UNFORGETTABLE FIRST KISS Sa panulat ni: Euz Asian writer ONE SHOT STORY Isang tawag ang nagpa gising kay Amara sa malamig na umaga mula sa pagkakahimbing nito sa pagtulog , Pakala kapa pa niyang inabot ang kanyang cellphone sa maliit niyang mesa katabi nang kanyang kamay, Nang ma abot na niya ang cellphone niya c kanina pa tunog ng tunog ay sinagot niya iyo nang May halong pag susungit. Ano ba yan kay agang agaw tawag kayo ng tawag, natutulog pa yung tao eh di ba kayo makapag hintay ng tanghali? Sino ba'to? Anong kailangan mo bat kay aga aga mo namang tumawag, alam mo bang naka esturbo ka? Pasungit na sagot ni Amara sa taong Kanina pang tumatawag sa kanya habang nakapikit pa ang kanyang dalawang mata. Huy Ms. Amara Guadalquiver ayusin mo iyang pananalita mo kung ayaw mong mapa alis kita sa trabaho mo wika nang nasa kabilang linya sa lalaki nitong boses. Nang dahil sa narinig ni Amara mula sa kabilang linya ay napamulat siya nang kanyang mga mata at nang ito'y tingnan niya ay nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Nakaka ilang missed calls na pala ito sa kanya bago niya masagot ang tawag mula rito, Nang tingnan niya ang pangalan kung sino ito ay bigla nalang siyang kinabahan dahil ang kanyang pinagsungitan pala ay ang kanyang boss pala sa kompanyang kanyang pinag tatrabuan. H-hello po g-good morning po boss, nahihiyang pagbati sa nasa kabilang linya pasensya na po kayo kung napag sungitan ko po kayo diko kasi alam na kayo pala ang tumawag pasensya na po talaga di na po ma uulit , nanginginig na sagot niya sa lalaking nasa kabilang linya. Bakit tila kay init nang iyong ulo, bakit ang sungit mo? Tanong ng lalaking nasa kabilang linya sa kanya. Pasensya na po talaga boss di na po ma uulit, ano po bang kailangan niyo at bakit kay aga niyo namang napatawag Sakin. Pabalik na tanong ni Amara sa lalaki. Sinadya kung tawagan ka nang maaga dahil ikaw ang gusto kung pupunta mamayang alas 10:00 nang umaga sa BONIFACIO HIGH STREET dahil May magaganap na biglaang pagpupulong sa lugar na iyon mamaya, Ikaw ang aatasan kung kukuha ng mga larawan doon at isulat mo din ang bawa't detalye ng kanilang babanggitin at pumunta ka sa office ko pagkatapos ng pagpupulong dun mamaya, maliwanag? Utos at wika nang lalaking nasa kabilang linya. Opo boss maliwanag po, sagot ni Amara at natapos na ang kanilang pag uusap. Ano ba yan gusto ko pang matulog, akala ko ba'y makakapag day off na ako ngayon dahil Linggo na kaso di rin pala hayst ano ba yan nakaka inis naman urghhh wika niya sa kanyang sarili at bumalik sa kanyang pagtulog. Siya si AMARA GUADALQUIVER, Amara kung tatawagin ,25 years old na nakatira sa Rizal streel Laguna, nakatira siya sa isang apartment na iniwan sa kanya nang kanyang mga magulang bago ito namayapa. Mag isa lang siya sa buhay, wala siyang kasama dahil nagsipag asawa narin ang dalawa niyang nakakatandang kapatid. Si Amara ay maganda ,maputi na animoy balat porsilana singkit ang kanyang mga mata matangos ang kanyang ilong mapupula rin ang kanyang mga labi mahaba ang kulay itim nitong buhok matangkad ay sexy dahil sa balingkitan nitong katawan at nakapag tapos rin ito ng kolehiyo at nag tatrabaho na ngayon sa isang kumpanya, kung iisipin napaka perfect nang buong pagkatao niya dahil sa sobrang ganda niya, mabait at subrang talino pa at higit sa lahat ma diskarte pa sa buhay na siyang naging dahilan kung bakit maraming babaeng na i inggit sa kanya. Nasa kalagitnaan na siya sa kanyang pagtulog nang bigla siyang magising dahil sa ingay ng alarm clock niya, pag tingin niya sa kanyang relo ay 8:45 na pala, dali dali siyang bumangon, niligpit ang kanyang pinagtulugan at bumaba at nag saking rice cooker ang kanyang lutuan kaya pwedi niya itong iwan sinabay na rin niya ang itlog sa bigas para isang lutuan nalang at agad na pumunta sa banyo at naligo pagkatapos ay agad na nag bihis ,inayos na niya ang kanyang buhok ay naglagay na rin ng konting make up at pagkatapos ay bumalik sa kusina sakto namang pag balik niya ay luto na ang sinaing niya pati na ang itlog na isinabay niya sa bigas ay luto na rin at kumain na siya. Nang matapos na siya ay dali dali na siyang dumiretso sa kanyang sasakyan at nagmaneho papunta sa Bonifacio High Street kung saan magaganap ang biglaang pagpupulong. Nang marating na niya ang location ay eksaktong nag t-10:00 na at ka agad na siyang nag hanap nang maaari niyang puwestuhan nang sa ganun ay maganda ang kuha niya sa pagkuha ng mga litrato á, marami na ring mga taong Naka upo sa mga upuan doon, sa di kalayuan ay nakahanap siya ng upuan kung saan mas maayos niyang makunan ng litrato ang bawat anggulo ng event. Dito na lamang siguro ako total maganda naman dito at siguradong maganda ang kuha ko mamaya,saad niya sa kanyang sarili at umupo na ito sa upuang kanyang nahanap. