Kalam Kalam
S
Sunny
1 month ago

ABUSED

Hello, ako nga pala si Sunny(not my real name) im 20 and I'm a mother of twins now but before I got in this situation my life was messy as hell. I will start my story when i was grade 2. When i was in grade 2 don ko na realize na KAWAWA pala ako kasi lumaki po ako sa isang broken family. Ang naka gisnan ko lang ay ang aking ate at ang aking papa. Paano ko nga ba nasabi na kawawa ako,kasi po tuksuhin po ako ng maliit pa ako dugyot,maitim,kutuhin at marami pang iba maliban doon ay para akong langaw na kung saan-saan nakikikain sa mga kapit bahy namin.Wala akong maayus na mga gamit kasi mahirap lang kami wala akong maayus na damit at paminsan-minsan lang maka kain ng masarap. Naalala ko pa noon palipat-lipat kami,nakikituloy sa mga kamag anak namin kasi wala kaming sariling bahay,minsan napapalayas pa kami.Until nagkaroon na kami ng sarili naming bahay doon na nagsimula na nasabi ko na kawawa ako, tas iba ako sa ibang bata at ang palaging wish ko noon Ay sana kung anong meron sila magkaroon din ako. Isa sa mga naging wish ko ay sana yung papa ko ay pareho ng tatay ng mga kalaro ko kasi yung tatay nila palagi kong nakikita na nagbabonding sila habang yung tatay ko ay kinakahiya ko kasi palaging lasing at kung saan-saan nakakatulog dahil sa kalasingan at kung makakauwi man siya ay mag damag kaming walang tulog mag kapatid kasi ayaw nyang hindi namin mapakingan ang sermon nya na paulit-ulit hangang sa maka tulog siya,doon nalang din kami nakakatulog magkapatid.Hindi naman siya nanakit ng pisikal,masakit lang siya maag salita,oo minsan din naman pasaway lalo na pag bata. Nagpapasalamat parin naman ako na hindi niya kami ipinamigay sa iba dahil sabi pa niya may gustong umampon samin kaso ayaw niya kaming ibigay kasi nga kami nalang ang kayamanan niya. Kapag sa araw kami nalang dalawa ng ate ko ang naiiwan sa bahay kasi nasa trabaho ang papa namin.May bigas naman kami, tapos kami nalang ang mag luluto tapos ang ulam namin ay palaging noodles o di kaya ay sardinas inuutang pa namin yan sa tindahan babayan nalang kung may sahod na c papa ganyan parati ang araw-araw namin noon.Ang bigas pa namin ay yung bigas mais, medyu matigas yun pag na natagalan na yun pa yung baon namin sa skwelahan at ulam sardinas o di kaya ay tuyo,tas bigay ni papa na 5 pesos na pang bili ng sitserya para kahit papaano ay di naman kami naglalaway sa recess. Sa skwelahan naman hindi naman po ako bobo at hindi ko rin masasabing matalino ako,sakto lang ñakaka sagot naman sa mga tanong,kaso nga lang ay madalas akong ma tukso dahil maitim ako, walang maayus na damit at minsan wala pang ligo..pero kahit ganon may mga kaibigan parin naman ako..hangang sa napansin ko na bakit ganon ang saya nila mahal na mahal sila ng mama nila habang ako wala akong mama, yung papa nila sinusundo sila yung papa ko nasa trabaho palagi. Naiingit ako at nalulungkot dahil wala akong mama at parati namang nasa trabaho ang papa. Hangang sa graduation day na isa ako sa mga napasali sa aakyat sa stage kasi may award,doon ako napa iyak sa isang sulok dahil ako lang mag isa walang sasama sakin aakyat sa stage at mag sasabit ng medal yung mga kaklasi ko kompleto may mama,papa.Nahihiya man pro nakikisuyo ako sa mga tiyahin ko na sabayan ako sa stage palaging sila yung kasama ko noong elementary ako. Hangang sa nag highschool na ako dito nag simulang naging magulo ang buhay ko. Dahil siguro sa kulang ako sa atensyon at sa pagmamahal ay naka gawa ako ng mga disisyon na ikakapahamak ko at ikakasira ng buhay ko. Malandi ma Kung malandi ang eh tawag nyu sakin, maaga po akong pumasok sa pakikipag boyfriend. Uso dati yung keypad na cellphone doon ko nakilala ang unang boyfriend ko mas matanda siya sa akin 12 years old palang ako at ang naging boyfriend