iniisip ay Ang paglalaro lamang. So Yun na nga habang Ng uusap Sila ay biglang mupatak Ang luha Ng aking ama na makikita mo sa kanyang mga Mata Ang sakit at Galit na Hindi ko mawari kung ano ang nangyayari. Fast Forward: Pagkalipas Ng ilang buwan at taon ay parati nalang si ama ng iinom at ng yoyosi, Hindi mo na Siya makakausap Ng maayos sa kadahilanan na maaga palang andun na sa kanyang parating ininuman ng alak, pati ako napapabayaan niya, kaya kinuha ako ng aking Kapatid para makakain Ng maayos, so ayun na nga habang tumatagal ay mas grabe at mas tumitindi ang Galit na naiwan sa aming mga puso simula ng nawalay si inay saamin, parati nalang kaming nakakatanggap na si ama raw ay napakalasing na halos Hindi na makatayo sa subrang lasing, kaya syempre kami na anak parati kaming nandyan para sa kanya kahit hindi nakakinig saamin. fast forward:(7yrs) sobrang espesyal Ang taon na to Kasi naman Yung pinaka bunso niyang anak ay gagraduate na ng elementary. Pero Mali Ang taon nato Ang pinakamasakit sa lahat na sana ito ay Isang bangungut lamang. first week of February nang simulang nakaramdam si ama ng Hindi magandang nararamdaman kaya Yun Pinahiga namin Siya at maraming mga ginawa Ang Kapatid ko para mag hilom Ang mga sugat na Yun, pero habang lumilipas Ang araw ay mas lumala Ang sakit niya, sa higaan na lang Siya umiihi at halos Hindi na Siya makatayo, Yung pang-isip niya ay mubalik sa pagkabata, halos Wala kaming tulog kasi pinabantayan Siya, kung sasabihin Naman namang pupunta kami sa hospital ayaw niya rin naman. mas gugustuhin niyang mamatay kaysa mupunta sa hospital, Ang sakit isipin pero Wala ey Hindi ako diyos para maheal Ang sakit Ng aking ama. fast forward: first week of March it's Friday, as elementary students syempre after uuwi Ng Bahay ay maglalaro Muna Kasi it's Friday diba, habang naglalaro Yung pamangkin ko na grade 4 students ay sinabi niya saakin na uuwi naraw ako, syempre sabi ko oo mayamaya na, Yun na nga habang inutusan ako Ng aking guro ay pagbalik ko sinabi niya saakin na wala na raw Ang aking ama. ay **** sinong maniniwala dun na before ako pumasok sa skwela ay akin Muna siyang Pina inom Ng malamig na tubig, Hindi ko mawari kung tama si ma'am pero mas nilakasan ko Ang loob ko na sana Hindi totoo yun, Pagkarating ko halos Hindi ako makagalaw sa Nakita ko maraming tao sa Bahay at Labas ng bahay, sabi ko sa isip ko papasok ba ako o iiyak ako dito sa Labas Ang sakit subra, Ng halo Yung sakit at lungkot na aking nadama, marami akong Tanong na hirap sagutin, Ang sakit lang Yung pinapangarap ko na Siya Ang tatanggap Ng medalya ko pero humantung sa ganito, bakit kais Siya pa?? marami namang iba, bakit papa kupa sana iba na lang. Hanggang Ngayon ay dala-dala kupa rin Ang sakit nung panahon na Yun.

Please log in to comment.

More Stories You May Like