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula na ang pagpupulong, maraming tao ang dumating, ang iba ay nakatayo sa gilid-gilid dahil na ubusan na ito ng upuan hanggang sa makita niya ang isang matandang babae na Naka tungkod habang nakatayo sa gilid at tinawag niya ito at ibinigay niya rito ang kanyang upuan at piniling tumayo sa gilid at nakinig. Lahat ng mga importanteng katagang nabanggit ng nagsasalita sa harapan ay sinusulat niya, importante man o hindi dahil ito ang utos sa kanya ng kanyang boss, nang mataas taas na ang kanyang nasulat ay siya namang pagkuha niya ng mga larawan sa mga naroroon, bawat anggulo ng lugar ay kinunan niya rin pati mga taong umattend sa pagpupulong na iyon. Nasa kalagitnaan na siya nang kanyang pagkuha nang larawan ng aksidenteng matisod ang kanyang kanang Paa na siyang dahilan upang siya'y matumba at nang pabagsak na siya sa lupa ay siya namang pagpikit sa kanyang mga mata subalit sa di inaasahang pangyayari ay May biglang sumalo sa kanya at nang kanya itong nilingon ay sakto namang dumampi ang kanyang mga labi sa labi ng taong sumalo sa kanya, nanlaki ang kanyang mga matang nakatitig sa mata ng taong sumalo sa kanya. Isang lalaki ang sumalo sa kanya ,matcho ito matangkad maputi matangos ang ilong mapupula rin ang mga labi nito at napaka gwapo, Nang maramdaman niya ang pag init ng kanyang katawan ay nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatulala sa lalaking sumalo sa kanya habang ang mga labi naman nila ay magka dikit sa isa't isa , Pinalakpakan sila ng mga taong naroon ay tiyaka lamang niya na realize na nasa ganung sistema sila nang lalaki, dali dali naman niyang tinulak ang lalaki. A......uh.......uhmmmm s-sir pasensya na po di ko po talaga sinasadya sorry po, sorry po talaga wika niya sa lalaki habang nakayuko, namumula ang kanyang mukha at nanginginig dahil sa hiya sa lalaki at dali daling umalis sa pagpupulong at sumakay sa kanyang kotse na diman lang nakasagot ang lalaki sa kanya. M-miss huy miss tawag ng lalaki sa kanya subalit di niya ito nilingon at nagpatuloy lang sa pag lakad pabalik sa kanyang sasakyan Sino kaya yun, sino ba yun saad ng lalaking si Josh sa kanyang sarili. Ahh ma'am pweding mag tanong tungkol po sa babaeng sinalo ko kanina yun bang babaeng umalis tanong ng lalaki sa isang babaeng naroroon. Ahh si Amara po yun sir Amara Guadalquiver don po yun nag tatrabaho sa kabilang building sa isang kumpanya po yan nag tatrabaho po secretary po yan ni Mr. Bustamante sir sagot naman ng babae sa kanya. Ahh ganun ho ba, sige po maraming salamat po wika ng lalaki at bumalik sa kanyang sasakyan kasama ang kanyang mga tauhan. Ang ganda naman niya napaka perfect niya ang tangos ng ilong niya ang pupula ng kanyang nga labi at ang sexy pa niya napakaputi pa tila balat porsilana ang ganda niya subra makikita ko pa kaya siya? Mga tanong na gumugulo sa isip ni Josh Habang sa kabilang banda naman ay ganun din Jusko! .... Ano ba itong nangyayari sa akin, bakit ganu'n, napahiya tuloy ako sa maraming tao,lord bakit ganu'n Lord siya na ba? Siya na ba yung ibibigay mo sa'kin? Infairness Lord ah ang pogi niya ang tangkad pa ang puti niya tapos parang mayaman pa, Lord ano ba itong nararamdaman ko bakit ganito? Bakit ako kinikilig kahit napahiya ako sa maraming tao kanina, Lord kung gusto mo babalikan ko yun bang sa ganun ma ipagpatuloy namin yung paghahalikan namin hahay HUHUHU kung pwedi palang kaso di pwedi di ko din naman kilala yun bakit pa kasi natisud tung Paa ko napahiya tuloy ako hahay wika ni Amara sa kanyang sarili habang hawak hawak ang kanyang mga labi at minaneho na nito ang kanyang sasakyan at pumunta sa office ng kanyang boss. Magandang hapon po Mr. Bustamante ito na po yung pinapagawa niyo po bati niya sa kanyang amo at ibinigay na niya rito ang mga picture at ang nasulat niya kanina, nang matanggap ito ng kanyang boss ay umalis na siya at diretso na siyang umuwi sa apartment niya. Hapon na nang marating ni Amara ang kanyang apartment at agad na siyang dumeretso sa kanyang kwarto at doon ay nahiga na ito sa kanyang kamay at ini isip ang nangyari sa kanya at sa lalaking sumalo sa kanya nung matisod ang kanyang Paa hanggang sa makatulog siya. Lumipas ang mga araw, Linggo ,buwan at taon ay palagi siyang bumabalik sa lugar Kung saan niya na naranasan ang unang halik na nagbabakasakaling matatagpuan niya ulit doon ang lalaki subalit lagi siyang bigo dahil wala doon ang lalaki. Dahil sa unang halik na nangyari sa tanang buhay niya ay lagi niyang ini imagine ang lalaki at ang mukha nito na siyang di niya nalilimutan hanggang sa pag lipat niya sa New York at don naninirahan ay ang unang halik at ang halik na siyang nagpatibok sa puso ni Amara ang nagbibigay ng lakas sa kanya at nagbabakasakaling matagpuan rin niya ang lalaking iyon magpakailanman ..........WAKAS...........
Please log in to comment.