ko 23 years old na..At oo tama kayu ang habol lang niya ang pagkababae ko. malayu siya naka tira pero pinupuntahan niya ako.Palihim lang kaming nagkikita dahil takot ako na malaman ng papa ko na may boyfriend na ako.Dahil palihim kamming nag kikita pinipilit nya akong mag s*x na daw kami,nung una ayaw ko pero ang sabi niya kung mahal ko daw siya ay welling akong makipag s*x sa kanya at na kuha nya po talaga ang pagka berhin ko. Pagkatapos noon ay hindi na siya nagparamdam sakin at subrang iyak ko non at subrang disappointed ko sa sarili ko, hangang sa nAtuto akong mag inom at napa barkada.Ito yung time na kung sino sino nalang ang naging boyfriend ko hangang sa nalaman na ng papa ko at napag disisyonan nila sa doon nalang ako sa tiyahin ko patirahin sa probinsya nila. Napadpaad ako sa probinsya nila..mabait ang tiyahin ko pero ang kanyang asawa ay strikto at noong una palang ay hindi kona gusto ang mga pinapakita nya sa akin.malaki ang katawan ng asawa ng tiyahin ko halatang maskolado na tao nag tagal ako sa pamamahay nila dahil sa COVID-19 pero hindi naging maayus ang pakikitungo ng asawa ng tiyahin ko sa akin..Pinag aral nila ako at laking pasasalamat ko noon sa kanila pero subrang strikto ng asawa ng tiyahin ko n kailangan 4:30 ay nasa bahay kana at pag ka uwi mo lahat ng utos nya ang kailangan matapos.8 pm kinukumpiska na niya ang cellphone ko para maagang maka tulog at ayaw nyag nag boyfriend ako sa sumbrang strikto niya ang wala ka nv privacy pati password ng Facebook account ko ay kailangan alam niya para makita nya kung may ka chat man akong mga lalaki..alam nyu bakit ganun nalang siya ka higpit sa akin dahil pinagsasamantalahan nya ako at maging sa cr sinilipan niya ako at tinatakot na kung mag susumbong ako papatayin niya ako subrang takot ko at alam ko naman na wala akong laban sa kanya dahil nasa pamamahay niya ako at subrang laki nyag tao..sabi ko pa nuon sa isip ko na kung may pag kakataon ay uwi ako sa amin at hinding hindi na ako babalik pa. Hangang sa hindi na masyadong mahigpit noon sa COVID-19 at kakatapos na ng skwela..nanginginig pa ang katawan ko na lumapit sa tiyahin ko at nagpa alam na maagbabakasyon lang ako sa amin.sa awa ng diyos ay pumayag ang tihayin ko. Sa pagkakataon na yun ay dinamihan ko ang pag iimpake ng mga damit ko tas mga importanting mga bagay na kailangan ko dahil ayaw ko ng bumalik sa lugar na yun. nagtataka naman ang tiyahin ko dahil marami dami ang dinala kung gamit at pabiro.pa nyang sinabing"di kana ba babalik dami mo namang dala eh mag babakasyon kalang namn" nauutal kung sinagot ang tita ko "ay hindi ang iba po dito ay ibibigay ko sa kapatid ko" tumango lang ang tiyahin ko..Hangang sa naka alis na ako ay hindi nako lumingon pa sa bahay na yun.. Naka balik ako sa bahay ng papa ko at nasabi kung naging mahirap man kami at least dito makakahinga ako ng maluwag dahil alam kung walang mang aabuso sakin.Simula ng naka uwi ako ay naliwanagan ako...naging traumatic sakin ng mga pangyayaring yun na akala ko ay di ko na makakayanan na isipan ko pang magpakamatay dahil sa trauma pro nalampasan ko yun dahil sa lalaking tinanggap ang nakaraan ko at trenato ako ng tama at yun yung naging partner ko ngayun at sa papa kong kahit anong nagawa kung disisyon ay tinanggap ako ng buo.. Hangang ngayun ay walang nakakaalam sa pinangdaan ko sa probinsya marahil nag tataka kayu kung bakit marami po akong dahilan isa na doon ang tiyahin ko ayaw kung patayin cya ng asawa nya at alam ko rin naman na hindi iiwan ng tiyahin ko ang asawa niya dahil mahal na mahal niya ito.At ayaw kung guluhin pa ako ng nakaraan ko payapa na ang buhay ko kasama ng mga kambal kung anak at ng partner ko ..IPINAGDASAL KO NALANG NA SANA PINAGSISIHAN AT PINAGDUSAHAN NIYA ANG GINAWA NIYA....

Please log in to comment.